That Game 14:

68 8 0
                                    

Alistaire's pov.

The weekend past by. Kung pwede lang itigil muna yung oras para hindi pa ako pumasok. Malapit na ang finals at pagnatapos na yung finals, senior na ako at gragraduate na ako at mag tatake ako ng bored exam tsaka mag tratrabaho na ako, that was my plan. Oo nga pala pagkatapos ng klase ko may trabaho pa ako.

"Alistraire Fown, can I talk to you" napatingin ako sa prof ko.

Agad akong lumapit at tama nga ako importate yung sasabihin niya.

"I'm worrying, I know you're smart but don't do this you might fall." I know what she meant.

"Lagi ka nalang lutang sa mga klase niyo. Hindi kana nag re-recite. Atsaka malapit na yung finals kaylangan mo ring tulungan si Xander." Oo nga pala.

I smiled "Yes ma'am" pagkasabi ko nun pinaalis na niya ako. At dahil break naman pumunta na ako sa cafeteria. Agad kong nakita sila Brianna at Ashley. Kasama na pala siya sa volleyball team.

Aalis na sana ako ng pumunta siya sa harap ko. Ayoko ng away.

"Where are you going nerdy?" Tanong ni Brianna. Napalingon ako at tama ako nasa amin lahat ng attensyon. Napansin ko rin na marami ng phone ang nakahanda.

Hinila ni Ashley yung buhok ko kaya napahawak ako. After all kahit bumalik na yung ala-ala ko kahit alam ko na kailangan kong lumaban, siya parin yung tinuring kong kaibigan, Friends never hurt each other but technically I'm only the one who's seeing that.

"Ashley" pagmamakaawa ko. "Don't do this, I don't want to hurt you" wika ko na ikinatawa nila.

"Hurt me? Did I hear you right? You gonna hurt me? I don't think you can do that!" Saad nito at inutusan niya ang mga kasama niya na hawakan ako, bigla siyang nawala sa paningin ko at pagbalik niya may dala na siyang kung ano ano.

Sinabuyan niya ako ng juice.

They laughed as if it's there last.

Hinila niya ako subalit pilit akong pumipigil at siguro nainis siya sa inasal ko kaya kumuha siya ng gunting at ginunting niya yung iba't ibang parte ng damit ko. Kaya halos makita na yung cleavage ko dahil sa punit ko nang damit.

"Ba't mo to ginagawa saakin?" I asked, but instead of answering she just continue to destroy my shirt.

Lumalakas ang hiyawan sa cafeteria, bakit? Malamang baka iniisip nila na may live na makikita silang 'whatever'. Imbis na tulungan nila ako mas pinili pa nilang manuod at i-video na hinuhubaran ako dito. And it goes, nag pumiglas ako hanggang sa makaalis ako sa pagkakahawak saakin ng mga kasama niya and then I punched her in face.

"Lol, do you see how that nerd punch Ashley's face. This is exciting" bulungan nila sa malayo. The fuck! Di ba talaga nila ako tutulungan?

"Ang lakas ng loob mong suntukin ako, pinahiya mo na nga ako n'un tapos ngayon ipapahiya mo ko sa pagsuntok mo sa maganda kong mukha?!" Sigaw ni Ashley saakin. Hindi naman siya ganito DATI. Never siyang nag mataas ng ganito.

Hinawakan niya yung tabi ng labi niya na namumula.

Sasampalin sana ako ni Ashley ng may humawak sa kamay niya. Napalingon ako...

Xander?

"I'm warning you, next time you'll gonna mess up with her? Ako na makakalaban mo kahit babae ka pa" sabi ni Xander sabay lagay saakin nung blazer ng uniform niya.

I want to cry badly. I want to run from this situation. I hate this, I hate it na wala akong magawa sa sitwasyon ko. Naiinis ako dahil hindi ko kayang sumbatan si Ashley. Just because I love her, Hindi lang kaibigan turing ko dun eh, Tinuring ko siya as my sister.

Napatigil ako ng tumigil si Xander, napatingin ako sakanya. Kitang kita ko sa mga mata niya kung paano siya naaawa saakin.

"Hold the blazer" wika niya, titignan niya parin ako with those eyes, yung mga matang naaawa.

Tumulo ang luha galing sa mga mata ko kasabay ng pagyakap ko sakanya. "Thank you"

Napabitaw agad ako sa yakap namin ng maalalang shit, baka maramdaman niya yung b**bs ko. Napatingin ako sakanya pero hindi rin siya makatingin saakin. Instead kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at may tinawagan.

"Benson bumili ka nga ng damit na pam-babae dalhin mo dito sa school, asap!"

"Don't tell me Sir, may ginawa ka nanaman? At sa school niyo pa?" Nagulat ako ng marinig ang sinabi pabalik ni Benson 'daw'  naka-loud speaker yung phone niya. Hoyy hindi ko naman sinasadya na marinig yung sinabi nung Benson.

"Watch your mouth. I didn't do anything stupid, okay?!" Sagot pabalik ni Xander sabay tingin saakin ng may kahihiyan sa mukha.

Napatingin ako sa phone ko ng mag vibrate ito.

A Facebook notification?

Agad kong binuksan and I saw, It was a video of us in the cafeteria earlier. At andaming natawa at nagalit saakin sa pagsuntok ko kay Ashley.

'Ang lakas naman ng hibang ng taong to, kapangit pangit na balyena na to!'

'Sinuntok niya talaga yung baby namin? If I see her she's gonna die!'

'Lol, nakakatawa kang babae ka ang lakas ng loob eh. By the way your so ugly!'

Then that's it naiiyak nanaman ako, hindi ko na sana tinignan.

Bakit nangyayari lahat ng 'to saakin? Ang malas ko lang!



——————— Edited: 02-02-2020

(A/N) :

Horaayyy dami kong UD ngayong weekend! Ang sipag ko ngayon. Malapit na yung Exammmmmnm naminnnnn

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon