That Game 64:

74 8 1
                                    

Alistaire's pov.


"Anak, mag pahinga ka kaya muna? Kakauwi mo lang tapos aalis ka uli?" Pag-pigil ni mama saakin na umalis ng bahay.



"Mama ayos lang po ako, sarili niyo ang isipin niyo ma.... hindi natin alam baka dito pumunta si Ashley." Wika ko sabay ngiti kay Mama.



"Pero anak, baka ikaw naman ang sumunod na ma-hospital. Huwag naman sana." Sabi ni mama sabay haplos ng pisngi ko.




"Mama, ayos lang talaga ako." Pagkukumbinsi ko kay Mama, pero hindi ata epektibo.



"Anak, pwede namang ako muna ang mag-bantay sa Hospital atsaka halos lagi ring nandun si Melanie, kaya mag-pahinga ka muna." Wika ni Mama, ayaw talaga mag-paawat...


Mapipilitan akong ibahin ang usapan...



"Mama alam mo ba? pinatawad na po kami ni Tito Mico..." mahinahon kong bigkas kay Mama at agad na lumitaw ang napaka-tamis na ngiti sa labi ni Mama.



"Ang gandang balita niyan anak..." Sabi ni mama sabay yakap saakin.



"Pero mas magiging masaya at magiging maganda ang balita kung pati si Papa mapatawad ulit kami. Mas magiging maganda ang lahat pag wala ng gulo at away na maganap sa kahit kanino." Pagkasabi na pagkasabi ko 'nun, kinalas agad ni mama ang yakapan namin, hinaplos niya at pinunasan ang luha sa aking pisngi.




"Huwag kang mag-alala anak, hindi ako titigil sa pag-kausap sa Papa mo, basta huwag karing mapagod na mag-hintay sa panahon na magka-bati kayo ng Papa mo." Wika ni Mama sabay pisil sa pisngi ko na parang bata.


"Mama..." suway ko kasi para niya akong trinatratong bata.



"Huwag ka ngang maarte anak, parang hindi kita dinala sa sinapupunan ko ng siyam na buwan." Natatawang wika ni Mama.



Natawa ako sa expresyon ni Mama. Hayyy hirap piliting maging masaya sa harap ni Mama, kasi sa totoo lang.... nanlulumo parin ako, natatakot parin ako buti nalang nandito si Mama sa buhay ko para pasiyahin ako kahit sa sandaling panahon lang.



"Mama sige po, aalis na ako." Wika ko sabay halik sa pisngi ni Mama.


"Ingat ka lagi anak ah, at tawagan mo lang ako kung gusto mong ako muna ang mag-bantay..." paalala ni Mama, mapilit talaga eh.



"Ma-" naputol ang nais kong sabihin ng tumunog ang phone ko galing sa loob ng bag ko.



*Tita Melanie* nang makita ko ang pangalan ni Tita Melanie nag aalangan akong sagutin... kinakabahan ako kung ano ang sasabihin niya... sana hindi bad news.



"H-hello, T-tita?" Tanong ko nang sagutin ko ang tawag.



"Huwag kang mag-madaling mag drive papunta rito ha?" Sabi ni Tita kasabay ng pag-singhot niya na parang umiiyak siya... mas lalo akong kinakabahan eh.




"O-opo, Tita... Ano po ba yun? Kinakabahan ako.." sabi ko sabay tingin sa kamay kong nanginginig ng literal.



"Gising na si Xander, at hinahanap ka niya.. At may dapat kang malaman." naka-hinga ako ng maluwag matapos sabihin iyon ni Tita.




"Ganun po ba Tita? Pupunta na po ako diyan sa hospital.. Pero ano po yung dapat kong malaman?" naka-ngiti kong sabi kahit hindi naman nila ako nakikita.




"Ah... hindi naman ganun kahalaga, basta mag ingat ka sa pagpunta dito... dahan dahan lang sa pag-mamaneho." Wika ni Tita.



"Sige po, Tita... ibababa ko na po 'tong tawag para maka-punta na po ako." Wika ko at mahinang natawa si Tita at sumang-ayon din siya kaya, Agad kong ibinaba ang tawag at agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko.



"Ano daw balita, anak?" Tanong ni Mama.


Ngumiti ako ng napaka-luwag. "Gising na po si Xander, Ma.." Wika ko kasabay ng pag-pahid ko sa luhang tumulo dahil sa tuwa.



"Ang gandang balita naman 'yan." Wika ni Mama. Tumango naman ako at nag-paalam na ngunit hindi parin ako nakaka-diretsyo papunta sa pintuan ng bumukas ito at iluwa nito si...... Papa,




Agad akong napako sa kinakatayuan ko.



Lumapit si Papa saakin sabay yakap saakin.




"Anak, pasensya kana.. I never thought this things would come.." sabi ni Papa as I hear his sobs. I tapped his shoulder to comfort him.



"It's alright, Pa. I never blame you in everything." Wika ko sabay ngiti.




"Forgave me my precious daughter. Kakarating lang saakin ng balita so I rushed here to check on you if you're fine.... I also heard what Xander did for you...." wika ni Papa sabay kalas sa yakapan namin.



"I don't need to forgive you, Pa... cause I never blame you in doing those things, I know you wouldn't do that if you're not hurt... I understand, Pa. And as I said, Xander was a good man.... He only hurt me back then because of Ashley, so Pa... wag niyo na po siyang pahirapan..." Sabi ko sabay ngiti. Pinunasan naman ni Papa ang luha ko, na tila hindi nauubos.



"Thank you for understanding what I feel, you're the best daughter in the whole universe, my daughter. And yes, I realised that he, really is. basta siguraduhin mong hindi ka na niya sasaktan muli dahil kung sakasakali.... hindi ka na niya talaga makikita ulit." Sabi ni Papa sabay halik sa noo ko.




Napa-ngiti ako ng maluwag. Napatingin ako sa phone ko ng may mag-text... "Papa, usap nalang po ulit tayo pagka-uwi ko... pupunta pa po kasi ako sa hospital." Wika ko sabay yakap kay Papa na agad ko ring kinalas.



"Sige sige." Kakasabi palang ni Papa ang dalawang katagang yun agad akong lumabas at tumungo sa sasakyan.





-------

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa sarili habang naka-tingin sa hospital nila Xander kung saan siya naka-confine. bakit andaming tao dito sa labas?


Ibinaba ko ang lateral window para makita ko kung ano ang nangyayari.


Agad kong ipinark at agad din akong lumabas.
Lumapit ako sa babaeng nakikipag-usap sa guard.



"Ano pong meron?" Tanong ko



"May babaeng nasa rooftop hindi naman siya mukhang pasyente pero mukha siyang nag-babalak mag-pakamatay." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Sinulyapan ko ang pinag-titingnan nila. Marami naring tao sa rooftop at pinipigilan siya.


"Ms. Huwag kang mag-papahulog." Yan ang halos sigaw nila. "Mahalaga ang buhay." "Hindi pa katapusan." Sigaw ng iba.



Ngunit pare-pareho kaming nagulat ng bigla itong bumitaw sa railings na pinag-hahawakan niya. Masyadong mataas kung nasaan siya at naka-talikod ito kaya't hindi maaninag kung sino ang nais mag-pahulog ang sigurado ko lang, babae siya.


Agad naming nilapitan ang babaeng nag-pahulog nang bumagsak ito sa isang sasakyan. Agad nag-sikalat ang dugong galing sakanya.


Nang malapitan ko ito at matitigan, nanlumo ako at napaiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko... hindi ko mapigilang mag-tanong ng, bakit?


———Edited: 02-22-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon