Chapter 12

102 5 0
                                        

12.

"Ba't malungkot ka?" Tanong ni Gillian.

Napanguso ako at niyakap ang unan nang pagkahigpit-higpit. Hindi ko pa rin maiwasang madismaya dahil hindi ko pa rin siya makakausap nang personal ngayon. Hindi ko pa rin siya makikita ngayon sa school. Suspended pa rin kasi ang mga klase ngayon dahil sa malakas na ulan.

Balak sana namin kaninang umaga na uuwi muna kami sa bahay para maghanda papasok sa school. Ngunit nabalitaan naming wala pa ring pasok kaya napagpasyahan naming dito na lang muna kami sa bahay nina Leonard buong araw.

"Hindi ko siya makikita ngayon," malungkot kong sagot. Nakakapanghinayang na hindi ko makikita si Axel ngayon.

"Wag excited, magkikita pa rin naman kayo ni Boy Shy 'pag nagkaroon na tayo ng pasok," sambit niya.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Leo na may malaking ngiti sa mukha. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Naaalala ko ang narinig namin ni Gillian tungkol sa pinag-uusapan nina Leo at ni Tita Lovely.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binabanggit saamin ang tungkol doon. Hindi namin maiwasan makaramdam na hindi kami importante sa kanya. Na para bang hindi niya kami itinuturing na tunay na kaibigan dahil hindi niya kami pinagkakatiwalaan sa bagay na iyon.

Pero sa kabilang banda, naiisip ko ang sinabi ni Axel. That we just have to wait. Na darating rin ang araw na magsasabi siya saamin. Kailangan lang namin maghintay.

Pero kung aalis nga talaga siya, ano kaya ang dahilan? Bakit parang wala siyang balak na sabihin ito saamin?

Nagkasalubong ang tingin namin ni Gillian. Kita sa kanyang mga mata ang pagkailang kay Leonard.

"Maghanda na kayo, aalis tayo!" Masiglang sabi ni Leo.

"Ha?" Sabay naming sabi ni Gillian. Nagkatinginan kami at sabay na tumawa.

"Hakdog," dugtong ni Leonard. Nanliit ang mga mata namin ni Gillian sa kanya.

"Aalis tayo? Wala kaming dalang damit!" Singhal ni Gillian.

"Meron na ngayon. Kaya maghanda na kayo, isasama ko kayo sa birthday party ng pinsan ko." May inilabas siyang dalawang dress galing sa likod niya. Nakasampay pa ito sa hanger na kanyang hawak.

"Ayos lang ba?" Tanong ko kay Gillian. Isang malaking ngiti ang kumurba sa kanyang labi.

"Ang ganda! Bagay na bagay sa'yo!" Isang off-shoulder pink floral dress na hanggang tuhod ang suot ko ngayon.

"Halika, I'll put some makeup on you!" Hinila niya ako papunta sa harap ng salamin at sinimulan akong make-up-an.

"Done!" Dumilat ako at tumingin sa salamin. Nakita ko ang aking mukha dito. Light make-up lang ang inilagay ni Gillian sakin na talaga namang bumagay sa features ng mukha ko. Ni-curl niya ang buhok ko at inipitan. May dalawang hibla ang kanyang iniwan sa gilid ng mukha ko na bumagay saakin. Suot-suot ko din ang kwintas na bigay ni Boy Shy na bumagay rin sa aking damit.

"Wow naman! Ang gaganda!" Bungad ni Leo pagkapasok ng kwarto. Nakasuot ito ng longsleevers polo at naka-black pants.

"S'yempre! Ako pa! Palagi naman akong maganda 'no, LBM." Saad ni Gillian. Napailing naman si Leonard. Simula nang ibansag ko ang kanyang nickname na 'LBM' ay ito na rin ang tinatawag nina Gillian at Trojan sa kanya. Napapangiwi na lamang ito kapag tinatawag siyang gano'n.

"Hindi ikaw, si Eurika," natatawang sagot nito. Nawala ang ngiti ni Gillian. Umusok ang ilong niya at pinaulanan ng mga hampas si Leonard.

Si Gillian ay naka black dress na bumagay sa kanyang maputing balat. Light lang din ang kanyang make-up na bumagay sa kanya.

"Aray!" Daing ni Leo habang tumatakbo sa buong kwarto. Hinahabol siya ni Gillian nang may masasakit na paghampas. Inis na inis ito sa lalaki. Napangisi na lamang ako sa kanilang dalawa. Tsk, ayaw pa mag-aminan. Dinadaan lang sa asaran.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa si Trojan na nakaayos din. Nakasuot din ito ng polo na nakatupi ang manggas hanggang sa siko. Nakaayos din ang kanyang buhok na talaga namang bumagay sa kanya. He looks cooler with his outfit today.

Napalingon siya saakin. Malalalim ang kanyang mga mata. Napangiti ako sa kanya.

Napatigil sa paghahabulan sina Tom and Jerry --- este Gillian at Leonard nang pumasok si Tita Lovely sa kwarto.

"Tara na! Male-late na tayo sa party!" Utas ni Tita kaya sumunod na kami palabas.

Isang malaking hall ang bumungad saamin pagkadating namin sa venue. Sa entrance pa lang ay talaga namang mamamangha ka sa ganda nito. Pagkapasok pa lang ay may bubungad na 'Loisa @ 16' na nakalagay. Ito ang pangalan ng pinsan ni Leo na nakilala at nakasama na namin noon. Maraming bisita ang nagpapapicture sa sign na may kanyang pangalan.

Medyo marami-rami na ding tao ang nasa loob. May mga nagkukuwentuhan, nagtsitsismisan at nagtatawanan. May ilan namang mga rich kids na tatawa na lang ay kailangan maarte pa. Okay, ang bad ko. Haha.

Iginaya kami ni Leo papunta sa lamesa at naupo. Isang round table ang sakop naming pito. Katabi ko si Gillian. Sa tabi niya ay si Leonard at sunod si Tita Lovely at Tito Lucho. Sa aking kaliwa naman ay si Trojan. Pansin ko ang mga babaeng sumusulyap sa pwesto namin. Siguro ay masyadong naiinggit sa kagandahan ko---joke.

Sumusulyap sila sa katabi kong si Trojan na hindi man lang tinititigan pabalik ang mga babaeng talanders. Pansin ko din ang ibang babae na kay Leo naman sumusulyap. Ganun talaga 'pag may kasama kang mga g'wapo. Maraming titingin at maiinggit dahil hanggang tingin na lang sila. Okay, ang bad ko na naman haha.

Ilang saglit ang lumipas at nag-umpisa na ang event. May pa-grand entrance ang birthday celebrant. Nagpalakpakan ang mga tao nang pumasok siya. Para siyang prinsesa sa kanyang suot na pink ball gown. Naka-bun ang kanyang buhok na talaga namang bumagay sa kanya.

Napatingin si Loisa sa buong hall. Nang dumako ang tingin niya sa aming table ay napangiti siya. Ngumit rin kami pabalik. Naglakad na siya papunta sa unahan at naupo sa upuang nakalaan sa kanya. Isang 'yong single pink couch.

Sa malaking screen na nasa unahan ay may ipinalabas silang video. Video ito kung saan ipinapakita ang pictures ni Loisa simula pagkabata hanggang sa pictures niya ngayon.

Nang medyo nangalay ang leeg ko sa pagtingala doon, kinuha ko ang aking phone sa aking pouch. Binuksan ko ang aking Wattpad.

"Hahahahaha!" Nagtinginan ang mga tao saaking biglaang pagtawa dahil sa aking binabasa. Hindi ko na kasi napigilan ang aking tawa. Maging ang mga tao sa mga kalapit naming table ay nagtinginan saakin.

Gusto ko nang magpakain sa lupa sa nangyari. Kung makatingin sila ay parang ako na ang pinakabaliw na tao sa mundo. Unti-unti akong tumungo at pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang kahihiyan.

"Uhm, sorry for that," utas ni Trojan sa mga tao.

"Sorry po, hehe..." Nahihiyang sabi ni Gillian habang tinatapik ang likod ko.

Bumalik na sa kani-kanilang ginagawa ang mga tao at nawala ang kanilang tingin saakin.

Nag-umpisa nang magbigay ng pagkain ang mga waiter. Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa aking plato. Hiyang-hiya pa rin ako sa nagawa kong eksena kanina.

Bakit kasi dito ko pa naisipang magbasa? Hays.

Nagtatawanan sila Gillian at Tita Lovely habang sina Trojan, Leonard at Tito Lucho ay nagkukuwentuhan. Samantalang ako ay gustong magpahigop sa lupa at maglaho dito sa kahihiyan.

"Ikaw Eurika? May boyfriend ka na ba?" Bigla kong nabitawan ang kutsara't tinidor sa biglaang tanong ni Tita Lovely saakin. Unti-unti akong napatingin sa kanya. Pilit akong ngumiti.

"Mero-- wala po," sagot ko. Sasabihin ko sanang mayroon, kaso hindi pala siya nag-eexist sa mundong ito.

Pero 'wag kang mag-alala Axel Clinton Brixford, nag-iisa ka lang sa puso ko. Sambit ko sa aking isip.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon