11.
Isang malaki, maaliwalas at magandang bahay ang bumungad saamin. Nakita namin ang isang babaeng naglalakad papunta saamin na marahil ay ang Mama ni Leo. May pagkakahawig sila sa kanilang mga mukha.
Nakuha ni Leo ang tangos ng ilong, kurba ng labi, at ang mga malalalim na mata nang kanyang ina. Nakangiti itong sumalubong saamin.
"Oh, kayo ang mga kaklase ni Leo 'di ba?" Tanong niya.
"Uhm, hello po. Si Leo po?" Nahihiyang tanong ni Gillian nang makalapit na ito sa aming harap. Kumurba ang isang ngiti sa labi ng ina ni Leo. Bahagyang nawala ang kanyang mga mata.
"Nasa kwarto. Halika, sasamahan ko kayo!" Iginaya niya kami paakyat sa kanilang bahay.
Hindi ko maiwasanang mamangha sa kanilang bahay. Noon pa man ay alam ko nang may kaya ang pamilya nina Leo. Pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa kanilang maaliwalas at ganito kalaki at kagandang bahay. Ngayon lang kasi ako nakapunta dito. Pati na rin sina Gillian at Trojan.
Pagkaakyat namin, iniwan kami ng Mama ni Leo sa tapat ng kanyang kwarto. Napatingin ako kay Gillian na hindi mapakali at kanina pa humihinga ng malalim.
"Anong nangyari sa'yo? Ba't ayaw mo pang kumatok? Para kang ewan d'yan," nakangiti kong banggit. Nagsalubong ang kilay niya at masamang tumingin saakin.
"Bakit hindi na lang kaya ikaw ang kumatok?" Inis niyang tanong.
"Ikaw ang nag-aya dito, kaya dapat ikaw ang kumatok 'no!" Nang-aasar kong sabi habang tinutusok-tusok ang tagiliran niya.
"Trojan! Ikaw na lang ang kumatok!" Baling ni Gillian kay Trojan na kalmadong nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
"Tsk." Naglakad palayo si Trojan. Napatingin kami ni Gillian sa isa't isa. Pansin ko ang mas lalong pagkabalisa nito. Ganito ba talaga kapag kakatukin mo ang kwarto ng gusto mo?
"Kumatok ka na," sambit ko kay Gillian. Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa bibig na pinapatahimik ako. Lumapit siya sa pinto at idinikit ang kanyang tenga dito. Pinakikinggan niya ang ingay mula sa loob ng kwarto ni Leonard. Lumapit din ako at gumaya sa kanya.
Wala akong naririnig na kahit na anong ingay mula dito. Ngunit makalipas ang ilang saglit ay may narinig kaming kakaiba.
"Ugh!!" Dinig namin sa pinto. Napatingin kami ni Gillian sa isa't isa nang may nagtatakang mukha. A-ano 'yon?
Nang biglang bumukas ang pinto kaya napabagsak kami sa sahig. Agad-agad kaming tumayo. Nakita namin si Leo na nagtatakang nakatingin saamin habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Napatingin pa kami sa kanyang paligid para tingnan kung may kasama ba siya, ngunit bigo kami dahil siya lang mag-isa ang nasa kwarto.
Sabay kami ni Gillian na napatingin sa aming tabi na si Trojan. Siya ang salarin sa pagkakabukas ng pinto na hindi man lang namin napansing lumapit. Nakapamulsa ito at kalmadong nakatayo. Nakatanggap siya ng batok mula kay Gillian.
"Bakit mo biglang binuksan?!" Sigaw ni Gillian na umuusok na ang ilong sa galit.
"Sabi mo kanina, buksan ko. Sumunod lang ako sa sinabi mo," walang ganang tugon nito. Naglakad ito papasok sa kwarto ni Leo. Sinundan siya ng masamang tingin ni Gillian. Napahagikhik ako. Napalingon siya saakin nang may masamang tingin.
"Anong nakakatawa?" Nanliliit ang mga matang tanong niya.
"Wala lang. Napakamasunurin lang talaga ni Trojan," natatawa kong sagot. Sumunod na rin ako sa loob. Lumapit ako kay Leo na abalang-abala sa paglalaro.
"Hoy! Akala ko ba may sakit ka?" Tanong ko kay Leo. Halata ang irita sa kanyang mukha.
"Ah eh, meron nga. Kaya nga naglalaro na lang ako ito ng Helix Jump eh," tugon niya. Napatingin ako sa nilalaro niyang Helix Jump. Kaya pala ang ingay niya kanina eh.

BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Jugendliteratur"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...