That Game 15:

80 9 0
                                    

Alistaire's pov.

"Ria do you know?" Napatingin ako kay Xander. Kakatapos ko lang magpalit. At nasa library kami, kailangan ko siyang itutor eh, malapit na ang exam. Ano bang nangyari sakanya? Nung high school kami siya pa nag tururo saakin. Ganito ba yung nangyari sakanya? Dahil lang sa nakaraan? Pinabayaan niya yung pagaaral niya, sinisira niya yung future niya?

"3 weeks from now, death anniversary na ni Sia" saad nito. Nasasaktan parin siya. "Kailangan ko na yatang tanggapin na wala na talaga." Saad nito sabay nang pagtulo ng luha galing sa mata niya.

"Nasayo yan, pero you can never start a new chapter of your life if you keep rereading the last one" yeah I mean it, okay na saakin na kalimutan niya ako. Tanggap ko na, maybe we're not just meant to be.

"Tama na nga, mag aral na tayo. Para maka punta na ako sa trabaho ko" sabi ko rito at nag buklat na ng libro.

May mga bagay talaga na dapat tanggapin.

Nakinig naman siya habang nag tuturo ako kaso lagi siyang salita ng salita ng madali lang daw saka nagugutom na daw siya. Parang bata!

"Sige na, libre kita" sabi nito. "Ahy bakit nga pala ako nga nag papaalam sayo? Kung gusto ko aalis ako" wika nito at tumayo na.

"Hoy" tawag ko at lumingon naman siya, mag sasalita palang sana ako ng mag salita siya.

"Umuwi kana, kaya kong mag review mag-isa. Atsaka ang cool mo kanina nung sinuntok mo yung mukha nung best friend mo" saad nito at napatawa pa bago tuluyang umalis. Aba gago yun ah!

Agad kong niligpit ang mga gamit ko. Mag fa-five na at 6 ang start ng shift ko.

Agad akong nag punta sa SK Restaurant.

Pagkarating na pagkarating ko agad akong nag palit.

Binilhan talaga ako ng bagong damit, dapat humiram nalang si Xander kay Ate Denise. I miss her.

Pagkarating ng time ko, agad akong nag trabaho. 6:00 - 10:00 yung trabaho ko at hanggang Saturday lang. Hindi naman sa gipit, I only want to see dad everyday.

"Ang sipag mo naman Ria" sabi saakin ni papa.

"Ah salamat po Sir" wika ko pabalik.

"Alam mo ba? Sia yung pangalan ng anak ko." Mahinahon na sambit nito. "Tuwing binabanggit ng lahat maging ako yung pangalan mong Ria, feel ko Sia yung naririnig ko" napatingin ako kay papa, at bagyang napapunas siya sa mata niya habang naka-ngiti. "Sige, balik kana sa trabaho mo wag mo nalang isipin yung sinabi ko" he said saka umalis. Pa forget the past, live your life. Nasasaktan akong makita kayong ganyan.

————

Agad akong umuwi pagkatapos ng shift ko, ang hirap maging working student.

Humppp! Namiss ko tong bed ko! Niyakap ko ng bahagya yung unan ko.

Ahh alam ko na buksan ko kaya yung account ko sa I.G dati? Naka-private kasi kaya kahit i-stalk ko wala akong makikita. Titignan ko lang mga pictures ko dati.

Agad kong binuksan at ini-log in yung acc ko dati.

Napaluha nalang ako habang tinitignan.

Napatingin ako sa isang post ko na mag kasama kami ni Xander na nag ba-bike. Nakita ko rin doon yung pictures namin nila papa sa iba't ibang bansa.

Makapunta nga rin sa iba pang acc.

Hindi naman sa sinisisi ko si papa, pero bakit? Kulang ba kami ni mama? Dahil ba in-arrange marriage lang sila? Hindi niya mahal si mama? Eh di sana nakipag hiwalay siya at hindi niya nalang ito niloko at sa best friend pa niya, pero ano ngang magagawa ko? He only wanted to be happy, gusto niya lang maging masaya at yung kasayahan na yun ay sa ibang babae niya nahanap.

Kaya kung sakaling nangyari yun saakin? Na hindi na ako mahal ni Xander? Then I rather see him happy with someone else even if it hurts,  than see him hurting dahil lang sa ayoko siyang pakawalan.

————————————

Alexander's pov.

Napabaling ako sa phone ko nang tumunog ito, sino naman kaya to?

Nag aaral yung tao eh, istorbo! Ngayon na ngalang ako mag-babasa ng libro.

Agad kong kinuha at walang pakundang sinagot yung tawag kahit hindi ko tinignan kong sino ba yung tumatawag.

"Ano?" Bungad ko.

"Sir, I found something strage" sagot ng nasa kabilang linya. Napabalikwas ako.

"Punta ka dito sa bahay, and tell what is it" saad ko.

Pagkababa ko andoon na siya sa garden.

"Ano yun?" Bungad ko.

"Sir, Alam kong napakatagal na mission ito" saad nito.

Siya yung tagahanap ng impormasyon at siya yung secret investigator ko sa kaso ni Sia.

"Sir, yung bumangga po sa kotse nila ma'am Megan ay yung mistress nung papa ni Ma'am Sia. At I was working on having a proof to get her in jail" napakuyom yung kamao ko sa narinig. She's really that desperate? How pity. Wag lang siyang mag kamaling mag pakita saakin dahil ako mismo ang papatay sakanya.

"And about Ms. Alistraire Fown, sa tingin ko Sir, pinoprotektahan ang informations about sakanya. Dahil kahit anong connections ang gamitin ko ang hirap kumuha ng details about sakanya. But don't worry about it." Sabi ulit nito. I don't get it, bakit kailangan itago yung informations about sakanya?

"Why should I worry? Ikaw may trabaho niyan." Sabi ko.

"Ang lastly Sir, something went weird" saad nito.

"Ma'am Sia Katrylle Mendez account is online 7 minutes ago" sabay pakita saakin ng isa sa mga account niya. It's impossible!

'

"You know, I'm not comfortable sharing problems and secrets"

"And?"

"And with that, kahit sino walang may alam at nakakabukas ng mga account ko kahit sila mama pa, ako lang"

                                                                                   '

No, it can't be.


Edited: 02-02-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon