That Game 41:

72 9 0
                                    

(A/N: for better reading you can listen to the song: Older. Ang ganda ng meaning nito! Hart hart!)

Alistaire/Sia's pov.

~4 years later...~

"Ms. Mendez... kain muna tayo lunch." Wika nang isa sa mga doktor dito sa hospital na pinagtra-trabahuan ko.

"Ahh sige-sige papunta na." Wika ko pabalik. At bahagyang Napangiti ng maalala ko ang prinsesa ko.

Nang makalabas ako nandoon na nga sila.

"Base sa x-ray, meron nga siyang fracture sa kaliwang balikat niya at may na dislocate sa parteng ribs niya. So I will introduce you to one of the great doctor I know." Paliwanag ko. Tumango naman ang pamilya ng aking pasyente.

-----

Hmmmp! Nakakapagod!

"Sia! Tawag ka ng Medical Directors." Sigaw saakin ni betty, isang nurse. Pasalamat siya close ko siya eh!

Pagkarating na pagkarating ko nag-tama agad ang paningin ko sa isang medical director namin. Siya yung ayaw ko rito sa hospital eh! Ilang beses niya akong gustong suyuin pero ayoko sakanya eh ewan ko ba gwapo naman siya yun nga lang play boy! (Yun nga ba ang dahil, Sia?)


"Ms. Mendez, have a seat" wika ng isa sa mga directors ko.

Tumago ako saka umupo.

"You know... you're really a hard working Radiologist of our hospital.." wika ng pinaka-head.

Tumango tango ako. Aalisin na ba nila ako rito? Hindi naman ako tamad ah.

"So... we recommend you to other hospital in manila. You see? Medyo malaki lang ang hospital na to pero yung gustong kumuha sayo sa manila eh, sobrang laki at ganun rin ang laki ng sweldo... kaya sa lunes, doon kana mag tra-trabaho." Wika nang pinaka-head.

"Eh paano po yun nangyari?" Tanong ko. Hindi ako pwedeng bumalik doon. Ayoko.


"Dahil na ngangailangan sila doon ng Radiologist at ikaw ang naisipan namin na i-recommend. Hindi namin inaasahan na matatanggap ka kaya hindi namin nasabi sayo. Pero ngayon lumabas na natanggap ka." Wika pa nito.

Napapikit ako bago tumango-tango. "Ano pong pangalan ng hospital na yun?" Wag naman sana'ng tama ang iniisip ko.


"Mariano International Hospital." Wika ng isa sa mga kinakainisan kong director namin.


Hayst buti na nga hindi yung iniisip ko. Kahit saang hospital ako mapunta wag lang sa St. Via Hospital... dahil yun yung hospital nila, Xander.

Napa-angat ako ng tingin at tumango-tango at ngumiti "payag na ako"

"So, I think... Our meeting will gonna stop here. Ms. Mendez, thank you so much." Wika ng pinaka-head sabay ngiti at abot pa ng kamay niya na agad ko ding inabot.


"It's nothing ma'am." Wika ko sabay ngiti.

---------

"Mommy!" Agad akong napababa sa sasakyan ko nang makarating ako sa bahay nila tita. Nandito parin ako sa probinsya at yung pinagtra-trabahuan ko naman ay sa bayan kaya medyo malayo.


Agad kong niyakap ang prinsesa ko ng makarating siya saakin.

"How's your day, mommy?" Tanong niya sabay nag abot ng kamay na ibig sabihin, gusto niyang buhatin ko siya.


"It's okay, princess." Saad ko pabalik saka ko siya binuhat.

"If it's okay mom....then, why are you here this early?" Wika niya. Napangiti naman ako. Talinong bata ah!

"Princess... I have one question."

"Yes, Mommy?" Tanong nito.

"Do you wanna live with your grandma and grandpa?" Tanong ko habang nakangiti sakanya.

Agad din siyang napangiti ng maluwag... "Yes! Mommy! Diba sa manila yun?" Nakangiting wika nito. Bakas sa mukha niya ang pagka-galak.

I nodded.

"Kelan po tayo pupunta d'un mommy?"

"Bukas" wika ko agad naman siyang nalungkot sa sinabi ko.

"Eh hindi ko na makikita si tita?" Tanong pa nito.

"Alexia.... pupunta parin naman kami doon." Napalingon kami sa nag-salita, si Chassie.

Niyakap ko naman ang baby ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Princess, dadalaw naman sila sa'atin at pupunta rin tayo dito. Promise ko yan sayo." Wika ko sabay hipo sa buhok nito at pahid sa mukha nito ng lumandas ang luha nito.

Napangiti siya... "Promise mo yan, mommy ah!" Wika nito.

"Of course princess. Kailan ba ako may iprinomise sayo na hindi ko tinupad?" Wika ko habang binababa siya.


"Meron kaya mommy. The other night I ask you who's my father is.... and you told me you'll say it when morning comes.... and now, it's been 2 days, and you haven't tell." Nakasimangot na sabi niya.

"Alexia... malalaman mo rin yun" wika ni Chassie. "By the way ate, let's go to the gym bukas bago kayo pumunta." Dagdag pa nito.


———Edited: 02-17-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon