22.
Nang bigla kong marinig ang pag-ring ng aking telepono. Kinuha ko ito mula sa bulsa at sinagot. Nakita ko ang unti-unting paglayo ni Trojan hanggang sa hindi ko na siya matanaw.
"Hello?"
"Eurika!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Gillian.
"Gillian!!"
We talked and catched up with each other's happenings in life these past few days. Nakuwento niya rin saakin ang tungkol kay Leo. Masaya ito dahil sila ay nagkausap na. Kasalukuyan silang nasa Canada ngayon kung saan sumunod si Gillian dahil sa kasal ng kanyang Auntie.
Nabanggit niya rin saakin ang tungkol sa kanilang pagkakaaminan sa nararamdaman nila para sa isa't isa. I am happy for them.
I woke up with a light mood the next day. Nilibang ko na lamang ang aking sarili upang hindi na maalala pa ang hindi pagsipot ni Axel sa park at ang problema nina Mama at Papa.
Malaki ang pasasalamat ko dahil wala dito sa bahay ngayon si Papa. Naging tahimik at payapa na dito ngayon kahit papa'no.
Sa Wattpad lang may Axel Clinton Brixford.
Sa Wattpad lang may lalaking bad boy na nagbago dahil sa isang babae.
Sa Wattpad lang...
Nagsusulat ako ngayon sa aking notebook nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Kuya Clove. Nagulat ako nang makita ang kanyang hawak. Ito ang libro ng istorya ni Axel! The book that Trojan gave me! Bakit nasa kanya iyon?
"Kuya! Bakit nasa sa'yo 'yan?!" Singhal ko sa kanya. Halos napaatras naman siya sa biglaan kong pagsigaw. Kailan pa siya naging Wattpad Reader? Hindi naman ito mahilig sa mga ganito. Ayaw at nako-kornihan pa nga siya dito e. Tinatawanan at inaasar pa ako nitong baliw dahil sa pagtawa ko mag-isa sa pagbabasa.
"Nanghiram lang ako. Ang boring kasi kaya sinubukan ko 'tong basahin. Anyways, may iba ka pa bang libro? Pahiram naman at nang mabasa ko." Inilapag niya ang librong hawak niya sa desk ko.
Napakurap-kurap pa ako sa sinabi niya. Tama ba ako ng dinig? Si Kuya Clove ay nanghihiram ng Wattpad book saakin?
"Eto pala, ang dami. Pahiram ah?" Nakita nito ang isang box na may lamang Wattpad books. Ito ay ang padala ni Axel saakin. Kumuha siya ng isa rito at humakbang palabas ngunit napahinto ito.
"Oo nga pala, ang laking tulong ng bookmark do'n sa librong hiniram ko," wika nito at lalabas na sana nang tumama sa kanya ang lumilipad na notebook.
"Aray! Pasa saan 'yon?" Nagkakamot sa ulo nitong natamaan ng notebook nitong tanong.
"Para 'yan sa pagkuha ng chocalates dati sa ref! Akala mo nakalimutan ko na ha!" Magkasalubong ang kilay kong sigaw.
"Sorry na! Gutom kasi ako no'n at 'yon ang una kong nakuha!" Dali-dali itong tumakbo paalis sa takot na baka may lumilipad na namang bagay ang tumama sa kan'ya. Nang isara niya ang pinto ay napatingin ako sa librong ibinalik niya. Hindi ko pa ito nabubuksan simula nang ibigay ito ni Trojan saakin. Ang unang pahina lamang ang nakita ko dito noon na may pirma pa ng author. Tapos si Kuya Clove pa ang unang nagbukas at binasa pa ito.
Kinuha ko ito at binuksan. Hanggang sa may isang bagay akong napansin na nakalawit sa pagitan ng mga pahina. Gaya ng sinabi ni Kuya Clove, may isang bookmark nga ito. Hindi ko naman kasi ito napansin nang ibigay ni Trojan ang librong 'to. Tinanggal ko ito at kinuha. Napanganga ako nang makitang may nakasulat dito.
Hi, Wattpad Addict Girl.
Ito ang nakalagay sa bookmark. Napakurap-kurap pa ako kung totoo ba ang nakikita ko ngayon. Sinara ko ang libro at tiningnan ang title nito. Hindi ako nagkakamali, galing ang librong ito kay Trojan. Ibig sabihin, siya ang nagsulat ng nasa bookmark. His penmanship was like this. Walang duda na siya talaga. Pero..si Axel lang ang tumatawag saakin ng gano'n ah?
![](https://img.wattpad.com/cover/153220549-288-k70767.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Novela Juvenil"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...