That Game 30:

80 8 0
                                    

Alistaire's pov.

Weeks past by, at naging maayos naman. Halos tropapips ko na yung barkada ni Xander, mababait naman pala sila eh. Nalaman ko rin na nag-break na daw si Drew at si Ashley. Sa totoo lang ang sakit lang na yung tinuring kong kapatid nag kakaganyan na. Hayst.

Hay bahala na nga. Iisipin ko nalang yung nalalapit na concert ng exo!

Napalingon naman ako sa phone ko ng biglang tumunog.

Deoneun mangseoriji ma jebal
Nae shimjangeul geodueo ga
Geurae nalkaroulsurok joa
Dalppitjochado nuneul gameun bam

Na anin dareun namjayeottamyeon
Higeuk ane han gujeorieotteoramyeon- "hello?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag.

"Hey, ako to yung kapatid ni Xander, si Denise. Uhmm- pwede bang humingi ng favor?" Wika naman nito. Oo nga pala! Naging close kami ni ate Denise this past few days. Syempre, nung una minalditahan niya ako kasi ganun talaga siya pero dahil alam ko na ang ugali niya, nag kaintindihan naman kami kaagad.

"Hey Ria, are you still there?" Wika ni ate Denise kaya napabalik ako sa pagiisip ko. May kausap nga pala ako!

"Ah, opo. Ano po ba yung favor mo ate?" Tanong ko.

-------

Ano ba naman kasing ginagawa ni Xander sa buhay niya kaya siya nag kasakit?! Yes, ito yung hinining favor ni Ate Denise. May pupuntahan daw kasi siya eh, tapos may sakit daw si Xander. Tapos si manang naman daw umuwi.

Agad namang lumabas si ate Denise. "Thank you ha!" Wika ni ate Denise kasabay ng pagbeso-besso niya saakin. (Alangan namang sayo, de joke lang)

"Okay lang yun ate. Si Xander po?" Tanong ko naman na nagpangiti kay Ate Denise. Ano kaya iniisip nito?

"About that, sorry ha. I gotta go" sabi ni ate Denise sabay tapik sa balikat ko at sumakay na sa sasakyan na pinangsundo saakin kanina sa bahay.


"Who's there?" Napalingon ako sa nagsalita. Bakit parang wala namang sakit tong unggoy na to? Ginugusot-gusot niya ang kanyang mga mata at magulo rin ang pagkakaayos ng buhok niya. At papalapit siya saakin ngunit di niya ata ako nakikita dahil nga ginugusot niya ang kanyang mga mata.

Napahinto ito "Ria?" Hindi makapaniwalang wika ni Xander. "Kanina ka pa?" Tanong pa nito. I nodded. Problema niya? Maayos naman itsura niya. Ahh kakagising!

Dali-dali siyang tumakbo paakyat sa kwarto nito. Pumunta naman ako sa sala nila at umupo. Mukha tuloy akong mukhang upuan dito! Kasi naman kanina pa ako nakatayo masakit na yung paa ko.

"Bakit ka pala nandito?" Wow! Nakaligo na siya! Ambilis ah!

"May sakit ka ba talaga?" Tanong ko naman sakanya. Agad namang siyang nagpeke-pekeng ubo. Sinasabi na nga ba eh! May sabwatang nangyari dito eh!

"Wala" seryosong sagot naman nito. Aba aba aba! Si Ate Denise!!!!!!!

"Are you here because you thought I'm sick?" Mariin na tanong ni Xander at tumango nalang ako. At bigla namang sumilay ang mga ngiti sa labi nito.

"Ano nginingiti mo diyan?" Tanong ko.

"I'm just happy that you're worried about me" wika namang nito. Aba taas ng pangarap nito. Oo nag-aalala ako ako pero ba't ko sasabihin pabebe mode muna.

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon