That Game 19:

66 10 0
                                    

Alistaire's pov.

*click* *click*

Ang ganda, dito sa patapat Viaduc, kahit daan lang ang ganda na.

"Uyyy pakuha ako ng pictures" wika ko kay Xander sabay abot ng phone ko.

"Baka mabasag" sabi naman nito.

"Ang sama mo" sabi ko at handa ng mag walk out ng hilain niya yung damit ko. Sabi na nga ba eh, he can't resist me.

"Kalahati lang" saad ko at abot na ng phone ko at pumunta na sa maganda ang spot.

Agad akong nag pose. Siya naman parang wala lang at click lang ng click.

"Oh" boring na wika nito sabay abot.

"Ano to?!" Sino ba naman ang hindi maiinis? Hita  hanggang paa ko yung kinuhanan niya!

"Phone" saad naman nito.

"Argh! Bakit ganito yung pictures?" Grabe naman itong taong to.

"Sabi mo kalahati, kalahati naman" maang maangan naman nito.

"Kainis! Kunan mo ako ulit. Yung mukha ko ah!" Paalala ko sabay abot ng phone ko sakanya.

Nag pose pose ulit ako.

"Oh ayan" saad nito sabay abot.

"Xander!" Nanggigigil ako! Hinabol ko siya. Ako halos lumabas ang usok sa tenga ko, siya naman ngiting ngiti.

"Be more specific, next time." Wika niya habang tumatakbo.

"And have a common sense, next time." Pang-tutulad ko sakanya.

Tuwang tuwa siya samantalang ako gusto ko na talaga siyang patayin.

Sino? Sino ba naman ang hindi magagalit. I-zinoom niya sa mukha ko! Kaya pala habang kinukuhanan niya ako natatawa siya. Yung mukha ko lang yung kinuhan niya!

"Wag kang mag papahabol saakin" banta ko habang hinahabol siya. Siya naman ewan ko kung ano ginagawa niya sa phone niya na nakatutok saakin habang tumatakbo.

"Ria!" Napalingon ako ng sumigaw si Xander. Shit may paparating na sasakyan. Napabaling ako ng may maramdamang humigit saakin.

*click* *click*

Bakit andaming maingay? Nawalan na ba ako ng isang parte ng katawan ko? Baki-

OH MY GAHD!

Napatayo ako ng di oras. Napatayo rin siya.

"Oh my God. Dis she really kiss my baby Xander?" Narinig kong sabi ng isa.

"Yuck, it's like parang you make out to a frog. Iw iw iww talaga!" Saad naman nung isa sabay dabog dabog.

Accident lang naman na nahulog ako sakanya at nakapatong pa pero mas accidente na nahalikan ko siya. We never kiss before noh! Nung si Sia pa ako hanggang holding hands lang kami at yakap.

"Sorry" I whispered as my eyes met Xander's eyes.

Nag blu-blush ba siya?

Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya nag iwas siya ng tingin.

"Tigilan niyo nga kami." Kakasabi niya lang nagsi-tigilan naman sila agad.

"Sorry" saad ko ulit.

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon