Chapter 5

133 7 0
                                        

5.

Nang mag-ring ang bell ay dali-dali akong lumabas at nakipagsiksikan sa mga estudyanteng sabik makawala sa hawla este sa room. Agad akong nagtungo sa locker area at naglagay doon ng gamit.

Pagkatapos mag-locker ay handa na sana akong humarurot paalis nang biglang hilahin ko ni Gillian.

"Oy Eurika, mamimili tayo ngayon 'di ba? Sa'n ka pupunta?" Sambit nito. Bumagsak ang balikat ko. Sabik na sabik pa naman na akong makipag-chat muli kay Axel.

"Ah eh.. P'wede bang kayo na lang ang mamili? Promise, tutulong talaga ako sa paggawa ng project natin!" Inilahad ko pa ang kamay ko na parang nanunumpa.

May group project kasi kami sa T. L. E. subject. Next week pa naman ang pasahan nito kaso masyadong excited gumawa ng project ang mga kagrupo ko kaya gusto na agad mag-umpisa ngayon.

"Hindi p'wede! At ano? Maaadik ka na naman d'yan sa pakikipag-chat mo sa pekeng Axel na 'yan?" Sigaw niya at pakiramdam ko ay nabagsakan ako ng libo-libong malalaking bato sa kanyang sinabi.

"Hindi naman siya peke... Totoong tao rin siya..." Pagsagot ko. Totoo naman. Tao rin siya pero..ibang pangalan ang gamit niya.

"But he's using another person's name. Kaya peke pa rin ang identity niya." Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Nalugmok ang mukha ko. Bumigat ang pakiramdam ko.

"Tara na!" Hinila na niya ako palayo doon. Hinayaan ko lang siyang hilahin ako kung saan man kami magpunta. Wala akong namamalayan sa paligid at nakatulala lang habang hinihila niya ako. Ang mga paa ko lang ang kusang gumagalaw at naglalakad sa panghihila niya.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala namin sina Trojan at Leonard na kagrupo namin.

"Oh, anong nangyari d'yan? Sinaktan nung pekeng Axel? Oy Trojan! Pigilan mo ko at reresbakan ko 'yang pekeng Axel na 'yan!" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Leonard na nagpapanggap na pinipigilan siya ni Trojan sa pagsugod. Kahit siya lang naman ang pumipigil sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkontrol ng kamay ni Trojan.

"Psh." Hinila ni Trojan ang kanyang braso mula kay Leonard.

"Baliw ka talaga." Pairap na sabi ni Gillian. Hindi ko magawang mainis o matawa man lang sa kanyang ginawa. Umulit-ulit sa isip ko ang pagkakasabi niya sa 'pekeng Axel'. Pakiramdam ko ay tinutusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko.

Sabay-sabay kaming naglakad at lumabas ng school. Nagpunta kami sa isang malapit na mall. Nagtungo kami sa bookstore na nasa loob.

Walang gana akong naglakad at sumasabay sa kanila.

Lahat sila ay nagsasabi na itigil ko na ang pagkikipag-chat kay Axel dahil hindi ko naman kilala ang taong gumagamit ng kanyang pangalan. Alam kong nag-aaalala lang sila para saakin kaya nila iyon sinasabi. Pero pakiramdam ko ay parang hindi naman tama na husgahan nila ang taong iyon.

He's not doing anything wrong. Wala naman siyang ginagawa o ipinapakitang masama. Tinutulungan pa nga niya ako sa aking mga assignments lalo na sa Math.

Sa pag-iisip ko, hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng bookstore. May hawak ng cart sina Leonard at Trojan na handa ng mamili.

"So... Maghiwa-hiwalay muna tayo, guys. Kaming dalawa ni Leonard ang mamimili ng pang paint natin tapos kayo naman, Trojan at Eurika ang sa iba." Tumango kami sa sinabi ni Gillian. Nagsimula na silang humakbang palayo at namili.

Kami naman ni Trojan ay nakadikit pa rin ang paa sa kinatatayuan. Wala ni isang nagbalak gumalaw. Inilibot ko ang paningin sa buong bookstore.

Pakiramdam ko ay kuminang ang aking mga mata nang makita ang isang book section. Mula dito ay kitang-kita ko na ang mga babies ko. And those are... WATTPAD BOOKS!

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon