That Game 54:

61 6 2
                                    

Sia's pov.

Sa mga nakalipas na araw ay hindi talaga naging madali saakin. Kapag nakaka-salubong ko si Xander, ngitian lang ang nagagawa namin sa isa't isa at sa paraan na yun laging kumikurot yung dibdib ko. Baliw na talaga ako. Si Eric naman, laging bigay ng bigay ng dutch mill araw araw na may naka-sulat na inspiring quotes at pag-tanghali naman kasama ko rin siya kumain. Hindi narin pala ako ginugulo ni Ashley dahil lagi na silang mag-kasama ni Xander... some part of me ang sakit na bigla nalang bumitaw si Xander pero minsan iniisip ko nalang na para rin sa lahat to.


"Sia andiyan na yung sundo mo." Napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses ni mama kaya binigyan ko siya ng matamis na ngiti pero agad din akong bumaling sa salamin. Ngayon ang engagement party nila Tita Kira at ni Papa.

"Ang ganda talaga ng anak ko. Parang kelan lang nung baby ka pa." Sabi ni mama. Nasa-likod ko na pala siya. Bigla namang pumatak ang luha galing sa mata ni mama kaya tumayo ako at niyakap siya.


"Mama" mahinang wika ko.


"Okay lang ako. Tanggap ko naman na hindi talaga kami ng Papa mo." Sabi ni mama. Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Mama, paano niyo po nakakaya lahat ng 'to?" Tanong ko... sa sitwasyon ko nga hirap na hirap na ako, si mama pa kaya na malapit ng ikasal ang mahal nito sa iba. "Ma, ano pong dahilan paano niyo nakakaya at natatanggap ang lahat ng 'to?" Tanong ko ulit kasabay ng pag-patak ng luha ko.


"Ikaw... you're the reason why I can still manage things. Ikaw ang dahilan kung bakit pinalaya ko ang Papa mo at kung bakit hindi ako galit sakanya." Wika nito kasabay ng alis niya sa yakap naming dalawa at hinarap ako kasabay ng pag-punas niya sa luha ko.


"Bakit ako, ma?" Tanong ko.


"Dahil alam kong masasaktan ka kapag nakikita mong nahihirapan at nasasaktan ang Papa mo. Dahil mas pina-iral ko ang pagiging ina ko sayo kesa sa nararamdaman ko." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko sa sinabi ni Mama. "Ikaw ang dahilan at isinama ko rin ang acceptance. Because in life we also need to accept na wala. Mas mahihirapan tayo kapag pinipilit mo ang sarili mo sa taong alam mong wala kang pag-asa o wala nang pag-asang maayos kung ano man ang nangyari." Pangaral ni mama kasabay ulit ng pag-punas niya sa pisngi ko.


"Anak, ano ba." Sabi ni mama sabay bitaw niya saakin at punas niya sa pisngi niya habang mahinang tumatawa. "Sira na yang make-up mo, oh." Dugtong pa nito.


"Thank you ma." Wika ko sabay ngiti, and she just nod.

"Sige, tawagin ko lang si Mika para ayusin ulit yang make-up mo." Sabi ni Mama sabay labas sa kwarto.

Ano kayang pipiliin mo mama, kapag nalaman mo na si Tita Kira ang may kasalanan sa nangyari dati. Pipiliin mo kaya na sumaya si Papa kahit kasiyahan niya ang dahilan ng lahat?


------

Ang ganda nang ginawa nila dito sa SK restaurant. Ang simple lang dati pero maganda na, ngayon mas lalong gumanda dahil ang engrande talaga.

I wore a sleeveless, violet dress with a black linings. And a black stilettos.

Nanlilibot ang mata ko ng bigla itong tumigil sa lalaking nag-papabilis ng tibok ng puso ko. Naka-titig rin siya saakin. Hindi tumagal ang titigan namin nang siya ang unang bumitaw sa titigang ito.

-----

Napapa-ngiti ako kasi ang saya ni Papa habang nage-speech sa harap. Siguro mahal talaga nila ang isa't-isa. Siguro kaya rin nagawa yun ni Tita Kira kasi mahal na mahal niya rin si Papa.

"-again, thank you all for coming." Wika ni Papa kasabay ng pag-baba nila ni Tita Kira sa harap.

"Pa, excuse me lang po." Wika ko nang makita ko sila na pa-upo na. Pupunta muna ako sa comfort room, nakakaramdam talaga ako ng kaba kanina pa at ewan ko kung bakit.


Nakaka-sampong hakbang palang ako nang marinig ang boses ni Xander na para bang may-kinakausap sa table namin kaya napahinto ako at nilingon siya.


"Tito, I think you need to see this." Wika niya kasabay ng bigay kay Papa ng isang envelope at isang USB. Kinuha naman ni Papa at agad binuksan ang envelope...

Nanigas ako ng makitang tumayo bigla si Papa kasabay ng pag-patak ng luha ni Tita Kira.... nag-lakad ako ng mabilis papunta doon pero agad din napa-hinto.


"You're the one who tried to kill my daughter?!" Sigaw ni Papa kay Tita Kira.

"Wait Tyrone, let me explain...." pagmamakaawa ni Tita. Nilingon ko ang mg bisita namin at ganun nalang ang gulat nila sa narinig.

"Ginawa mo yun? Paano? Paano mo nakayanan na gawin yun, Kira?" Sabi ni Papa sabay hawak kay Tita sa braso ng mahigpit.

"I did because we love each other, at naka-hadlang sila." Paliwanag ni Tita.

Biglang tumulo ang luha galing sa mata ni Papa. "Call a police." Sabi ni Papa sa secretary niya. Kasabay nang pag-bitaw niya kay Tita Kira kaya napa-upo si Tita sa sahig. Gustong gusto kong lumapit sakanila at pigilan si Papa sa ginagawa niya pero natatakot ako. Nakakatakot si Papa ngayon.

"No, no, no. Hear me out, please." Pilit ni Tita Kira sabay luhod sa harap ni Papa.

"I'm sorry Kira. Yes,  I love you but I need to do this, you did wrong. I love you but I also love my daughter." Sabi ni Papa sabay baling sa iba. He look so frustrated.

Kailangan ako dito, humakbang ako at nang makalapit na ako.... "Pa, let's hear Tita Kira's explanation." Wika ko kaya napatingin silang lahat ngunit hindi rin nag-tagal lumingon silang lahat kay Tita Kira ng bigla itong tumawa ng malakas.


"Kasalan mo 'to... bakit ka pa nabuhay ha?! Kasalan niyo to ng desperada mong ina!" Sigaw nito.

"Tita Kira, sumosobra ka naman ata." Wika ko kasabay ng pag-patak ng luha ko. Mas gugustuhin kong saakin ibunton ang lahat wag lang kay mama. Ipahiya niyo na ako wag lang si mama. Saktan niyo lang ako wag lang si mama.


"Tita Kira, kayo po ang may kasalanan ng lahat ng 'to kaya huwag niyong isisi kay Ria ang lahat." Napalingon ako nang sabihin yun ni Xander pero agad ding nakuha ni Tita Kira ang atensyon naming lahat ng tumawa ulit ito.


"Nakakatawa kayo... de bale. Sirang sira narin naman ako, lulubusin ko na..... Xander, Alexia is your child." Wika ni Tita Kira kaya lahat sila napa-tingin saakin with a shock expression.

.
.
.

including him.


———Edited: 02-21-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon