That Game 50:

71 6 1
                                    

(A/N: for better reading you can listen to the song: Stop and Stare.)

Sia's pov.

"Nakaka-antok." Mahinang wika ni Ashley, siya kasi ang katabi ko dito ngayon sa seminar. Hindi ko naman siya masisisi eh, talagang nakaka-antok talaga.


"Any questions? If there's none, we can end this seminar here." Ani ng nag-papa-seminar saamin. At syempre ang mga inaantok ko nang mga kasama hindi na nag-tanong para hindi na humaba pa.


--------

"Hayst grabe! Nakaka-antok." Sabi ni Dhan kaya napatingin kami sakanya lahat at nag-peace sign siya. Andito kaya yung dalawang directors namin sa hospital tapos ipaparinig niya yung opinyon niyang yun? Tsk tsk.

Lahat kami nakatingin sa dalawa naming directors, baka pagalitan kami eh. Nabuhayan kami ng loob at napangiti ng ngumiti ng maluwag si Ma'am Veronica.


"The Seminar is done! We still have 2 days here so, let's go and let's all unwind! Let's break away all the stress by seeing a breath taking views and doing whatever we want!" Wika ni ma'am Veronica kaya lahat kami nag-palak pakan.

--------

Woahh..... kahit ilang beses na akong naka-punta dito at makita sa medyo malapit ang taal volcano, hindi parin kumukupas ang pagka-mangha ko. Yes, nag hiking kami ngayon. Tapos bukas pupunta naman kami sa amusement park dito din lang, sa sky ranch..... I know it's a little bit childish but that's our way to take away our stress..

Napag-isipan din namin na mag star gazing pagkatapos naming mag hiking dito.


"Let's go na, hindi naman pretty dito eh!" Napatingin ulit kami kay Stephanie na reklamo ng reklamo, na walang naa-appreciate kundi ang mga make ups.


"Dapat kasi, nag-paiwan ka nalang." Bulong ko. Pero mukhang narinig nila.


"What did you say?" Tanong nito, wala kasing nakeke-alam sakanya kanina pa kahit reklamo siya ng reklamo at ngayong may pumansin na sakanya, mukhang nagalit pa ang unggoy.


"Narinig mo naman diba? Kung reklamo ka ng reklamo, mauna kana o iwan mo lahat ng gustong mag-paiwan." Sabi ko kaya napa-rolled eyes nalang siya.

"Let's go, everyone. Iwan na natin ang nag-mamagaling." Sabi nito kaya napa-smirk nalang ako. Ayoko talaga sa mga babaeng maa-arte.


Napalingon ako ng walang tumayo kundi si Ashley na napa-balik din sa upo, sa TABI ni Xander ng siya lang ang tumayo.


"Nakaka-inis!" Sabi ni Stephanie sabay layo saamin pero wala pang dalawang minuto bumalik ito na sumisigaw at nag-iinarte nanaman. "Let's go na kasi... andaming gagamba and sapot here... it's so kadiri." Inarte pa nito kaya halos lahat kami napa-iling nalang.


------

"Hush... arte arte ayaw pa kasing umalis kanina, yan tuloy.... ang init init." Reklamo ulit ni Stephanie.


"Huwag ka ngang mag-inarte hindi mo bagay." Parinig naman ni Justine sabay paikot din nito sa mata niya.


"Hinihingi ko rin ba ang opinyon mo?" Maarte na may pagkasuplada na tanong ni Stephanie.


"Hindi, pero hindi rin kasi namin hinihingi ang opinyon mo, reklamo ka ng reklamo.... tingin mo may pake kami sa nararamdaman mo?" Sabat ni Justine kaya napangiti ako pero agad napawi ang ngiti ko ng sugirin siya ni Stephanie at hawakan nito ang buhok ni Justine.

Agad kaming lumapit sakanila at pilit silang pinaghihiwalay at pinatitigil.

Ngunit wala palang ilang minuto bigla akong nadamay sa away nila, bakit ako na yung sinasabuntan ni Stephanie? Agad din akong napahawak sa buhok nito at talagang pinadama ko sakanya ang inis na nararamdaman ko kanina habang nag-re-reklamo siya.

Lahat sila nang-aawat, pati si Xander..... nakahawak siya sa braso ni Stephanie at pinipigilan ito.

Napa-alis ng wala sa oras ang mga kamay ko sa buhok niya ng bigla niya kaming ipagtulakan ni Justine. Napahawak ako sa paa ko ng maramdaman ang paa kong masakit nang mapatid ako. I got my ankle, sprain.


Agad akong napalingon kay Justine nang marinig ang mga sigawan ng mga kasama ko. Nahimatay ito at may dugo sa ulo nito.


Lahat sila inaasikaso siya, syempre ako okay naman kaya naiintindihan ko.

Napalingon ako kay Xander ng lumapit ito saakin at nilagyan nito ng manipis na kahoy ang paa ko at kinuha niya ang kanyang hunky at itinali ito sa paa ko...

Napadaing ako.... ang sakit.

"Sorry, I'll be gentle." Sabi nito kaya napatingin ako sa iba. bigla kong naramdaman ang pamumula ng pisngi ko.... iba yung naintindihan ko doon..

(A/N: hala, di ko alam manyakis din pala si Sia? What a big revelation! Hakhak)

Napatingin ako sakanya at gulat ng makita ang labi nitong naka-ngisi.

"Huy ano iniisip mo?" Tanong ko. He just shrugged.

Napangiti ako, he still caring. Andiyan parin siya para i-rescue ako sa lahat.

Napa-laki ng wala sa oras ang mata ko na parang handa ng lumuwa ng bigla niya akong buhatin. Yung buhat niya, pang bagong kasal!


"Bakit mo ako binuhat? Ibaba mo ako." Sabi ko habang nakatingin sa mukha niya. Ang gwapo niya parin.


"Paalis na tayo dadalhin namin kayo ni Justine sa malapit na hospital kaya binuhat kita.... at alam kong hindi mo kayang maglakad katulad ng dati sa ganitong sitwasyon." Sabi nito habang nakatingin parin sa daan.

Minsan napapa-isip nalang ako na sana daan nalang ako para ako ang titigan niya...... hala! Ano ba pinagsasabi mo, Ria? Di ko alam cheesy ka pala!


"Eh baka makita ng fiancé mo." Sabi ko at hindi ko maikakaila na may pagka-mapait ang salitang aking binitawan, it has some sort of jealousy.

"Katulad ng sinabi ko dati, wala akong fiancé." Saad nito.


"Si Ashley." Mahinang wika ko. Ria, can you stop? Nag mumukha kang nag-seselos!

Napangiti ito but still, hindi parin lumingon saakin. "If you're still minding her, nakay Stephanie siya... why are you acting like a jealous girlfriend?" Sabi nito at lumingon na saakin nang NAKANGITI.


"Hindi ah." Wika ko naman sabay tingin sa malayo.


"If you say so" wika naman nito kaya pa-silip ko siyang tinignan. Nakatingin na siya sa daan.
"You can stare at me now, like you did awhile ago." Sabi nito kaya mas namula ako, pero hindi ko maitago ang ngiti ko.

Putakte pre, para akong high school girl ngayon kung kiligin.

------- Edited: 02-20-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon