That Game 36:

78 10 2
                                    

(A/N: For better reading, you can listen to the song: Apologize. Swear, it's super duper pretty- like me. Charot!)

Alexander's pov.

Pagkagising ko tama pala ako, hindi panaginip ang lahat. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Marahan ko siyang hinawakan sa mukha. She looked lovely, hindi halata sa mala anghel niyang mukha ang hirap na nararanasan niya ngayon.

F*ck! Ang hirap. I didn't break-up with her, dahil lang sa nalaman ko kay Ashley na may relasyon daw si Ria at ang father ni Sia, I don't believe in that thing. Pero kasi- tang*na may proweba siya na kahit anong gawin ko ang tanging kapalit na hinihingi niya ay hiwalayan ko si Ria at siya ang makasama ko. P*ta hindi ako naniniwala sa lahat ng sinabi nung tao yun pero mas gusto ko na masaktan si Ria na nag-iisa lang akong dahilan. Kesa masaktan siya at halos lahat ng nakapaligid sakanya ang manakit sakanya.

Napaalis agad ako ng kamay ng bigla siya gumalaw.

I love her. Agad akong napapunas sa gilid ng mata ko. Habang tinitignan parin siya ngunit napabalikwas ako at napa-iwas ng mag-bukas ang kanyang mga mata.

"Xander." Marahan na tawag nito. "I'm sorry. Can we go back to what we used to?" Mahinang wika nito, agad akong napalingon at agad na pako ng makitang umiiyak ulit siya.

Tang*na ang sakit na para bang andaming tumutusok sa puso ko.

Even if it's hard to me to say this words, I need to tell this to her. "F*ck woman, paulit-ulit na lang ba tayo? Sinabi na nga ni Ashley na I never loved you, right? Then it's still my answer. I just played you." Napatigil pa ako at bumuntong hininga. Ang sakit. Agad namang lumitaw ang pangalan ni Ashley sa phone ko. "You see this?" Wika ko sabay pakita sakanya. "She's the woman, I love." Tang*na sobra na to.  "Get your self ready, para maka-uwi kana." Pahabol ko pa bago lumabas sa kwarto. Agad ding pumatak ang luhang kanina pa nag-babadya.

------

Alistaire's pov.

"He. Never. Loved. Me." Mahinahon at mahinang bulong ko. Ang sakit!

"Ria... san ka pumunta?" Napalingon ako sa nag-salita. Si Eric. Kakarating ko lang sa bahay pero andito parin siya.

Agad siyang lumapit saakin, at unti unti ako tinitignan na para bang nagsusuri kung may kakaiba, o may nangyari ba saakin.

"Kay Xander ba?" Tanong ulit nito.

"Maraming salamat talaga sa lahat, pero tama na. Kaibigan kita pero sobra na. Kailagan ko nang tumayo sa sarili kong paa. Nandiyan si papa at si mama kaya na-appreciate ko talaga lahat pero, hanggang dito nalang maitutulong mo saakin." Pagod na akong ganito nalang baka sa susunod, siya naman ang mang-iwan saakin. Uunahan ko lang siya.

Napasinghap siya sa lahat ng narinig... "Then let me do this, one thing. Para naman sa huling tulong ko, kahit papaano maramdaman mong siya yung mali at hindi ikaw. Nang gumaan yang pakiramdam mo." Wika nito at agad niya akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kotse niya.

Ilang minuto ang lumipas nakarating kami sa lugar kung saan, walang katao-tao at pwede mong gawin o sabihin ang nais mo. Ang sarap ng simoy ng hangin, nakakagaan sa loob.

"Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo. Makikinig ako o Aalis ako kung hindi ka komportable saakin." Wika nito at hindi parin ako nag-salita kaya unti-unti siyang humakbang palikod. Ngunit nakaka-tatlong hakbang palang siya agad ko siyang hinawakan sa kamay, para ipahiwatig na gusto ko siyang mag-stay.

Agad ko naman siyang binitawan ng humarap na siya. Bahagya kong inilagay sa gilid at gilid ng bibig ko ang mga kamay ko. At huminga ng malalim. "LORD, HELP ME. I KNOW THIS IS JUST A CHALLENGE TO MY LIFE PERO ANG HIRAP!" I paused. "TULUNGAN MO AKONG MAKAYA TO!" Then, that's it I break down at agad lumandas ang luha sa pisngi ko. Nakailang beses na ba akong umiyak? Hindi pa ba ubos yung tubig sa katawan ko?

Kahit hindi ko lingunin pansin ko ang pagupo ni Eric sa tabi ko. Agad niyang hinagod yung likod ko para pagaanin yung nararamdaman ko. I smiled. Unti nalang bibigay na ako, na ayoko na siyang alisin sa buhay ko.

"Katulad ng ilang beses ko nang sinabi, wala kasalanan at mas lalong walang mali sayo. I'll tell you someting." Wika nito kaya agad kong pinunasan ang pisngi ko at agad itinuon ang pansin sa sasabihin nito.

"Even a girl who had everything- like, a kind heart, pretty face, jolly personality, honest, won't keep a man. You know why?" He asked. I'm curious. He smiled. "Because, If a man loves that girl, he won't hurt her. He'll treasure her, even she don't have anything." Wika nito, He's right! Ganun ang isang lalaki, kahit anong meron ka kung hindi ka niya mahal o he fell out of love, wala ka nang magagawa kundi go on and take a fresh start, living your life full of loving for yourself.

Edited: 02-17-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon