15.
Kumunot ang noo ko habang nakatitig kay Papa. 'Eto lang ba ang pakay niya kaya siya bumalik dito? Ang manghingi ng pera?
Erase, erase. Masamang mag-isip ng ganyan, Eurika. Malay mo naman, kapos lang sa pera ang Papa mo kaya nanghihingi ng tulong. Humugot ako nang malalim na hininga at ibinuka ang bibig.
"Uh....may naipon naman po ko nitong mga nakaraang buwan. Teka lang, kukunin ko lang po," nakangiti kong sagot. Nagliwanag naman ang mukha niya nang marinig iyon.
Tumalikod ako at humakbang. Napatingin ako kay Mama na umiiling habang nakatingin saakin. Ipinagkibit balikat ko na lang ito at umakyat na sa k'warto.
Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang aking piggy bank. Binasag ko ito at may bumungad na limang daan dito. Niyugyog ko pa ito at binaliktad pero wala na itong ibang laman kun'di ang limang-daang piso kong nakuha. Napabuntong-hininga ako at bumaba.
"Pa, bayaran niyo na lang next month ah? Ipon ko 'yan galing sa baon ko eh," nagkakamot sa batok kong saad habang inaabot kay Papa ang pera. Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap nang pagkahigpit-higpit. Napangiti ako sa sayang nararamdaman. Na-miss ko din ang mga ganitong yakap galing kay Papa na matagal ko ring hindi naranasan.
Inaya ko si Papa na sumabay saaming kumain ng hapunan ngunit tumanggi siya at nag-presintang umalis na. Wala na kaming nagawa at hinayaan na lamang siya. Hinatid ko siya sa gate at umalis na. Pabalik na sana ako sa bahay nang bumungad si Mama na masama ang tingin saakin habang nakapamaywang.
"Bakit mo siya binigyan ng pera?" Galit nitong tanong.
"Baka po naubos na ang pera niya. Ayos lang iyon Ma. Ipon ko naman po 'yun, e," tugon ko.
Kinabukasan, wala nang anunsyo ng kanselasyon ng pasok sa lugar namin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang naghahanda sa pagpasok sa school. Hindi pa rin kasi kami nagcha-chat ni Axel.
Habang naglalakad sa grounds ng school ay palinga-linga ako sa paligid. Tinitingnan ko ang mga mukha ng bawat isang estudyanteng nakakasalubong ko, umaasang si Boy Shy ito.
Ngunit sumakit na ang leeg ko sa kakagalaw ng aking leeg ay wala pa rin akong nakitang Boy Shy kahit saan.
"Eurika!" Bati ni Leo nang magkasalubong kami sa field. Humugot ako nang malalim na hininga at ibinuga ito. Baka wala pa siya dito sa school. Baka late siya kaya hindi ko pa siya nakikita dito.
"Hoy! Yuhoo!" Iwinagayway ni Leo ang kanyang palad sa harap ko, pilit kinukuha ang aking atensyon. Tumingin ako sa kanya at ngumiti nang hilaw.
"Anong nangyari sa'yo?" Nagtataka niyang tanong.
"Wala...."
"Sus! Anong wala ka d'yan! Gusto mong masapok? Sabihin mo na kasi." At dahil sa walang sawa nyang pangungulit ay wala akong nagawa kun'di ang magkuwento. Umupo kami sa bench at kinuwento ko sa kanya ang lahat. Simula sa paghihinala ko na si Boy Shy ang ka-chat ko hanggang sa nangyari sa birthday party.
"Aray!" Angal ko nang makatanggap ng pitik sa noo galing kay Leo. Hinihimas ko ito habang tumitingin nang masama sa kanya.
"Paano kung hindi s'ya 'yon?" Napatigil ako nang marinig ang kanyang sinabi. Napabuntong-hininga ako. Aaminin ko, dumaan na rin iyon sa isip ko pero hindi ko sineryoso at inisip nang inisip.
"Pero paano kung s'ya nga? Hindi pa naman ako sigurado eh. Kaya nga lilinawin ko 'di ba? 'LBM'?" Tugon ko. Inis niya akong pinitik sa noo dahil sa tawag ko sa kanya.
Dumating na rin sina Gillian at si Trojan naman ay absent. Masama raw ang pakiramdam nito kaya hindi makakapasok. Sabay-sabay kaming tatlong pumasok sa classroom. Kasalukuyang nagdi-discuss ang teacher namin ngayon sa Values.
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Teen Fiction"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...
