That Game 25:

66 9 0
                                    

Alistaire's pov.

"Eric? Ria?" Napalingon kaming pareho. Bakit nandito si Ashley? At kasama niya si Xander?!

"Are you two, dating?" Malapad na ngiti ni Ashley.

I shrugged "ah- no, no" sabi ko agad.

She rolled her eyes as she curls her hair, "defensive lang" bulong nito, ngunit sapat na para marinig ko. "Ah so, nandito nalang din kayo.... how about sumama kayo sa pag-lilibot at pagnood namin ng sine?" Dugtong ni Ashley. Don't tell me, lumabas sila! Ishh anlandi talaga ng Xander na to!

"Sorry Ashley but maybe some other time" hayst thank you Eric! Buti naman may nagawa ka nang mabuti saakin!

"Aww sayang naman." Sabi ni Ashley. Ba't antahimik ni Xander? Hayst. Paalis na sana kami ng magsalita ulit si Ashley. "Oh, no no. Pwede naman na sumama nalang kayo saamin, pagkatapos niyong tapusin kung ano man yung gagawin niyo." Sabi ni Ashley. "Nasayo naman number ko diba Ria?" Tanong ni Ashley.

"Ah hindi na kasi wala na akong number m-" agad naputol ang nais kong sabihin ng mag-salita si Xander.

"You have my number" -Xander.

Luh! Ginawa ko sakanya? Bakit gusto niya kaming makasama ni Eric sa date nila ni Ashley? Pabibo to ah!

"Perfect! So gawin niyo na ang gagawin niyo, at maglilibot narin kami tapos mag sine nalang tayo" pumapalakpak na sabi ni Ashley.

At ito namang abnoy kong kasama tumango siya sa sinabi ni Ashley bilang sagot.

Hindi ko kayang hindi mag-isip nang hindi maganda, syempre ilang beses na nila akong sinaktan at ipinahamak.

-------

"Uyy kanina mo pa ako hindi pinapansin, May problema ba?" Nagawa mo pa talagang mag tanong. Tssk.

"Sige kain kana" wika uli nito sabay kain sa pagkain niya. At ako isinubo ko ng isinubo yung pagkain.

"Uyy Ria, dahan dahan" sabi nito kasabay ng hindi ako makahinga. Masyado ko atang nadamihan yung sinubo ko.

Agad kong tinuro yung baso na may tubig. Agad naman niyang binigay saakin. Pagkaabot ko sa tubig agad ko itong ininom, pero bigla akong naduwal.

Shit-naduwal ako sakanya! Nakakahiya! Puta, puta talaga!

"Hala sorry sorry, di ko sinasadya" sabi ko agad ng maka-recover ako sa pagduwal.

"Hindi, ayos lang" wika nito sabay tawa at kumuha ito ng tissue. Agad din akong kumuha ng tissue para tulungan siya sa pagpunas.

Tumayo ako at lumapit sakanya. Pupunasan ko sana yung braso niya ng bigla siyang gumalaw kaya nagka-untugan kami. Napapikit ako at napahawak sa ulo ko. Ang sakit!

Napamulat ako ng mata dahil baka ano narin ang nangyari sakanya. Nang-

Magkatitigan kami- ang lapit namin sa isa't isa. At ang awkward!

"Ah ah sige, tara na" sabi ko sabay bigay ng distansya saamin.

----------

"Ma'am, halata sa face mo na alaga to dati. Anong nangyari?" Sabi ng dermatologist sabay tingin sa face ko.

I just smiled to give her an answer.

---------

Matapos ang ilang oras.

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon