That Game 8:

74 10 0
                                    

Alistaire's pov.

"Hoy sinasadya mo yun noh" pagkatapos kasi akong pumiyok lahat sila nag tawanan at ngayon kung ano ano na sinasabi ni Ashley. Alam ko ba na pipiyok ako?, di ko naman sinasadya ah.

"Alam ko Ria, naiinggit ka saakin noh kaya mo yun ginawa" hinila niya nang bahagya ang buhok ko.

"Ashley hindi ko naman sinasadya, nagkataon lang" mahinahon kong sambit.

"Alam mo, buti hindi kita tinuring na kaibigan, kasi tanga ka, pangit at ang sama ng ugali mo. Ginagawa mo to kasi gusto mo akong mapahiya, diba? Tama ako?" Sabi nito at mas hinila pa ang buhok ko. She never treat me as her friend. It sucks na ganyan pala ang pinagiisip niya.

Nabigla nalang ako ng lumuwag ang pagkakahawak ni Ashley sa buhok ko. Napa-aangat ang tingin ko, my goshhh anong ginawa ni Xander dito? At ano ginawa niya kay Ashley?

"X-xa-xander?" Bahagyang tawag ni Ashley kay Xander.

"You know, I thought you're nice, but what I see a while ago, you made me think you're the worst woman in the world" he said. I didn't expect to hear it from him. He is such a bastard towards me, but now I feel I still have something in my side.

Pagkatapos sabihin iyon ni Xander, hinila niya ako sa likod niya.

"Xander, kung ano man ang nakita mo, nagkakamali ka, siya talaga ang masama at ako ang biktima" saad agad ni Ashley, defensive lang?. My goshh, di maprocess ng makitid kong utak. Hinawakan ni Ashley yung braso ni Xander.

"You know woman, you're really getting on my nerves, buking kana nga magsisinungaling kapa." Sabi niya sabay alis ni Xander sa kamay ni Ashley.

Dahil sa malakas na pagalis ni Xander sa kamay ni Ashley, nahulog siya. Hala, akmang tutulungan ko sana si Ashley ng tabigin niya ang kamay ko.

"Kasalanan mo talaga to eh" sabi niya sabay hila sa buhok ko. Agad naman siyang napaupo dahil sa pagalis ulit ni Xander sa kamay niya.

"Tumi—"

"Xander, anong ginawa mo kay Ashley?!" D-drew?.

"Ask your girlfriend" walang alangan na sabi ni Xander. A-ano? Girlfriend ni Drew si Ashley?.

*whishhhh* *whishhh*

That's it, nasa rooftop na ako.

Gusto kong magalit, gusto kong mag wala pero wala akong karapatan. Ashley, paano mo to nagawa?.

Yan na nga umiiyak na ako.

"Oh" napatingin ako ng bahagya. Si Xander nanaman inaabot saakin yung panyo.

"Ano, tititigan mo lang ba?" Frustrated na tanong nito. Tskkk, ang sama naman ng ugali nitong tumulong, pero naappreciate ko.

Pagkatapos kong kunin, umupo ako sa gilid na ginawa rin naman niya.

"Bait baitan talaga yung best friend mo eh" paninimula niya.

"Hindi naman siya ganun.... dati" yeah, I admit. Bait kaya ng best friend ko, tuwing galit saakin si mama sakanila ako didiretsyo, pag nahihirapan ako tinutulungan niya ako, pag umiiyak ako kino-comfort niya ako, pero ngayon siya ang dahilan ng pagiyak ko.

Andami daming taong pwedeng maging girlfriend ni Drew, siya pa. akala ko ba kaibigan ko siya? Oo nag shashare kami sa madaming bagay, pero kailangan din ba naming mag share pati sa love life?

Grabe naman kasi si life saakin eh. Now, mas lalong bumaba yung confidence ko kasi pumatol agad si Drew sa best friend ko which is super ganda tapos ako, tao lang pangit pa... ang taas pa ng pangarap kay Drew! Pababayaan ko nalang ba sila na saktan ako?.

Pero diba ang gusto ni Ashley eh si Xander? Don't tell me she lied, pero lagi naman niyang pinapakita na si Xander talaga! Tapos ngayon sila na ng ultimate crush ko!

"Hoy wag tanga, ang pangit mo na nga iiyak ka pa"

"Eh anong gagawin ko? Eh sa masakit" sabi ko sabay punas ng luha ko.

"Tsssk, kaya nga nasasaktan para hindi mo na ulit gawin o pagkatiwalaan ang nanakit sayo." Napasinghap muna siya bago magsalita ulit. "Tara labas tayo, libre ko"

"Talaga" halos magningning ang mata ko sa narinig ko.

"Tskk" sabi ni Xander sabay tayo.

——————

"Hoy Benson, ipunta mo nga dito yung sasakyan ko" pangbubungad ni Xander sa kausap niya.

"Oo" sagot  nito, ano kayang tinanong nung Benson? Curious ako. hindi naman siguro masama na nakikinig ako noh? :B        "Paano ka uuwi? It's not my concern anymore" sagot nito sabay in-end yung call.

Mayamaya pa ay andiyan na, omg. Kelan kaya yung last na sakay ko sa motor? Wala talaga akong maalala eh. Yups motor! Natatakot ako.

"Hoy ano pang tinatayo tayo mo diyan?" Ayy binibigyan niya pala ako ng helmet. Sorry naman daw!

Bumaba siya sa pagkakasakay niya sa motor niya at lumapit saakin.

Inayos niya ng konte ang buhok ko "hindi ka ba nagshashampo?" Tanong nito, bago isinuot ang helmet saakin. "Atsaka try mong ngumiti, para gumanda ka kahit konte"

:O uyy tinawag niya akong maganda, walang bawian ha!

Matapos niyang maisuot saakin yung helmet, pinaandar na niya saka ako sumakay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko bago kami umalis.

"Star City" sagot naman nito.

And a scene came up.

"Mommy daddy, I want to go to Star City"

"Yes baby, after breakfast, okay?"

"Yes daddy"

"Hon, you always spoiled Sia"

Sia? Diba siya yung one and only love ni Xander? Huwag mong sabihin na..........














May kakayahan akong makita ang nakaraan? Tf!

Edited: 02-02-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon