That Game 39:

66 8 0
                                    

(A/N: For better reading, you can listen to the song: If by: Taeyeon. Yhaaa it's time for my ate taeyeon! Muahh.)


Alistaire's / Sia's pov.

"Anak, always call me. Okay?" Paalala ni mama saka ako hinalikan sa pisngi. Ngayon ang flight ko, pupunta ako ngayon sa tita ko, kapatid ng papa ko. Doon muna ako hanggang gusto ko. It's been 2 days nung mag-graduate kami. Hindi ako umattend, pinalusot nilang may-sakit ako. At dahil narin sa connection namin, nagkaroon ako ng fake medical certificate.

"Ma, pa. Huwag niyo po'ng papabayaan ang sarili niyo." Wika ko sabay yakap kay mama at papa.

Kung dati hindi ko masyadong maintindihan kung bakit nagawa ni mama na itinago niya ako kay papa, ngayon sobrang naiintidihan ko na..... Dahil ngayon, parehas kami nang sitwasyon ni mama. Itatago ko at hindi ipapaalam kay Xander ang batang nasa-sinapupunan ko. Alam kong may karapatan siya.... Pero nasa-maayos naman na siyang lagay, gugulhin ko pa ba?

"Huwag kami ang intindihin mo, kun'di ang sarili mo. Alagaan mong mabuti ang sarili mo." Wika ni papa sabay punas sa gilid ng mata ko. Naiyak na pala ako.

I nodded.

--------

"It's really true...." wika ni Chassie.. pinsan ko. Mas matanda ako sakanya ng tatlong taon, kaya mag second year college palang siya. Napahawak siya sa braso ko sabay yakap saakin. "Na-miss kita ate!!! Ang laki ng itinaba mo." Ang kulit talaga ng pinsan kong to. "Alam mo ba? Andami dami kong gustong i-kwento sayo." Wika ulit nito sabay kuha sa isa sa mga bagahe ko.

"Ahyy Sia! Sobrang busy kasi ako sa pag-luto ng paborito mo. Kaya kay Chassie na kita pinasundo." Wika ni tita Sasha ng makita ako. Agad siyang lumapit at binigyan ako ng maiinit na yakap.

"Tara ate, i-pupunta kita sa kwarto mo." Wika ni Chassie sabay hila saakin.

--------

Ang hangin dito sa labas ang sarap langhapin, iba talaga pag probinsya.

"Ate" napalingon ako kay Chassie nang tawagin niya ako.


"Yes?" Tanong ko rito, agad naman siyang tumakbo saakin at niyakap ako.

"Ate, miss na miss kita. Parang kapatid na kita eh." Wika nito. Sobrang miss ko rin to. Siya lang pinsan ko eh.

"So, is it true?" Tanong ni Chassie sabay alis sa pagkakayakap saakin. "You got pregnant? And it's him?" Tanong ulit ni Chassie. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya kaya napa-tango nalang ako. "Huwag kang mag-alala ate, yang batang yan? Lalaki yan ng may respeto at punong-puno ng pagmamahal galing saatin." I nodded again. Kakayin kong palakihin tong batang to, nang kami-kami lang.

"Sige, ikwe-kwento ko lahat sayo mamaya. Kain muna tayo." Wika ko sabay ngiti. Nagugutom na talaga ako eh.

"Anong gusto mo kainin ate?" Tanong ni Chassie.

"Hmm ano kaya?" Pag-iisip ko. Ano kayang masarap? Parang gusto ko ng water melon-- na may suka! "Ah! Gusto ko ng water melon na may sawsawan ng suka!" Wika ko at halata naman ang gulat sa mukha ni Chassie. Yung totoo kasi diko alam kung ano lasa n'un, feel ko lang kumain ng ganun.

"Isa-sawsaw mo sa suka? As in vinegar?" Tanong nito sabay taas ng dalawang kilay nito.

"Oo, feel ko kumain ng ganun eh." Sagot ko sabay ngiti ng halatang gutom na gutom na.

"Ah sige, mag papasama nalang ako kay manong at maghahanap kami ng water melon." Sabi nito sabay ngiti. Hindi ba siya napapagod ngumiti? Mapupunit na labi niya eh!

------

Ang tagal.... napahiga ako sa malambot na kama. Ang tagal ni Chassie, nagugutom na talaga ako ng water melon!! Agad akong napa-pahid sa pisngi ko ng maramdaman ang pagdaloy ng tubig mula sa mata ko.

Hala grabe! Hindi naman ako ganito eh! Bakit feel ko, para akong bata ng dume-depende lang sa nanay niya, dahil hindi ako marunong gumawa ng pagkain ko.

Agad akong napalingon sa pintuan ng bigla itong bumukas. Si Chassie!!! Agad akong napatayo at agad din'g nag light-up ang mood ko. Pagkain yan eh!

"Halika na ate, Naihanda ko na." Wika nito sabay lapit saakin. Agad naman akong natawa sabay takbo palabas. "Ate dahan dahan naman." Sabay hawak saakin para pigilan ako. "Baka madulas ka" dugtong pa nito.

Hindi na ako makapag-hintay kumain!

-----

Ang sarap! Parang sinkamas yung lasa ng water melon na may suka!

"Masarap ba talaga ate? Kasi malapit mo nang maubos yang buong pakwan eh" saad nito sabay tawa kaya ngumiti ako sabay tumango-tango. Hindi ko naman to mauubus eh, ang laki kaya!

"Nga pala, bakit ang tagal mo? Nahirapan ka bang humanap ng ganito? Dapat kasi hindi mo na ako tinanong nun, nahirapan ka tuloy." Wika ko sabay tungo. I feel guilty, kasi halatang pagod siya. Pawis na pawis siya. Tanghaling tapat kasi tapos pinahanap ko pa siya ng pakwan.

"Hindi naman sa nahirapan akong maghanap ate, sadyang iisa lang yung stall na nag titinda ng pakwan tapos may isang arroganteng lalaki na gustong bilhin lahat ng pakwan. Nakipag debate pa nga ako na sana akin yung tatlo na yan, nung una ayaw pa eh. Nakakainis talaga yung lalaking yun! Sa susunod na makita ko yun- ay nako hindi ko na talaga alam magagawa ko sakanya." Wika ni Chassie at halata dito ang pagkainis.

"Eh paano mo nabili to?" Tanong ko. Bigla namang natulala ito. Hala ninakaw niya kaya? Hala bad yun, tapos kinakain ko pa.

"Ate, hindi ko ninakaw yan." Natatawang wika nito kaya biglang lumuwag ang pakiramdam ko.


"Sinabi ko kasi sakanya na kailangan ko talaga kasi nag-lilihi yung pinsan ko, but still, hindi siya naniniwala." Wika nito kaya napatuon ang buong atensyon ko sakanya.

"Tapos, ayaw niya talaga. Pinag-isipan pa niyang hindi pinsan ko ang naglilihi kun'di ako. Aba lakas ng apog n'un!" Reklamo pa nito. Natatawa tuloy ako.

"Buntis daw ako kasi ang laki ng tiyan ko! Sinasabi ko lang daw na buntis ang pinsan ko imbis na ako para pagtakpan ang kagagahan ko dahil bata pa ako. Kaya..." bigla siyang tumigil sa pagkwekwento ng mapansin niyang nasakanya lang ang atensyon ko.

"Kaya ano?" Tanong ko pa. hala daldalera alert lang Ria?

"Kaya, sinakyan ko nalang yung sinasabi niya at umiyak ako d'un." Sabi nito sabay tungo at ako naman natawa. Hindi umiiyak tong babaeng to eh tapos pakwan lang iniyakan na!



--------- Edited: 02-17-2020

(A/N: sorry mga baby's ang tagal ng update, dahil sa daming projects tapos daming event.

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon