That Game 5:

96 15 0
                                    

Alistaire's pov.

Wala rin lang akong nagawa at nahila na nga ako ni Xander na mag cutting at pumunta sa mall, biruhin mo naman kung ikaw sinabihan na bibilhin niya lahat ng ipabibili ko aarte ka pa? Xander yan eh gagawa yan ng paraan, subukan lang niyang bumagsak ako papatayin ko talaga siya, hindi naman sa wala akong pera pero kuripot kasi si mama porke mag-isa niya lang akong tinataguyod.

After naming bilhin lahat ng gusto ko (syempre puro kpop, wattpad at mga pagkain binili namin), syempre dahil nasa public kami siya naghawak ng mga pinabili ko ang bait hahahahaha, pagkatapos pumunta naman kami sa gusto niyang puntahan at bumili bili din siya, shox andami naman niyang binili, kaya niya kaya yan buhatin?

Napatigil ako sa pagiisip ng ibigay niya saakin ang mga pinabili niya.

WOW, as in WOW mas magaan yung mga pinabili ko at siya napakarami tapos ako yung nagbuhat doon sakanya tapos siya doon sa akin?

Binabawi ko na po lahat ng sinabi ko na mabait siya, binabawi ko na talaga hindi na talaga ako mag sasalita ng tapos.

Nabaliktad na po ba ang mundo? Ako na po ba ang lalaki saamin? Ha? Ha?.

Lumabas kami ng mall at pumunta kami sa parking lot para puntahan ang sasakyan niya nang makapasok na siya.

"Hoy pangit tinatayo tayo mo diyan? Don't tell me hinihintay mong pagbuksan kita ng pinto" Napaigting ako sa gulat ng magsalita si Xander. Ishhh naiinis na talaga ako ihampas ko kaya sakanya tong mga binili niya.

"Uyy relax, para kang papatay sa itsura mo, kulang nalang may hawak kang kutsilyo o baril diyan" natatawang saad nito. Nabuibuisit na po talaga ako dito sa lalaking to. Ibinaba ko yung mga dala dala ko na GAMIT NIYA!. Saka naglakad.

Ishh naiinis na talaga ako, ako kasi yung taong maliit lang ang patience mabilis akong maasar, kahit nga kay mama pag tinatago niya yung laptop ko hindi ko na siya papansinin ng dalawang ara—....

Oh my goshhhhhhhhhhhh!

May humila at yumakap saakin, at napapikit ako.....

Pagmulat ko napatitig ako sa mata ni....... Xander?!

"H-hoy wa-wag kang feeling, ginawa ko lang yun dahil muntik ka nang mabangga"

Pagkasabi niya nun bakit parang nainis ako at bakit parang disappoint ako na ginawa lang niya yun dahil mababanggana ako? Luh! Ria, pinagsasabi mo? Mababaliw ka narin ba katulad ni Xander?!.

Pero yung totoo, ayoko sa kalsada ayoko mag-isang tumatawid, natatakot ako tuwing may mabibilis na sasakyan, dahil dati sabi ni mama naaksidente daw AKO.

Xander's pov.

Napalabas ako sa sasakyan ng makitang galit na umalis si Ria, tsssk ganyan na ganyan din si Kathrylle, mabilis maiinis kaso mas maganda parin si Kathrylle ko, ano pa kaya ang pagkakapareho nila?.

Napatakbo ako agad kay Ria ng tatawid na ito na hindi manlang nakita na may paparating na sasakyan.

Agad-agad ko siyang hinila pero napalakas ata yung hila ko kaya nabangga siya saakin at napayakap.

Anyare saakin? Bakit anlakas ng tibok ng puso ko? My heart never been so fast like this to any girls other than Kathrylle...... and.............. her.

Oh, napatingin ako sa harap ko at nakatingin siya saakin, her eyes..... they have the same eyes?

"H-hoy wa-wag kang feeling, ginawa ko lang yun dahil muntik ka nang mabangga" f*ck dude why am I stuttering?! Am I nervous?. Shit am I crazy? You guys whose reading this might think I have a crush on her, hell no.

Matapos ang eksena sa kalsada kanina nag punta punta pa kami kung saan saan. Biruhin mo yun andaming chismoso at chismosa na lumapit saamin kanina lang ba sila nakakita ng gwapo na yumakap ng pangit? Tsssk.

Napatingin ako sa katabi ko na hanggang ngayon tulala parin. Napatingin ako sa kamay nito na makapit na nakahawak sa upuan ng sasakyan, anong problema nito?

"Uyy pangit, problema mo?" Tanong ko na halatang kinagulat niya.

"Ang bilis mo kasing mag patakbo" sagot naman nito.

Seriously? Sa pagpapatakbo ko nga parang may hinahatid akong patay eh, ang bagal.

"Yung totoo, ano ba kasi problema mo" tanong ko dito, hindi ako mapakali eh.

"I have a trauma" walang emosyong sagot nito.

"What?" Trauma?

"Oo, naaksidente ako dati when I am in high school. Grade 8 ako n'un at sinundo ako ni Mama sa school doon kami pareho na-aksidente kaso ako yung napuruhan." Pagku-kuwento niya.

"What do you mean? Ikaw yung napuruhan?" Tanong ko.

Napatingin ako sakanya pero naka-pikit lang siya. Ngumiti siya ng tipid at saka bumuka ang bibig niya na ibig sabihin sasagutin niya ang tanong ko. "I lost all of my memories."

So she got into an accident just like Sia, the accident happen 5 years ago just like her and that incident changed my fate... changed my kind of mindset... changed my whole damn life.

Edited: 02-01-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon