That Game 4:

88 15 0
                                    

Alistaire's pov.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang hinanap ko agad si ashley dahil sigurado ako na nakita na niya ang mga picture namin ni Xander na kumalat sa social media.

At agad ko rin naman siyang nakita.....

"Ashley kung ano man yung mga nakita mo sa social media, wala yun. Okay?" Sabi ko sabay hawak sa balikat niya.

Inalis niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya, "Okay lang, wala saakin yun" bored na sagot niya.

"Pero di kanaman mukhang okay, yung totoo Ashley?"

"WALA NGA LANG YUN!" Pasigaw na sabi nito.

"Hindi, sabihin mo saakin kung anong nararamdaman mo, best friend mo ako, okay?" Mahinahon parin na pakikipagusap ko sakanya.

"Galit ako sayo, kasi feeling ko kaibigan ko ang mananakit saakin" sagot nito.

Hindi ako makapaniwala na ganyan pala ang iniisip niya saakin.

"Ashley kailan mo pa iniisip yan?" Tanong ko

"Shut the f*ck up my dearest friend" sagot naman nito. Sabay walk out.

Hala malala na ba tong away namin? Kasi tuwing nag aaway kami hindi siya nag mumura at pag nagmura na siya ibig sabihin galit na galit siya saakin.

At dahil maaga pa naman nag lakad lakad muna ako, ayoko munang makita ulit si Ashley baka mas lalo pa siyang magalit saakin.

At dahil sa nakakapagod na din maglakad, umupo muna ako sa mga bench sa gilid.

Nakakainis dahil ang lahat ng to ay kasalanan ni Xander, kung hindi siya umepal sa buhay ko edi sana walang away na mabubuo saamin ni Ashley.

Napatingin naman ako sa gilid ko ng maramdaman kong may umupo, speaking of... si Xander pala, kaasar.

"Hoy pangit, bakit ganyan itsura mo? Mas lalo kang pumangit" aga-aga ahh mahiya ka, ikaw lagi ang naninira sa araw ko.

Hindi ko siya pinansin at naglakad na, papasok nalang ako kaysa makasama to.

"Hoy pangit saan ka pupunta?" Tanong nito.

"Sa class room" walang ganang sagot ko

"Kung pumasok ka ngayon siguradong..."

Ha? Pinagsasabi nito?

"H-ha?" Tanong ko

"Uso tumingin sa relo, pangit" komento nito.

Dali dali naman akong napatingin sa suot kong relo at 26 minutes na akong late.

"At bakit nandito ka din?" Tanong ko sakanya.

"I always ditched my classes" sagot naman nito.

"Oo nga, ba't di ko naalala?"

"Matalino ka diba?" sagot naman nito.

Bakit feeling ko mas matalino talaga siya saakin, bakit ko nasabi yun? English lang naman siya ng english eh, ka-nose bleed eh.

"Alis tayo" yaya nito

"Duh, may susunod pa kayang klase"

"Tssk, iba ka talaga. Ako bahala sayo hindi baba grades mo" pangaanyaya nito.

"Yoko nga, hindi nga bababa wala naman akong natutunan" saad ko naman.

"Oo na professor" sagot naman nito. "Pero tara ngayon lang naman, sige na. My treat" para siyang batang nangungulit. Ang cute what-the-fudge Ria, erase erase.

"Tumigil ka nga para kang bata" pamimigil ko sakanya.

Pareho kaming napatingin sa bag ko ng may tumatawag sa phone ko btw, Exo don't go yung ringtone.

Ahyy isa pala sa mga admin ng fandom namin, phixo kumbaga.

Sinagot ko yung tawag..
("May bagong release na album ang exo ngayon, bilis check it out") sabi ni Christine.

Napatalon ako sa saya ("really? Sige titignan ko na")

Matapos kong inend call napatingin ako sa kasama ko kanina

"Sino yun?" Tanong nito

"Ah none of your business pero sige... admin namin yun." Ang gulo ah!

"Ano?" Tanong nito

"Mahilig ako sa K-pop di ba?" Sabi ko pero hindi ako naka-tingin sakanya.

"Aba malay ko." Pagsagot niya saakin kaya napatingin ako sakanya at ngumiti ng sarkastiko.

"Kasama ako sa mga baliw na fan girls ng Exo." My ghaddd bakit ba ako nag-papaliwanag sakanya? Ano ko ba siya?

Napatingin ako sakanya kasi bigla bigla  nalang siyang ngumingiti.



—— Xander's pov.——

EXO? Parang narinig ko na yun kay Sia ah. Na-miss ko tuloy bigla yung itsura niya habang tumili, at kung paano niya ako hinihila hila tuwing may bagong labas na album ang Exo , I really do miss her.

Napatigil ako sa pagngiti ng itulak ako ni Ria.

Bwisit talaga to sa buhay eh, pasalamat siya may pagkakaparehas sila ng ugali, I can afford naman ng sasakyan kaya lang naman ako pumayag sa usapan namin kasi may pag-kakapareho talaga sila ng ugali ng Sia ko, at tuwing kasama ko 'tong babaeng 'to parang kasama ko na din si Sia. Fvck! everyday in my life I do miss her and of course I will always love her and my love for her always go deeper everyday. I miss my Sia Kathrylle Mendez .

Edited: 02-01-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon