That Game 6:

74 13 0
                                    

Xander's pov.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay tinawagan ko agad ang inutusan ko na maghanap ng mga paraan na makulong ang nakabanggan ng mama ni Kathrylle, yup nabangga ang sinasakyan nila Kathrylle at ang dahilan ayy.....

(August 05, 2012 : flashback

Habang naglalakad ako nakita ko si Sia na naglalakad habang may kausap sa phone nakangiti siya at hindi ko sinasadya na marinig ang pinaguusapan nila.

"Oo ate Denise ngayong araw inihahanda ko nang sagutin si Xander, di pa kaya huli ang lahat? Magkababata kami at alam ko na may gusto siya saakin bata palang kami at ngayong high school niligawan niya ako at 1 year na, sa tingin mo gusto niya parin ako?" Tanong nito kay ate Denise, yung ate ko.

Napangiti ako sa narinig kaya umalis ako agad at itinext ko siya na magkita kami sa park kung saan kami nagkakilala nung mga bata kami.

Sumakay ako sa motor na gamit ko araw araw. At bumili ng flowers, chocolates and other stuffs.

Maya maya pa nakita kong umiiyak si Sia sa isa sa mga bleachers sa park.

"Sia? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko, inilapag ko muna yung mga daladala ko sa swing.

"Gusto kong sabihin at magdrama kung ano ang nararamdaman ko sayo pero si papa kasi..." humihikbi hikbing sagot nito

"si mama nahuli niya si papa na may kasamang iba, ang sakit, I don't want to have a broken family" pagtutuloy nito

Lumapit ako sakanya at niyakap siya, binalik naman niya ang yakap na ginawa ko.

Siya ang klase ng babae na kahit di ngumiti ang ganda ganda at siya ang babaeng di alam ang salitang patience. burara din siya, masungit at kung titignan mo napakahigh standards niya.

Napatigil kami ng dumating yung mama niya.

Umiiyak din ito.... habang papalapit siya saamin tumayo na si Sia at yumakap ulit saakin.

"Mahal kita, at sinasagot na kita" nakangiti siya ngunit di maitatago ang lungkot na mararamdaman nito.

Habang paalis sila nakatingin lang ako sa dala dala ko. Kinuha ko ito at sumakay sa motor at hinabol ang sinasakyan nila ngunit.....

Napatigil ako kasabay ng pagbagsak ng mga dala ko dahil sa mga sumunod na nangyari....

May nakabanggaan sila Sia.

Napatakbo ako agad sa sasakyan nila at humingi ng tulong.

"Sia, tita, gising" 

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tumawag ng ambulansya at tinawagan ko rin si Ate Denise.

Nang maisugod sila..........

Nabuhay si tita pero si Sia, hindi.

End of flashbacks )

Napatingin ako sa dumating, si Paul ang tagalaganap ng mga impormasyon.

"May bago kabang nalaman?" Tanong ko.

"Alam ko pong matagal ko nang di ko to nagawa pero yung pinapahanap niyo pong si Mrs. Megan Mendez ay wala po sa ibang bansa, kung hindi ay nandito siya at nakikila sa ibang pangalan" yes, mama ni Sia si tita Megan Mendez.

Sa alam ko ipinunta si Sia sa ibang bansa at duon na siya tuluyang nawala saamin, pagka-uwi ibinurol agad siya. Naisin ko mang pumunta dati lahat sila ay pumupigil at hindi nila pinaalam saakin kung saan.

"Then what is her new name?" Tanong ko.

"Yun ay inaalam ko palang po" sagot naman nito.

Paalis na sana si Paul nang tawagin ko ito.

"Can I ask you a favor?" Tanong ko

Tumango tango siya sa pagpapakita ng pagsangayon.

"Can you checked for the background of Alistaire Fown?"

————-

Alistaire's pov.

Yes Saturday no classes.

Nilabas ko yung laptop ko at nagsimula nanaman ng panibagong kdrama

Today's drama is.....

Ruler: Master of the mask

Yhieee Kim So Hyun. Favourite girl artist ko siya. Ang galing niya kasi umarte.

"RIAAAAAAAAAAA!" Pagkasigaw na pagkasigaw palang ni mama tinago ko agad yung laptop ko, tinatakot ako ni mama na itatago niya daw yung laptop ko eh.

"Bakit po?" Tanong ko

Pumasok si mama sa kwarto ko "Baby meron akong work trip sa Japan for 1 month"

"Bakit isasama niyo ba ako?" Natutuwang tanong ko.

"Gaga may pasok ka at bawal ang pangit doon" sagot ni mama

My goshhh sige na ma ikaw na maganda, ikaw na sexy.

"Oh yun naman pala ma eh, bakit kailangan niyo pang sabihin saakin?" Tanong ko.

"Bobo talaga ng batang to, pupunta dito ang tita mo na mag babantay sayo kaya ikaw mag tino-tino ka" babala ni mama saakin. Saka umalis.

Ba't ako matatakot? De joke lang nung nag away nga kami ni mama pinalayas ako buti nalang meron si Ashley at doon ako nakituloy sakanila.

By the way si Ashley pala.

Tinawagan ko si Ashley sa panglimang tawag ko sinagot narin niya.

"Ashley I'm sorry, you know I didn't mean it" agad kong sabi sakanya.

"Okay, by the way can you do me a favor?" Maarteng sagot nito, pero hindi ko nalang pinansin.

"Sige ba, ano ba yun? Basta bati na tayo ah"

"Sure, hmm I'm kinda pinapaos kaya pwede bang ikaw nalang kumanta?" Tanong nito

"Eh paano yun, hindi naman ako pwedeng mag pakita dahil alam nila ikaw ang irerepresent ng club natin?" Tanong ko.

"Hahahahahaha" tumawa ito ng tumawa "Duh as if naman na papayagan kanilang makita" natatawa parin nitong sagot.

"So ano gagawin ko?" Tanong ko.

"Syempre magtatago sa backstage, so can you practice the song Akin ka nalang?" Pakikiusap nito.

Kahit na naguguluhan ako kasi parang ang harsh at ang sama ng mga pinagsasabi niya, kaibigan ko parin siya at mahal na mahal ko yan, at kung kailangan niya ako eh di go.

"Okay" pagkasagot na pagkasagot ko palang pinatayan niya agad yung call.

—————————-

Edited: 02-01-2020

(A/N):

Yha yha yhaaaaa sunod sunod na update yan. Yey nakabawi din ako. Ang tamad tamad ko eh. Love lots ❤️❤️❤️

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon