[061916]
Pagdilat ng aking mga mata'y agad na naman akong sinalubong ng isang ideya... Isa na namang panibagong araw ang aking kakaharapin at bubunuin, nang walang ibang kasama, kundi ang aso ko lamang na si Bantay.
Mula sa loob ay sumilip ako sa labas. Walang nagbago. Ang maingay, mausok, maliwanag, at makulay na siyudad ay wala—ngayo'y wala na talagang buhay.
Nakahalang sa kalsada ang mga abandonadong sasakyan, basag-basag ang salamin ng mga naglalakihang gusali—na ginapang na ng mga ligaw na damo, at nagkalat kung saan-saan ang mga duming tinatangay ng hangin. Walang anumang anyo ng buhay.
Ngunit ganunpama'y hindi pa rin nawawala sa akin ang isang paniniwala—paniniwalang hindi ako nag-iisa, paniniwalang mayroon pa—mayroon pang nag-iisang gaya ko na naniniwalang hindi siya nag-iisa—umaasang mayroon pang natitirang iba pa, bukod sa kaniya.
Kaya't dali-dali akong nag-almusal, ibinulsa ang kasadong baril, inihanda ang sarili para sa isa na namang misyon, ang muling maghanap ng kasama—na makatutulong upang mapunan ang akin ding pangangailangan...
Bilang isang tao.
Bilang isang lalaki.
Sawang-sawa na ako kay Bantay.
![](https://img.wattpad.com/cover/150547699-288-k256276.jpg)
BINABASA MO ANG
DIKOGETS - Koleksyon ng mga Dagli
Historia CortaMga orihinal na gawa ng malikot na isip ng may-akda... simula sa kaniyang pagiging hilaw... at pagiging hindi pa rin hinog. Kiligin, kabahan, matakot, masaktan, magulat, matawa, mapaisip, at mapasabi ng walang kamatayang linya na: DIKOGETS.