That Game 43:

61 10 0
                                    

(A/N: for better reading you can listen to the song, This is my now by: Jordin Sparks.)

Alistaire/ Sia's pov.

"Ma... nasaan ba kayo." Wika ko sa kabilang linya... may pinuntahan kasi sila mama tapos yung driver niya may emergency tapos ayaw niyang maki-sakay kila papa kasi it feels awkward daw, malamang kasama niya yung future wife niya.

Agad akong napatigil sa pagiisip ng bumuntong hininga si mama sabay sabi ng address kung nasaan siya. Yung address niya is feeling ko familiar eh.

"Mommy, saan ka pupunta?" Tanong ng mukhang kagigising lang na si Alexia. Gabi na kasi, at dahil siguro sa ingay ko nagising siya.


"Oh. I'm going to pick up your lola." Sabi ko sabay ngiti. At kuha doon sa invitation na para bang sadyang iniwan para saakin. Hindi ko yun binuksan.... I'm not interested anyway, malamang about sa mga engagement ng mga matatanda niyang kaibigan.



"Can I go?" Paawang tanong ni baby Alexia.

I nodded. "Pero doon ka lang sa kotse ah." Wika ko at tumango tango naman siya nang nakangiti.

-----

"Invitation ma'am?" Tanong ng isang guard kaya binigay ko yung invitation bago makapasok ng tuluyan yung sasakyan ko.


"Mommy , this party is huge." Wika ni baby Alexia kaya nginitian ko lang siya.

Nang mai-park ko na nilingon ko muli si Alexia... "Princess, wag kang bababa dito ah." Saad ko kaya tumango naman siya.

--

Pagkarating na pagkarating ko.... rinig na rinig ang palakpakan ng mga tao. Agad din namang nahagilap ng mata ko si mama, kasama ang mga kaibigan niya. Lumapit ako sakanya kaya agad napalingon si mama.


"Oh Sia, andito kana pala." Wika ni mama, agad naman napalingon yung mga friends ni mama.

"So it's real, and you're more beautiful than I thought." Wika ng isa sa mga friends ni mama.

"Thank you po." Sabi ko naman.

"Megan, ang ganda at ang sexy ng anak mo. Marami siguro ang may gustong kumuha sa anak mo para sa mga modeling gigs." Wika pa ng isa.


"Ah hindi naman po" I said as reply.

Sana pala nag sombre- fuck!


"To all of you, I appreciate it a lot for coming to our engagement party. I hope you'll also come to our upcoming wedding." Wika ni Ashley sabay lapit at halik sa pisngi ni Xander. Yes, the engagement was for them.


Agad akong lumingon kila mama para mag paalam. Ayoko na dito.


"Ma, I should go first. Hintayin nalang kita sa sasakyan." Wika ko at hindi na hinintay na mag-salita si mama. Alam kong pipigilan niya ako. Alam ko rin' may alam dito si mama.


Tumalikod na ako at humakbang na, nang maka-hakbang ako ng tatlo agad akong lumingon, pero wrong move ata.


Kitang kita ko kung papaano lumaki at magkaroon ng emosyon ang kanyang mga mata habang nakatingin saakin. Nakatitig siya saakin. At animo'y pinipilit na isipin na hindi ito panaginip.


Ewan ko ba pero para kaming magnet na pinipilit akong idikit o pinipilit akong mapatitig sakanya kahit lagyan ko nang harang na papel.... papel na nagsasabing wala na karapatan sa isa't-isa, wala akong magawa.

Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagkatitigan ng mapagtanto kong hindi pwede, agad kong iniwas ang tingin ko.

Nang mapa-tingin ako sakanya agad niyang tinabig ang kamay ni Ashley na nasa bewang niya at parang gusto niyang tumakbo papunta saakin..... kaya nag-madali akong humakbang at umalis.


Hindi ako pumunta sa parking lot. Tumigil ako sa isang poste at doon nag tago. Hindi naman siguro ako makikita rito. Madilim ang banda rito.

Agad akong napaluha nang mapatingin sa kalawakan. Kaya pala familiar ang lugar na 'to. Hindi ko lang ini-magine na dito nila gaganapin ang engagement na yan.


Dito ang unang pinuntahan namin ni Xander dati nang mag-star gazing kami. Memorable saakin to, kasi dito nasira ang bagong bili niya na telescope, na binili rin lang niya para saakin.

Napatigil ako sa pagtitig sa mga bituwin ng makarinig ng pamiliar na boses.....


"Xander! What are you thinking?!" Rinig kong wika ni Tito Mico, papa ni Xander. Malapit lang sila saakin. "Alam mo bang dahil sa inasta mo kanina lang, ipinahiya mo si Ashley sa harap ng naraming tao! Xander this is your engagement, engagement party ninyo to ni Ashley pero parang siya lang ang may party nito! Mahiya ka naman sa parents niya!" Dugtong pa nito. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Xander.


"Pa. You know that I never liked that woman. So stop this! What ever you and her parents talked about, wag niyo akong isali diyan." Wika ni Xander na nakapag-pabilis ng puso ko. He never liked this kind of situation, hindi niya gusto si Ashley, pero ano bang pakialam ko?!


Kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na tama na.... na hindi kami pwede..... na tapos na kami...... pag nakakarinig ako ng mga ganitong salita galing sakanya, the hope inside me, build again. Na alam ko ring mali. Tangina ang gulo!


Agad akong napasilip, at agad din nanlaki ang mga mata ko sa nakita.... kwenelyuhan ni Tito si Xander. Napalingon naman ako sa bagong dating..... si Tita Melanie, mama ni Xander. Agad niyang pinapatigil ang dalawa.


"Ganito ka na ba Xander? Ganito ka na ba kabastos dahil diyan sa babaeng sinasabi mong mahal mo?!" Sigaw ng papa niya. "Dahil nanaman kay Sia?! You're too desperate to get the woman na hindi mo na alam kung nasaan ngayon?! Babaeng hindi ka kayang i-paglaban!Babaeng walang nagawa sayo dati para ikaw ang mag-stay sakanya! Hindi mo rin alam kung mahal ka ng taong yun! It's been 4 f*cking years, you made yourself f*cking miserable. Anak! Magising ka na ginawa to nang tadhana para ayusin at gumanda ang buhay mo! Huwag mag-pakatanga na hanapin ang babaeng ayaw mag-pahanap!" Dugtong nito. Mahinahon ang bawat pag-buntong hininga ko. Hindi ko inaasahan na ganyan ang sasabihin ni Tito Mico, sobrang bait niya lang saakin dati.


"Mico, huminahon ka." Rinig kong wika ni Tita Melanie.


"Dad, whatever you and other people say, I'm going to find her. I'm going to find Ria. I'm not going to marry Ashley whatever happens. And no one can stop me." Wika ni Xander sabay alis.


Akmang hahabulin sana ni Tito Mico si Xander ng pigilan siya ni Tita Melanie.... "Let our son, live his own life."


——Edited: 02-18-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon