That Game : 1

311 19 0
                                    

Alistaire's pov.

"Whaaaaaaaa" napatayo ako sabay tumalon talon.

"Hoy Ria ang ingay mo. At pwede ba tigil tigilan mo ang pag k-k-drama na yan, sabagay diyan ka na lang kinikilig" Issh si mama talaga panira kung kelan ang sweet sweet na nung moment eh.

"Mama sinabi ko na sainyo na madami akong boyfriend" sabi ko sabay pause sa pinapanood ko.

"Ilusyonada ka talaga, sasabihin mo boyfriend mo si Lee Jong Suk? At yung mga k-pop k-pop na yan? Jusko sa pangit mong yan kahit kapit bahay nating may disorder di ka papatusin" Ouch that hurt huh.


"Ang sakit mama ah. Kung pangit ako pangit ka rin saan ba nag mamana ang anak? edi sa magulang nito"


"Eh bakit ako lang ba ang magulang mo? Malay mo yung tatay mo"

Ishh di ako makaimik sa huling sinabi ni mama. Di ko pa kasi nakikita si papa ever since I was born, joke syempre nakita ko na si papa di ko lang maalala. Pero Madaming nag sasabi na gwapo si papa kaya nag tataka ako nung makita ko yung sarili ko.

"Eh ang sabi nila gwapo si papa, kaya di ko siya kamukha" sabi ko sabay play sa laptop.

"Whatever, kain kana ng hapunan mamaya mo na ituloy yung pinapanood mo. Ano ba kasi yan?"


"W (two worlds)" ngiti ngiti kong sagot.


I am Alistaire "Ria" Fown 19 year's old. I am chubby, nerd, at dahil sa study (kdrama) malaki yung eye bags at may di mabilang na pimples. 3rd year college na ako in taking Bachelor of Science in Radiologic Technology. At Conservative din ako kaya para akong lumpia sa canteen na sobrang balot na balot manamit.

_____________________

Pagkatapos kong kumain umakyat nalang ulit ako sa kwarto at nag kulong kasama ng laptop ko. Wahahahaha isusunod ko na papanuorin Uncontrollably fond :D .

_________

2:48 am.

Yeps tapos ko na ang w two worlds. Tapos ko na nga wala pa akong tulog. 5:30 gigising na si mama para gisingin ako.

Makatulog na nga mahuli pa akong nag pupuyat.

_________

"Hoy Ria! Ano ba nag puyat ka nanaman noh?!" Napatakip ako sa tenga ko sa sigaw ni mama. Grabe sakit ah.

"Oo na gigising na ako" walang ganang sagot ko.


"Napatapos mo na yung pinapanuod mo noh? Humanda ka talaga saakin pag uwi mo wala na yang laptop mo!" Sabi ni mama sabay palo sa balikat ko.


"Mama naman eh parang di mo ako anak, sakit mo manakit eh"


"Nananakit nga di ba?! di malamang masakit"


"Mama naman eh!"

_____________________

"Hoy bess kinakausap kita!" Mahina akong pinalo ni Ashley. Siya yung best friend ko. Actualy ang ganda ng best friend ko, siya ang batayan ng salitang dyosa dito sa buong campus. At ako naman ang batayan ng salitang hipon. Kasama ko din siya sa choir.


"Hoy bess! Nag puyat ka nanaman noh?!" Tapik ulit nito. Ishhh bakit ba kasi tuwing nag deday dreaming ako laging binababa ko yung sarili ko?! Di ba pwedeng ako ang star sa dream land ko?!.

"Ouch!!!" Puta nauntog na pala ako sa pintuhan.


"Yan kasi, kanina pa kita hinihila at tinatawag kasi naka close yang pintuhan ng classroom eh, nag dirediretsyo ka" sabi nito sabay iling.


"Bakit ka ba kasi nag titiis diyan sa nerd mong beast friend" sabi ng isang babae galing sa valley ball team.


"Ano namang pakealam mo? kaibigan ko siya dahil gusto ko at hindi ikaw ang pipili ng magiging kaibigan ko" sabat ni Ashley.

Gosh si Brianna yan, bakit niya kinakalaban? Eh ayoko sa gulo kasi.... basta ayoko sa gulo.


"Sorry na Brianna" Napatitig saakin si Ashely dahil sa sinabi ko.


"Hahahahahaha, suit your self nerd" sabi ni Brianna sabay alis kasama ng mga alipores nito.

"Ano ba Ria, hanggang takot ka nalang ba?" Sabi ni Ashley sabay walk out.


Pagkapasok ko sa classroom tinabihan ko si Ashley.


"Sorry Ashley, alam ko hinayaan kita kaso ayoko sa gulo eh kasi running for summa cum laude ako"


"Naiintindihan kita"

"So okay na tayo?"

"Hindi"


"Huh?"

"Libre mo muna ako mamaya sa canteen"


"Yun lang pala eh, edi okay"


"Okay class take your seats" nagsiupuan na kami dahil meron na yung professor namin, nang biglang may tumatawang pumasok. As always yung magbabarkada... Alexander Ward, Drew Morton, Rayian Boot at si Brian Smith.

"Oh nandito na pala kayo" sarcastikong sabi ni prof.


"Opo nakikita niyo kami eh" pamemelosopo ni Award, Alexander pala.

"Umupo na nga lang kayo" isshh bakit sumali nanaman ako.

"Oh our class president the student nerd" brian.

Pangit talaga ng ugali nito makapagsalita eh gandang iumpog.

"Walang ginagawa sayo yung tao, Brian" -Drew. Buti pa si Drew ko mabait kahit basag ulo.

"Umupo na nga lang kayo" -prof.

This is my life circle, kain, pasok, nood k-drama, sayaw-kanta kpop, aral, kain ulit, pasok ulit, nood k-drama ulit, sayaw-kanta kpop ulit, aral ulit. Ganito kaboring ang life ko wala na akong inaasam na magandang mangyayari sa life ko dahil araw araw ng ganito.

______________________________

*singlot singlot* *punas ng luha*

Nakakaiyak naman tong uncontrollably fond pangalawang episode palang ako nakakaiyak pinagdaanan niya.

Kanina pa ako nakauwi nasa mga 10:20 pm na nga eh. Kanina parin ako titig na titig sa laptop ko.

"Anak! ANAK!" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang lakas makatawag ni mama. May nasusunog kaya? May mag nanakaw? May namatay?


"Anak, tumawag ang dean saakin at sabi saakin mag simula bukas may kasama ka nang mag aaral, tulungan mo raw siya para di na raw bumagsak."

"Yun lang pala ma, EASY"

Wait------"ANO!"

_______ edited: 01-28-2020

(A/N):

Jusko kay tamad ko talaga. BTW nagustuhan niyo sana. Love lots. 💛

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon