That Game 29:

56 11 0
                                    

Alistaire's pov.

Hayst. Kung pwede lang itigil ang oras pag weekend!

"Is it true? Na nililigawan daw ni Alexander si Alistaire Fown?" Rinig kong sabi ng isang babae sa kasama niya. Hayst, okay lang naman ako diba? Hindi naman masakit! Hindi masakit na naririnig kong ako yung pinaguusapan nila!

"Hala, wag kang maingay malapit lang siya saatin" sabi naman nung isa.

Alam ko namang pinag-uusapan nila ako nakaharap man ako o hindi pero be considerate naman sana... 'wag na sana kapag nakaharap ako kasi doble yung sakit! Hindi na nga nila ako kilala pero pinag-uusapan ako habang nakatalikod at least yun, hindi nakakarating saakin kasi in the first place walang mag-paparating n'un saakin dahil wala naman akong kaibigan.

Agad kong kinagat yung hotdog na binili ko dito sa cafeteria. Bahala kayo diyan! Basta kakain lang ako. Yepps kumakain ako ngayon. Hindi ako nakapagalmusal kanina kaya ngayong break time ko kumakain ako.

"Hindi ka ba kumain?" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Binitawan ko naman yung hotdog sa may plastik na baso, (hoy baka iniisip niyo kinakamay ko yung hotdog! May stick yung hotdog ko!) Napalingon naman ako, at napangiti ako ng tama nga ang aking akala. Si Eric!

"Kamusta?" Tanong ko. Tagal naming di nag-kita!

"Ayos lang, ikaw? Kamusta kayo ni Xander?" Tanong niya kaya agad ko naman naramdaman ang init.

"Ah-eh a-ayos lang" sabi ko ulit at bahagyang kinuha ang dutch mill na nasa harap ko at agad ininom. Ang sarap talaga nito!

"Mukhang paborito mo yang iniinom mo. Gusto mo pa ba?" Tanong ni Eric kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti ako at tumango. Agad naman siyang umalis at bumili. Nang makabalik siya...... woahhh! 5 dutch mill!


"Mukha ka talagang bata" komento nito, kaya mas lalo akong napangiti.

"Salamat! Dami ko na talagang utang sayo" bawi ko naman. Umiling ito ng bahagya.

"Nga pala, makakapunta ka ba sa championship na gaganapin dito mamaya?" Tanong nito.

"Mag lalaro ka? Kasama ka?" Woahh! Grabe!

He nodded "Can you go?" He asked.

"Oo naman!" Sagot ko. At napangiti naman siya ng maluwag.

------

~Lahhh~

~lahhh~

"Ria" napahinto ako sa paglalakad. Yess, nag lalakad ako, mukha na ba akong si dora? Sowwy na!

"Ria, bakit wala ka kanina?" Napalingon ako kay Xander. Bigla naman akong pinagpawisan. Dati kasi hindi mo talaga ako mapapa-absent o mapapa-cut ng class, pero kanina- hindi ako pumasok. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kay Xander.


"Oh" sabi ni Xander sabay lahad saakin ng notes.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko, ba't ang awkward?

"Iinumin siguro, katulad sa dutch mill mo" sabi ni Xander, galit ba siya? Anong ikinagagalit nito sa dutch mill ko? Bakas sa pagsabi niya sa dutch mill ang galit eh! Opps alam niya kaya?

"Uyy! Anong ikinagagalit mo sa dutch mill ko?" Galit na sumbat ko kay Xander.

"Wala" sabi ni Xander sabay alis. Anong meron dun? Ngunit napahinto pa ito...

"Susunduin kita mamaya" sabi ni Xander at naglakad na pero hinabol ko siya.

"May championship na magaganap mamaya, pupunta muna ako gusto mo sumama?" Tanong ko sabay ngiti.


"Hindi na. Magsama kayo ng dutch mill mo" sabi naman niya sabay walk out. Luh! Parang tanga!

"Hoy! San ka pupunta?" Sigaw ko pa. At napatigil naman si Xander.

"Hahanapin ko yung chuckie ko" sabi naman nito sabay ang pagpatuloy nito sa paglalakad.

Anyare dun?

----------

"Wooohh go number 7" yan! Yan ang kanina ko pa naririnig. Number 7 lang naman si Eric. At sa totoo lang ang ingay baka pagalis ko dito, bingi na ako.

"We love you Eric! Kahit may Ria kana!" Sigaw naman ng isang grupo ng mga babae. Grabe! Ang judgemental ah! Walang malisya ang lahat, diba? Kaibigan lang naman ang tingin namin sa isa't isa.

-------

Nang matapos yung laro, nanalo yung school namin! Yeah nanalo sila Eric! Tapos binigyan niya pa ako ng 5 dutch mill! Oh diba! Nanuod lang ako pero ako pa yung may napanalunan, Astig!

"Ano? Halika na?" Napalingon ako sa nagsalitang si Xander tapos nag-smirk siya. "Siguro, tapos kanang panuorin yung dutch mill mo" komento nito sabay hatak sa pintuan ng kotse niya. Anong problema niya?

Buong biyahe hindi siya nag-sasalita.


Bahala ka diyan basta mag papa-music ako!

(Unconditionally by: Katy Perry)

All your insecurities
All the dirty laundry
Never made me blink one time

Antanga dapat mas binilisan ko yung pagbukas ng radio eh di sana naabutan ko yun una!

Unconditional, unconditionally
I will love you unconditionally
There is no fear now
Let go and just be free
I will love you unconditionally

Come just as you are to me
Don't need apologies
Know that you are all worthy
I'll take your bad days with your good
Walk through this storm I would
I'd do it all because I love you, I love you

Unconditional, unconditionally
I will love you unconditionally
There is no fear now
Let go and just be free
I will love you unconditionally

"I'm sorry" napalingon ako kay Xander ng magsalita ito. "I shouldn't act that way." Sabi ulit nito kaya napangiti ako.

"Apology, accepted!" Ngiting-ngiti kong sagot.

Edited: 02-09-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon