Lihim

307 6 0
                                    

[090917]
[SSSHWritingActivity Winner]

Sinisilip ko siya mula sa bintana ng klasrum nila. Nakaupo siya habang binabasa ang isang papel, ilang minuto bago magsimula ang klase nila-gano'n din ang sa amin-pero dito muna 'ko ulit nagpunta.

Isang dalagang noon pa ma'y palihim ko nang hinahangaan dahil sa kaniyang angking talino... bukod pa sa kaniyang halos perpektong panloob at panlabas.

Nagulat ako sa pagbaling niya ng tingin sa kinalalagyan ko. Mabilis akong nagtago.

At kinakabahan man... ay nakasiguro ako... ang kaninang binabasa niya ay ang bagong liham ko... para sa kaniya.

Napangiti ako.

Rinig ko ang pagbati niya sa mga estudyante niya.

DIKOGETS - Koleksyon ng mga DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon