1.
"Naaadik ka na naman dyan sa pagbabasa mo! Halika dito, maghugas ka muna ng plato!" Sigaw ni Mama na halos pumutok na ang ugat sa leeg sa lakas ng sigaw.
"Sandali lang Ma! Isang chapter na lang po!" Sagot ko. Umayos ako ng upo sa sofa at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Hahahahaha!" Napahagalpak ako sa pagtawa nang may mabasang sobrang nakakatawang scene sa binabasa ko.
"Para kang eng-eng dyan. Natawa mag-isa pft." Biglang sumulpot si Kuya Clove na para bang baliw ang kaharap niya sa kanyang tingin saakin.
Nanliliit ang mga matang napatingin ako sa kanya. Napairap ako. 'Di ko na siya papatulan pa. Imbes na makipag-away sa kanya ay pinagpatuloy ko na lang ang pag-scroll sa story na binabasa ko.
Ganito naman lagi ang eksena. Si Mama na laging nag-uutos at si Kuya Clove na sinasabihan akong baliw at may sapak dahil tawa ako ng tawa kahit mag-isa lang ako.
Pero, sanay na ko sa gano'n. Reading is my happy pill. Wattpad is my happy pill.
Kapag nagbabasa ako ay nagiging masaya ako. Marami akong natututunan. Kahit na wala pa akong karanasan sa pag-ibig ay madami na akong alam tungkol dito. Kaya kapag may kaibigan akong heartbroken ay 'pak! May instant advice agad ako. Credits sa Wattpad kasi doon ko natutunan ang mga advice na ibinibigay ko.
Dahil din sa pagbabasa ay natututo akong mag-english. Oh ha, feeling ko tuloy ang tali-talino ko na dahil don. Credits uli kay Wattpad na nagpalawak ng bokabolaryo ko sa pag-eenglish. Kahit kasi magkandadugo-dugo ang ilong ko sa pagbabasa ng english story sa Wattpad ay itinutuloy ko pa rin. Gusto ko kasing matuto.
"Hoy Eurika! Ano na?! Akala ko ba isang chapter na lang?!" Napapitlag at halos mahulog na ako sa sofa sa sigaw ni Mama. Napabuntong-hininga ako. Kung kailan nga naman ang ganda na ng scene na binabasa ko oh.
Kumuha ako ng charger at ni-charge muna ang phone ko. Nagkakamot sa batok akong naglakad papunta sa kusina. Nakakabitin. Hinaharana na ni Axel si Pauleen sa binabasa kong scene e!
Si Axel at Pauleen ang bida sa istoryang binabasa ko. Kinikilig ako ng sobra sa kanilang tambalan at sa mga 'da moves' ni Axel kay Pauleen.
Nagmadali akong maghugas ng pinggan dahil sa pagkasabik kong ipagpatuloy ang pagbabasa. Walang pang limang minuto ay tapos na agad ako. Ang bilis-bilis ko nga, e. Pakiramdam ko nga ay dapat ng magretiro si 'The Flash' dahil mas mabilis pa 'kong kumilos sa kanya.
Pagkatapos kong maghugas ng kamay ay dali-dali akong nagtungo sa saksakan at hinugot ang cellphone kong naka-charge. Pinindot ko agad ang app na 'wattpad' at nagpunta sa story na binabasa ko.
Tumakbo ako papunta sa kwarto at tumalon sa kama. Nahiga ako doon at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Ayieeee!" Impit na tili ko nang mabasa ang isang scene. Yumakap ako sa unan sa kakiligan.
Ang swerte naman ni Pauleen! Hinaharana siya ng isang heartthrob na si Axel! Nagsisigaw pa ako ng ipit dahil sa kakiligan.
Wala ng pakialam si Mama at Kuya Clove kapag naririnig akong sumisigaw dahil ganito naman ako lagi. Alam na kasi nilang dahil lang iyon sa kaka-wattpad ko. Alam na nilang baliw ako kaso wala silang pamasahe papuntang mental hospital para ihatid ako kaya pinababayaan na lang nila akong magkaganito, joke.
Lumipas ang ilang oras at halos magkandahulog-hulog na ako sa kama sa kaka-gulong. Sobra akong kinikilig sa mga 'da moves' ni Axel! Gosh! Ang sweet-sweet niya!
"Hoy! Eurika! Matulog ka na anong oras na oh!" Salubong ni Mama pagkapasok ng kwarto.
Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko na mas malaki pa sa mata ng tarsier nang makitang ten-o'clock na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras sa pagbabasa ko.
Nagtungo ako sa banyo upang mag-shower at nagpalit ng damit. Matapos nito ay bumalik ako sa kama. Naabutan ko si Mama na nakaupo dito at nagtutupi ng damit. Naupo rin ako dito at inilagay ang phone sa bedside table. Nahiga na ako sa kama at pumikit.
Nang maramdaman kong lumabas na si Mama ng kwarto ko ay naisip ko si Axel. Grabe, napaka gentleman at sweet niya. Kahit sinong babae ay maiinlove sa kanya.
Maya-maya pa ay hindi ko natiis ang aking sarili at binuksan ko muli ang aking phone. Pinindot ko ang wattpad icon at nagpatuloy ako sa pagbabasa.
Pakiramdam ko ay nawala na naman ako sa reyalidad at napunta sa mundo nina Axel dahil sa kakabasa.
Hindi pa sinasagot ni Pauleen si Axel kaya todo ligaw ito sa kanya. Si Pauleen ay isang mahinhin, maganda, at isang matalinong babae.
Maraming nagkakagusto sa kanya at nanliligaw ngunit kahit isa ay wala siyang sinagot. Kapag may nanliligaw sa kanya na hindi niya gusto ay agad niya itong nire-reject. Dahil ayaw niyang may lalaking umasa at masaktan dahil sa kanya.
Hinahangaan ko si Pauleen dahil hindi lahat ng babae ay ganun. Ayaw niyang manakit ng puso ng mga manliligaw niya.
Si Axel naman ay isang gwapo, matalino at mayaman na lalaki. Maraming babae ang halos nahihimatay sa tuwing dumadaan siya. Sa sobrang daming nagkakagusto sa kanya ay dinudumog na siya sa kanilang eskuwelahan sa tuwing naglalakad siya. Kaya laging may mga guards na nakaalalay sa kanya.
Minsan nga ay may isang babae ang umakyat sa kanilang mansyon at pumuslit sa kwarto ni Axel. Habang natutulog si Axel ay hindi niya namalayan na may babae na palang nakapasok sa kanyang kwarto. Nang magising si Axel ay naabutan niya na lang ang babae na nakasuot ng wedding gown. Naka-make-up pa ito at nakaayos na tila ba araw na ng kanyang kasal.
"Axel, please. Pakasalan mo ko. Gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang."
Labis ang gulat ni Axel doon at hindi niya inasahan iyon. Hindi niya akalain na ganun kapatay na patay sa kanya ang mga humahanga sa kaniya.
Ngunit nagbago ang lahat nang magkagusto si Axel kay Pauleen. Nagustuhan niya ito sa taglay na kagandahan at kabaitan ng dalaga. Mula nang makilala niya si Pauleen ay sinusundo niya ito sa kanyang classroom araw-araw. Kilala naman na ni Pauleen si Axel dahil nga isa itong heartthrob sa kanilang eskuwelahan.
Marami ang naiinggit sa dalaga dahil siya ang babaeng nagustuhan ng heartthrob. Ngunit wala na silang magagawa dahil ang lalaking gusto nila ay may nililigawan na.
Isang araw ay abala si Pauleen sa pagaasikaso ng kanyang gawain. Nawalan na ito ng oras sa pagkain ng pananghalian dahil sa pagiging abala. Nakita iyon ni Axel kaya ito ay bumili ng pagkain at ipinadala ito kay Pauleen.
Napatili na naman ako sa sobrang kakiligan ng mabasa ang scene na iyon. Isinipa-sipa ko pa ang mga paa ko sa kakiligan.
Nang may maramdaman akong papasok sa kwarto ko. Agad akong umayos ng higa at ipinuslit ko ang cellphone sa ilalim ng unan. Agad akong pumikit at nagpanggap pa na humihilik.
Naramdaman kong bumukas ang pinto kaya mas ginalingan ko pa ang pag-arte kong natutulog.
"Ano ba naman 'yan. Napakalikot matulog ng batang ito. Siguro ay may napapaginipan kaya naglilikot sa kama. Ramdam sa baba ang kalikutan ng batang ito. Hay naku!" May narinig akong yabag ng mga paa palayo at sumara ang pinto.
Hindi ko maiwasang humalakhak sa sinabi ni Mama. Ako, nananaginip? Hahahahaha!
Ang galing ko talagang umarte. P'wedeng pwede na akong mag-artista sa telebisyon!
Kinuha ko muli ang cellphone sa ilalim ng unan at nagpatuloy sa pagbabasa. Ano bang magagawa ko? This is me and I can't stop reading. I am Lily Cruz and I am indestructible! Char. I am Eurika Cindy Lace Soliman and Wattpad is my life.

BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Teen Fiction"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...