That Game: 3

99 15 0
                                    

Alistaire's pov.

Ano ba yung maingay?

*click* *click*

Napamulat ako dahil sa ingay na parang nanggaling sa camera.

"Ang pangit mo talaga Ria"

Sabi na nga ba eh, pinag pipicture lang naman ako ni Xander at eto tawa pa ng tawa. Akala mo naman sobrang gwapo, oo na siya na gwapo.

"Grabe naman tulog mo Ria, parang water falls yung laway mo.... Hahahahahaha"

Napapunas ako sa pisngi ko. Hindi naman basa ah.

"Hoy di naman ako naglaway" sagot ko dito

"Malamang natuyo na"

"Alam mo ba kung anong oras na?!" Hindi ko mapigilang hindi magalit.

"Oo" sagot nito sabay tingin sa relo nito. "Actually 5:30 na, bakit?" Tanong nito.

Nangiinis ba talaga siya, wala ba siyang sense at hindi niya maramdaman na naiinis na talaga ako?!

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ulit nito.

"Uuwi na" sagot ko

"Pero wala ka pang naituturo saakin" saad nito

"Ang usapan tuturuan kita ng 4:00 ng hapon hanggang 4:50 rin ng hapon. " sagot ko rin dito hindi ko talaga mapigilang di maging maldita.

Nagsimula na akong maglakad.

"Hoy Ria, nakakalimutan mo ata yung pictures mo " saad nito at nagsimula ulit na tumawa.

Napalingon ako, ano bayan mamaya ikalat niya pictures ko ayoko nga na makita yun ni Drew. No way!

Lumapit siya saakin "okay lang na lumabas tong pictures mo tutal wala nang masisira sayo." Sabi nito sabay nag nonod. Ahy gago nangiinis talaga eh.

Inilahad ko yung kamay ko sa harap niya.

"Bakit?" Tanong nito.

"Akin na" sagot ko rito.

"Ayoko nga" sagot naman nito

"SILENCE!" Shit nagalit yung librarian.

"Sorry po ma'am" saad ko.

Eh seriously ako lang nag sorry? Samantalagang tong lalaking to hindi siya nag sorry?

Hinila ko siya paalis ng library.

"Ano bang plano mo sa buhay?" Tanong ko rito.

Lumapit siya saakin.... Napaurong naman ako hanggang sa maramdaman ko na ang malapad na pader.

"Plano ko sa buhay?" Tanong nito. "Ang inisin ka" pagpapatuloy nito.

"Heyy tara na nga" hinawakan ko yung kamay niya sabay hila kasi ang awkward ng posisyon namin. "Tuturuan kita ibalik mo saakin yung pictures ko. Ok ba yun?" Saad ko rito sabay ngiti.

"Are you talking to three years old?" Nakangising tanong nito.

Hihilain ko sana yung pictures nang biglang hinila rin niya kaya, anong nangyari? Nahulog kaming pareho at ako ang nakapatong sakanya. My gashhhh ano yun? Yung nararamdaman ko sa tiyan ko? Hala. Nanlaki yung mata ko ng madiskobreng yung ano niya yun (basta alam niyo na yun.)

"Aalis kaba o inienjoy mo pa?" Tanong nito habang may ngisi sa labi. Nang gagago ba siya?

"Hoy feeling mo ahh" agad ko namang sabi

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon