Chapter 2

273 7 1
                                        

2.

"Eurika! Gising na! Male-late ka na sa klase mo!" Dinig kong sigaw ni Mama. Agad akong napadilat ng mga mata at napabangon.

Dali-dali akong nagtungo sa CR at ginawa ang dapat gawin. Naririnig ko pa ang mga sigaw ni Mama na bilisan ko daw kaya binasa ko na lang ang buhok ko at nagsabon ng ilang segundo. Hindi naman importanteng maging sobrang linis basta't hindi ka lang mag-amoy imburnal ay ayos na. Pagkatapos kong magbihis ay halos magkanda-dapa-dapa na ako sa pagbaba ng hagdan.

Pagbaba ko ng hagdan ay bumungad si Mama na nakapamaywang at masama ang tingin sa akin. Napatungo naman ako.

"Ano ka ba naman! Alam mong may pasok ka tapos ang bagal bagal mo kumilos! Dalian mo kumain ka na!" Sigaw niya. Napatingin ako sa lamesa. Hotdogs, scramble egg at fried rice ang nakahain dito. Dali-dali akong napaupo sa nakalaang upuan saakin at nagsimulang sumubo.

Halos hindi ko na nginunguya ang bawat subo sa pagmamadali. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Mama. Dinampot ko ang aking bag at nagtungo na agad ako sa labas. Lalabas na sana ako ng gate nang mapansing may kulang. Pakiramdam ko ay may nalimutan ako.

Napahinto ako saglit at pilit iniisip kung ano nga ba ang nakalimutan ko. Pinipiga ko na sa isip ang utak ko sa kakaisip kung ano nga ba talaga ang nalimutan ko. Ngunit naalala ko, wala nga pala akong utak na mapipiga-- joke.

"Hoy Eurika!" Agad akong napalingon sa likod ko nang marinig ang sigaw ni Mama. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak siyang palda sa kanyang kamay.

"Nalimutan mong isuot ang palda mo!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya at kinuha ang palda. Isinuot ko agad ito.

Kaya pala pakiramdam ko ay may nakalimutan ako. Dahil nakalimutan ko ngang isuot ang palda ko. Naka-short lang pala ako kanina nang lumabas ako ng bahay. Napakaengot. Sabi na nga ba't wala akong utak e. Bibili na lang ako mamaya.

Nang matapos ay dali-dali akong lumabas ng gate at nagtatakbo papunta sa labas ng subdivision namin. Nang makalabas ng subdivision ay tumayo ako nang tuwid at nag-antay ng paparahing tricycle o jeep papuntang school. Napatingin ako sa aking relos at nakitang limang minuto na lang at mag-uumpisa na ang aming unang klase.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Nang may makita akong dadaang tricycle ay agad kong inilahad ang aking kamay at pumara. Ngunit bumagsak ang balikat ko nang makitang puno na ito. May mga pasaherong nakasakay na sa tabi ng driver at sa sidecar. Maging sa bubong ng sidecar ay may mga pasaherong lalaki pa ang nakasakay. Napailing ako nang makitang wala na akong masisingitan pa dito.

Ilang tricycle pa ang dumaan pero bigo akong makasakay. Dahil punuan na ito at kahit sa bubong ng sidecar ay may nakasakay na. Iniisip ko nga kung kaya ko bang doon na lang ako sa gulong dahil wala na talaga akong masasakyan at ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang klase ko.

Nang may natanaw akong jeep na papalapit ay halos magtatalon at mag-tumbling na ako sa tuwa. Sa wakas! May masasakyan na 'ko.

Ipinara ko ito at huminto sa harap ko. Masayang nagmartsa ako papunta sa likod ng jeep at umakyat sa loob. Nanlumo ako nang makitang wala ng bakanteng puwesto.

"Sige pasok lang! Siyam-an 'yan! Makikiusod na lang po!" Sigaw ng driver at napairap ako sa sinabi niyang 'siyam-an yan' at kasya pa daw ako. Eh wala na ngang bakanteng pwesto?! Napakapit ako sa hawakan nang umandar ng pagkabilis-bilis ang jeep.

Nagkandabangga-bangga ako sa mga pasaherong nakaupo dahil sa mabilis na andar ng jeep. Mabuti na lang at madikit ang kapit ko sa hawakan kaya hanggang ngayon ay hindi pa ako tumatalsik.

"Miss, dito ka oh." Napalingon ako sa babae at dali-daling humakbang papunta sa direksyon niya. Umusod sila ng kaunti kaya nagkaroon ako ng katiting na puwesto. Aarte pa ba ako? Pagtyatyagaan ko na lang ang katiting na puwesto kaysa naman nakatuwad lang ako sa puwesto ko kanina.

Umupo ako sa bakanteng pwesto na inilaan saakin. Hindi ko alam kung upo pa ba ang tawag doon dahil halos dulo na lang ng pwet ko ang nakaupo. Isang tapik na lang ay malamang mapapatalsik ako sa aking puwesto. At hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Kailangang manatili at ipaglaban ko ang katiting kong pwesto!

Ang katabi ko kasing babae ay medyo may katabaan kaya nawawalan ako ng espasyo. Sa kanan ko naman ay isang bata na mukhang nasa tatlong taong gulang pa lang kaya hindi ako makasiksik.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipaggitgitan at makipag tulakan ng pwesto. Sa bawat andar at galaw ng jeep ay talaga namang malakas na puwersa ang inilalaan ko para hindi mahulog at dumulas sa kapiranggot kong inuupuan. Hindi ko hahayaang maagaw at mawala saakin ang katiting kong pwesto.

Nang biglaang huminto ang jeep. Naging bigo ako sa pakikipaglaban sa aking puwesto nang maging matagumpay ang aking katabi at napatalsik ako. Gusto ko na lang magpakain sa lupa nang mapatalsik ako halos mangudngod.

Nagtinginan saakin ang mga pasahero at ang iba pa ay nagpipigil pa ng tawa. Napatungo ako at pilit na kinain ang kahihiyan. Napatingin ako sa aking relos. Namilog ang mga mata ko nang makitang isang minuto na lang ay umpisa na ng aming klase!

Agad akong napatingin sa labas. Nasa tapat na pala kami ng school ko. Nagbayad ako at nagmamadali akong humakbang palabas ng jeep. Malalaki ang hakbang akong tumakbo papasok ng gate. Tumakbo na ako papunta sa building namin at umabot sa klase.

"Hay naku Eurika! Late ka na naman." Sambit ni Gillian. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Maswerte ka at umabot ka pa kanina." Sabi naman ni Leonard. Si Trojan naman ay as usual tahimik na kumakain.

"Late na kasi ako nagising eh." Sagot ko. Mabuti na lang talaga at umabot pa ako sa first class kanina. Malamang mapepektusan ako ni Mama kung sakali mang hindi ako nakapasok at umabot.

"Eh ikaw naman kasi, late ka na natutulog!" Sigaw ni Gillian. Nakaturo pa saakin ang tinidor niya.

"Grabe kaya yung pinagdaanan ko kanina kung alam niyo lang!" Utas ko sa kanila habang inaalala ang pakikipaglaban ko kanina sa jeep. Nagmadali akong sumubo at nang matapos sa pag-kain ay inilabas ko ang aking phone. Binuksan ko ito at nagsimulang magbasa.

"Ahihihihi!" Kinikilig na pagtawa ko. Habang nagbabasa ay pakiramdam ko ay may sariling mundo ako ngayon habang abala sa pag-kain ang mga kasama ko.

Umaariba na naman ang ka-sweet-an ni Axel sa aking binabasa kaya hindi ko maiwasang kiligin. Iniisip kong ako si Pauleen at ako ang nililigawa ni Axel kaya mas lalo akong kinilig.

"May quiz tayo sa AP mamaya 'di ba? Tara mag-review tayo!" Dinig kong sambit ni Gillian. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pag-scroll at pagbabasa. Sa sobrang kakiligan sa aking binabasa ay hinampas hampas ko ang aking katabi na si Gillian.

Dinig kong dumadaing si Gillian sa mga hampas ko pero hindi ko maiwasan. Masyadong nakakakilig itong si Axel kaya kahit fictional character lang siya ay talaga namang hindi niya kailanman binigong pakiligin ang mga readers na gaya ko.

Humahalakhak ako nang biglang may kumuha ng cellphone sa aking mga kamay. Nag-angat ako ng tingin at nakitang hawak-hawak ni Trojan ang cellphone ko. Ini-scroll niya pa ito pababa ng ilang beses!

Ano bang ginagawa niya?! Gusto niya rin bang magbasa? Bakit kailangang agawin pa saakin ang cellphone ko?

Umusok ang ilong ko at pilit inabot ang cellphone mula sa kanyang kamay. Nang bigla itong tumayo kaya tumayo rin ako. Dahil mas matangkad siya ay kahit anong pagtingyakad ko'y hindi ko ito maaabot. Nanlumo ako nang patayin niya ito at ibulsa.

"We have quiz later on our AP subject. You should review. You need to pass in order to get your phone back from me," maawtoridad na sambit ni Trojan. Wala akong nagawa kundi ang kumuha ng libro sa bag at mag-umpisang magbasa at mag-aral para sa quiz mamaya.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon