That Game 60:

78 6 1
                                    

Alistaire's pov.

*kring* *kring* agad akong napa-kapa sa gilid ng kama para patayin ang naka-set na alarm.

Agad kong kinuha ang phone kong naka-tabi saakin. Nakatulugan ko pala kagabi habang kausap ko si Xander.

Pakurap-kurap akong napatingin dito. Ha? Bakit hindi niya pinapatay? Napalagay agad ako sa phone sa tenga ko.


"Xander.." mahinang wika ko.


"Oh, you're awake."


"Of course I am." Haha "bakit hindi mo pinatay?" Tanong ko.



"Gusto ko lang maramdaman na kasama kita." Lah. Ang corny ng taong to.



"Eww, maybe I'm snoring. Nakakahiya." Agad akong napatakip ng unan sa mukha ko. Lah ang cheesy namin kaaga-aga.


"Don't be shy parang hindi naman tayo  nag-katabi matulog dati." Sabi nito sabay tawa. Ano ba yan ang harot harot ko nanaman.


"Hey, past is past." Saway ko pero hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili kong mapa-ngiti.



"Hahaha." Marahang tawa nito. "I miss cuddling with you, and kissing you." Dugtong nito.



"Hahaha come here and let's cuddle all day." Wait, lolokohin ko lang.



"What? Now? But we have work.... don't be like that Ria... baka mawalan tayo ng trabaho ng wala sa oras." He said leaving a sigh.


Natawa ako ng malakas.... Kawawa na talaga eardrums niya dahil saakin.


"Awww I was only joking." Wait, talagang natatawa ako.



"As I said don't be like that again alam mong mas pipiliin kita sa lahat." Sabi nito.



"Haha sige na bye na may work pa tayo at may pasok pa si Alexia." Sabi ko sabay upo na sa kama.



"Okay. Wait a minute and I'll be there. I love you." Sabi niya at ramdam ko ang pagngiti niya na parang hinihintay niya ang sasabihin ko, kaya napangiti din ako. Kahit kelan nga naman oh.




"I love you too." Wika ko pabalik. "Sige na. Bye!" Dugtong ko kasabay ng pagputol ko sa tawag.



"Mommy!" Napalingon ako sa pintuan ng sumigaw si Alexia.


Agad akong napatayo sa higaan at lumabas sa kwarto.



Literal akong napa-nganga sa nakita. Nandito ang parents ni Xander at pareho silang nakatingin kay Alexia na tumakbo sa likod ko.



Kahit kasi nung nalaman nilang may anak kami ni Xander wala silang magawa para malapitan si Alexia. Pero hindi ko alam kung bakit sila naka-pasok sa bahay ko ngayon.



"Hindi ako makalapit sa apo ko noon dahil wala pa akong kahit anong pwedeng ibato sayo pero ngayon meron na." Sabi ng papa ni Xander. Ang lakas talaga ng loob niya.


"Bakit niyo po ba ginagawa to?" Tanong ko.



"Gusto kong makuha ang apo ko sayo. Hindi kayo kasal ng anak ko kaya may karapatan ang anak ko sa bata." Sabi nito. Sa totoo lang kung hindi lang siya ama ni Xander at kung hindi siya nakakatanda saakin kanina ko pa siya pinagbababastos dito.


Ang lakas ng loob niyang pumunta dito para sabihin ang mga ganyang bagay.



"Hindi ko po pinagdadamot kay Xander ang bata!" Sigaw ko dito.



"Alexia... halika muna ha." Sabi ni mama sabay kuha kay Alexia sa likod ko para mailayo sa sagutan namin ng lolo niya.



"Then why did you keep Alexia at hindi mo pinaalam saamin?!" Sigaw din saakin ni Tito Mico.




"Dati po yun." Sabi ko "Atsaka pinatawad na ako ni Xander at tanggap na niya yun. Hindi siya nag rereklamo na gustong kunin ang bata sa pangangalaga ko." Tumulo ang luha sa pisngi ko.



"Dahil yun sa mahal ka ng anak ko. Pero we have the rights. We're going to get the custody of Alexia..." sabi nito sabay abot ng envelope sa harap ko.



"No. I won't give you my child!" Sigaw ko sabay kuha at tapon sa sahig ang envelope na ini-abot saakin.



"Mico... tama na" Suway ni Tita.


Agad naman itong kinuha ulit ni Tito Mico at ipinag-sisiksikan saakin pero napatigil siya ng padabog na nagbukas ang pinto.


Dumating si Xander! Agad akong naka-hinga ng maayos.




"Dad!" Sigaw niya sabay hablot sa envelope na isinisiksik saakin ni Tito.


Binuksan niya ito at binasa na agad-agaran niyang pinunit.



"Dad... I am against to all of this! She have the right!" Sabi ni Xander sabay hawak sa kamay ko.


Sa lahat nga panahon na tingin ko naa-api ako lagi siyang dumadating para iligtas ako. I feel safe.



"Thank you" I uttered


He replied a smile.


"Son! How could you?! Aren't you going to get your daughter?! You have the rights! She's your daughter, Alexia is your daughter!" Sigaw ni Tito.



"Yes, Dad. I have my rights pero tinatalikuran ko yung karapatan ko para sa anak ko. Dahil ang kasiyahan ng anak ko ang iniisip ko. Magiging malungkot si Alexia kung sakaling kunin ko siya sa Mommy niya. And to let you know, Ria and I already settled down. Kaya huwag na kayong makealam sa mga desisyon ko!" Sigaw ni Xander. He look frustrated. Nahihiya na talaga ako.



"Ha! You're choosing that girl over your father nor your mother?!" Sigaw din ni Tito.



"Yes! And all I'm going to do is to choose her over everything." Sagot ni Xander sa Papa niya.



He love me that much?



"You foolish!" Sigaw ni Tito sabay labas.



"Son, I'm sorry. I did everything to please your father but I can't." Sabi ni tita kay Xander at lumapit at niyakap niya ito.



"I miss you my Son. Please come back home." Sabi nito sabay kalas sa yakap at nag-punas ng luha.


Bumaling siya saakin "I'm sorry, Ria." Sabi ni Tita bago tumalikod para umalis na.

Nang tuluyan na silang maka-alis. Napa-buntong hininga ako.



Agad bumaling saakin si Xander.


"Are you okay?" Tanong niya saakin habang tinitignan ako.


I nodded. Gusto ko sanang mag-salita kaso naalala ko hindi pa pala ako naka-pag sipilyo. Hahahaha.


———Edited: 02-22-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon