19.
Ilang araw ang nakalipas, naging tahimik at mailap si Gillian. Inaaya namin siya ni Trojan na lumabas at gumala after school ngunit ni minsan ay hindi siya sumama saamin. Simpleng tango at iling lang din ang kanyang isinasagot kapag kinakausap namin siya. Naging ganito siya simula noong araw na biglang nawala si Leo at umalis.
Kinabukasan, pansin namin ang pagbabalik ng masiyahing Gillian. Hindi man katulad ng dati na napakamasiyahin at mapang-asar, masaya kaming nakikita siyang bumabalik sa dati at sinusubukang maging normal muli.
Tinatanong ko nga siya kung nagbalik na ba si Leo kaya siya naging normal muli pero iling lamang ang kanyang isinasagot. Sinasabi niya lang na gusto niya lang si Leo noon. At hindi porket umalis ito ay tumigil na dapat ang mundo niya. Sinabi niyang patuloy ang buhay may umalis o manatili man sa iyong tabi. Life goes on.
"Eurika!" Napalingon ako sa likuran nang biglang may tumawag sa aking pangalan. Nakita ko si Gillian na tumatakbo papunta sa aking direksyon. Huminto siya sa aking harap at napahawak sa kanyang tuhod habang naghahabol ng hininga. Nandito na ako ngayon sa school at nakatambay sa field upang magpalipas oras habang hinihintay ang mga kasama ko.
Ilang segundo ang nakalipas sa kanyang paghahabol ng hininga at nagsalita siya.
"Anong nangyari?" Tanong niya nang maka-recover. Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.
"Saan?"
"Sa inyo! Anong nangyari noong lumabas kayo ni Boy Shy noon? Kayo na ba? Sorry ha, ngayon lang kita nakamusta." Namilog ang mga mata ko sa kanyang diretsahang tanong. Ngunit napalitan ito ng ngiti. Gillian is really back on her old self. Mabuti naman.
"Agad agad?! Grabe naman. Ang galing mo na ngang gumawa ng kwento tapos ang advance mo pang mag-isip," sambit ko at napangiwi.
"Eh kasi 'di ba, ganun 'yung mga nangyayari. Magiging close kayo sa chat at dun kayo magkakadevelop-an tapos magkikita kayo at magiging mag-boyfriend girlfriend. 'Di ba?"
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Nakakakilig nga kung ganoon.
"Omg! Wag mong sabihing....'di pa kayo nagkakaaminan?!" Pagkalakas lakas niyang sigaw at halos maputol na ang ugat sa leeg. Napatingin ang mga estudyanteng malapit saamin.
Napatungo ako sa kahihiyan. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa sa kahihiyan ngayon.
"Bakit kayo nakatingin? Kayo ba ang kausap ko?" Mataray na sabi ni Gillian. Nasapo ko na lang ang aking noo sa kahihiyang nadagdagan.
"Eh, ikaw? Hindi ka pa rin naman umaamin sa 'kanya' ah?" Nang-aasar kong tanong at nakita ko naman ang pagkawala ng kulay sa kanyang mukha. Ngunit agad itong napalitan ng isang malapad na ngiti.
"Susunod ako sa kanya. My Aunt asked me to attend their wedding. At dahil busy si Mom at Dad, ako na lang at papapuntahin nila sa Canada. Kaya pupuntahan ko siya do'n," masigla niyang sabi. Nalaglag ang panga ko. Susunod siya sa ibang bansa? Pupuntahan niya si Leo? Iyon ba ang dahilan ng pagiging masaya niya muli? Dahil magkikita uli sila ni Leo?
Sinabi niyang babyahe siya ilang araw mula ngayon. I'm happy for her. Magkikita at magkakausap na muli sila ni Leonard.
Nang mag-lunch break at dumiretso kaming tatlo sa cafeteria at kumain. Habang ako ay sumusubo, naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Ibinaba ko ang aking kutsara at kinuha ang aking phone. Binuksan ko ito at may nakitang notification mula sa Facebook.
Axel Clinton Brixford tagged you in a post.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Bumilis ang tibok ng aking puso. Ramdam ko ang malakas na pagkalabog nito. Ano kaya ito? Kahit kailan ay hindi pa niya ito ginawa kaya agad akong kinain ng kaba sa hindi malamang dahilan. Nangangatog ang mga daliri kong pinindot ang notification. Bumungad ang isang post na mas lalong ikinabilog ng aking mga mata. Sumandal ako sa upuan at binasa ang nasa post.

BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Fiksi Remaja"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...