That Game: 2

143 15 0
                                    

Alistaire's pov.

"Hey" bati ni Alexander saakin sabay akbay. Siya lang naman yung kasama ko, katabi ko sa buong classe araw araw.

Inalis ko yung kamay niyang nakaakbay saakin. Sigurado ako mang iinis yan. Sana si Drew na lang.

"Bess!" Sigaw ni Ashley. Sa wakas andito na siya nang maisaksak ko na sakanya tong Alexander na to. Crush na crush ni Ashley si Alexander, ako naman si Drew. O diba?!

"Kita nalang tayo mamaya nerdy" sabi ni Xander sabay alis.

"Bess bakit mag kasama kayo ni Xander Ko?" K. Xander daw niya.

"Ako lang naman ang magiging tutor niya. Ang saya noh?!" Sarcastiko kong sagot.

"Shh andaya, akin si Xander eh"

"Sayo lang. Sayong sayo"

Pagkasabi ko nun nag lakad kami habang daldal ng daldal parin si Ashley. Di ko nga alam basta mabait siya kasi kahit maganda siya at madami siyang pwedeng maging kaibigan, ako ang pinili niya.

"Ms. Fown, Ms. Wright. Go to the music room." Sabi ni Ma'am Rebecca.

Oh gosh, here it comes. Choir ulit.

"So may magaganap na program dito saating school at sinabi saakin na dapat may magpe-perform na galing dito sa music department, kaso hindi tayo lahat ipapakita doon kaya, sino ang may  suggestion kung sino?"

I raise my hand.

"May suggestion si Alistaire? Wag lang sana yung sarili niya." sabi ng isa sa mga epal kong kasama dito.

I shrugged. Pakealam ko ba sa sasabihin ng iba?

"I recommend, Ashley Wright"

Ma'am Rebecca just smile at me. At lahat sila nakisangayon.

"I guess that Ms. Wright will be our representative. Okay Ms. Wright, practice this song and it will be presenting next week" sabi ng adviser namin sabay alis. Grabe next week na? Eh Huwebes na ngayon ah.

"Paano yun malapit na" nakatungong sabi ni Ashley.

"Don't worry besshie, Ria have a way to help you" and we end up laughing. Nag lalakad na kami sa corridor ng matamaan ako ng bote ng tubig.

"Hoy Nerdy bilhan mo ko ng tubig" -Brianna

"At sino ka para utusan yung best friend ko?" -Ashley. Goshh mag a away nanaman sila.

"Ashley" mainahon kong tawag sa best friend ko.

"Wow, ikaw na talaga ang the best na best friend" sabi ni Brianna sabay tawa ng malakas, kahit di naman katawatawa ang mga pinagsasabi niya.

"Hoy Brianna wag mong gagalawin ang Ria ko kung ayaw mo ng away"

Ha?!  Sino yun?! Napalingon ako kung saan nakatingin si Brianna at si Ashley..... Alexander?! Ano pinagsasabi nito?!

"Alexander?! " sabay na tanong ni Ashley at ni Brianna. Goshh ano ba pinagsasabi ng lalaking to. Ano nalang iisipin ni Ashley.

Hinila ako palayo ni Alexander. Nang makalayo na kami, hinila ko yung kamay ko para makabitaw siya.

"Ano sa akala mo ang ginagawa mo?!" Tanong ko dito.

"Ito naman, pinagligtas kana nga kay Brianna, galit ka pa" paawang sagot nito.

"Diko kailangan ng tulong mo, okay?!"

"Di kailangan ng tulong? Eh mukha ka ngang pusa na napapaligiran ng mga tigre." Pa-cute na sabat nito.

"Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin." Sabi ko sabay walk out.

"Hoy Nerdy nakalimutan mo ata na tutor kita. " sabi nito sabay kunwaring nag tatampo.

"OKAY! OKAY!, kita tayo sa library pagkatapos ng classe" wika ko dito.

Kagigil eh bakit kasi kung may tu-tuturan na nga lang ako si Xander pa.

---------------

"Bess wait" pigil saakin ni Ashley. Siguro nag tataka siya kung bakit ako pinagtanggol ni Xander. Palabas na kasi ako para pumunta sa library tapos na ang klase namin.


"Beshie yung ginawa ni Xander kanina. Swear wala akong alam. At kung meron man alam kong inaasar lang ako nun. OK?  Kaya wag kang magagalit saakin OK?" Goshh parang defensive naman ata lalabas dito .

Ngumiti siya saakin na para bang it is just a simple misunderstanding.


"Bess naiintindihan kita. Don't worry hindi na ako mag iisip ng kung ano ano "sabi nito sabay ngiti ulit.

"Besshie, una na ako ah tuturuan ko pa kasi yung mahal mo para sa future niyo "sabi ko rito bilang bawi sabay ngiti. Sa totoo lang I feel the awkwardness sa pinaguusapan namin. Mahal niya yung lalaking yun eh mamaya mag misunderstanding siya ng sobra sobra.

Pagkarating ko sa library, wala pa siya..

Shit 12 minutes na siyang wala. Bwisit naman eh. Manunuod pa ako ng kdrama. Napalapag nalang ang ulo ko sa mesa dahil sa sobrang tagal niya. Angat ulo, lapag ulo, angat ulo, lapag ulo, angat ulo. Makapagdrawing nga muna.

Nagdrawing drawing muna ako ng kung ano ano bwisit malilintikan ka talaga saakin lalaki ka!! Papapugutan kita ng ulo kay Goblin, dahil ako ang goblin's bride...  Hahahahhahahaha. Makalapag muna ng ulo. Ang tagal niya eh pag nakarating na siya dito ishhh papatayin ko talaga siya.

Edited: 01-29-2020

That Game Started With A Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon