Chapter 7

127 7 0
                                    

7.

"Uy! Nandito lang pala kayo!" Sumulpot sina Leonard at Trojan sa harap namin na pawang mga hinihingal.

"Kanina pa namin kayo hinahabol, ang bibilis niyo maglakad," inis na sambit ni Leonard.

"Ang bilis kasi maglakad ni Eurika eh. May hinahanap 'ata." Napatingin ang lahat saakin. Patuloy pa rin akong naghahanap sa paligid.

"What is it? Did you lose something?" Nakakunot ang noo na tanong ni Trojan. Napailing ako.

"Wala," malamig kong sagot.

"Tara na!" Masiglang banggit ni Gillian.

"Saan naman tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Leonard. Lahat kami ay nakatingin kay Gillian at nag-aabang ng sagot.

"Basta." Nagsimula na silang maglakad. Si Gillian at Leonard ang magkasabay na naglalakad. Kami naman ni Trojan ang nasa kanilang likod at sabay ring naglalakad.

"Are you okay?" Napalingon ako kay Trojan. Seryoso siyang nakatitig saakin. Ginawaran ko siya ng isang hilaw na ngiti.

"Ayos lang ako," sagot ko. Napatango siya.

Nakaramdam ako ng tuwa nang makitang sa bookstore ang punta namin. Nagmamadali akong pumasok at pumunta sa book section.

Tila ba nawala ang panghihinayang at inis ko nang makita ang napakadaming libro sa aking harap. Sobra sobra ang tuwang nararamdaman ko.

Gusto kong bilhin lahat pero wala akong pera. Nanikip ang dibdib ko sa panghihinayang.

Makakabili naman siguro ako kahit isa man lang? Kinapa ko sa loob ng aking pouch ang wallet ko. Nang wala akong makapa ay namilog ang aking mga mata.

Teka, nasan na 'yung wallet ko? 'Wag mong sabihing... naiwan ko sa bahay?! Nanlumo ako nang mapagtantong naiwan ko nga ito sa bahay. Kung kailan bibili at may pera, tsaka ko pa naiwan tsk tsk. Pagkauwi ay sasapukin ko talaga 'yang wallet na 'yan at hindi sumama saakin.

"Ano, bilhin na ba namin lahat 'yan?" Sumulpot sina Leonard sa aking tabi. Nagtatakang napatigin ako sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo?" Napalingon ako kay Gillian na nakapamaywang. Sumilay ang isang malaking ngiti mula sa aking labi.

Abot langit ang tuwa ko nang ilibre nila ako ng Wattpad books. Nawala na lahat ng tampo at inis ko sa kanilang ginawa. Ahihihi.

"Ayan lang pala ang katapat ng pagtatampo mo eh," utas ni Leonard nang nasa counter na kami. Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang librong kanina ko pa hinahanap. Ang storya ni Axel! Nag-iisa na lang ito kaya dali-dali akong humakbang.

Agad akong tumakbo papunta doon. Nakalahad na ang aking braso at sabik na akong kunin ito. Kukuhanin ko na sana ito nang biglang may babaeng sumulpot at kinuha 'to.

Bumagsak ang balikat ko. Nag-iisa na lang iyon at wala nang iba pang libro na nandito. Kung kailan mabibili ko na ay tsaka pa nawala. Napatungo ako. Nag-init ang sulok ng aking mga mata.

Nag-angat ako ng tingin nang may humawak sa balikat ko.

"What happened?" Nag-aalalang mata ni Trojan ang nasa harap ko. Napailing na lamang ako. Masyadong mabigat ang loob ko para magsalita pa.

"Oy Eurika, anong nangyari sa'yo? 'Eto na nga binilhan ka na namin ng books bakit nakasimangot ka pa rin d'yan? Parang naka-glue na ang kilay mo sa sobrang dikit oh," hinarap ko siya at binigyan ng isang mapait na ngiti.

Nang marinig kong tumunog ang aking phone.

Axel Brixford :

Hey! Please don't be sad. Pumapanget ka tuloy. Don't mind the bad vibes. Just smile :)

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon