Chapter 16

96 5 0
                                    

16.

"Anak, p'wede bang makahingi ng pera? Naubos na kasi 'yung binigay mo e..." Nagkakamot ang ulong sabi ni Papa.

"Sorry Pa, wala rin po akong pera ngayon e---"

"Here." Napatingin ako kay Trojan na naglalabas ng pera mula sa kanyang wallet. Nagliwanag ang mukha ni Papa nang makita ito.

"Wag na," pigil ko. Hinawakan ko ang kanyang brasong hawak ang pera. Napatingin siya saakin.

"It's okay," sambit niya ng walang pagaalinlangan.

Pagkauwi ko sa bahay ay bumungad saakin si Mama na nakaaban sa gate habang nakapamaywang. Magkasalubong din ang kanyang kilay sa inis.

"Binigyan mo na naman ng pera ang Papa mo?!" Pasigaw na tanong ni Mama.

"W-Wala po akong pera kaya nanghiram----"

"Sinabi ko naman sa'yong 'wag mo na siyang bibigyan ng pera 'di ba?!"

"Kawawa naman po siya. Baka wala po 'yung makain kaya nanghihingi ng pera--"

"Sa susunod na lumapit uli 'yun sa'yo at nanghingi, wag mo nang bibigyan! Nagkakaintindihan ba tayo?"

"O-opo." Napatungo ako at napakapit ng mahigpit sa strap ng aking bag.

Humakbang na si Mama at pumasok sa bahay. Ako naman ay naiwan sa labas at nanigas sa aking kinatatayuan.

"Makinig ka na lang kay Mama. It's for your sake." Napatingin ako kay Kuya Dwayne. Seryosong seryoso ang kanyang mukha.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto habang nagbabasa sa Wattpad, as usual. Habang nagbabasa ay biglang may nag-pop-up message sa screen ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita kung kanino ito galing.

Nakita ko ang pangalan ni Axel. Sa wakas! Pakiramdam ko kasi ay napakatagal na ng isang araw na hindi niya pagcha-chat saakin. Agad ko itong pinindot ang binasa ang message niya.

Axel :

You mad? I'm sorry for being gone yesterday.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Bakit naman kaya niya naisip na galit ako?

Eurika :

Huh? Bakit naman ako magagalit?

Nag-back read ako sa chat namin. Huli kaming nag-chat noong nag-send siya ng voice message at kinatulugan ko. Teka, dahil ba do'n? Dahil hindi na ako nakasagot sa kanya?

Axel :

O kaya, baka napapangitan ka sa boses ko.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa kanyang sinabi. Napahagikhik na lang ako habang umiiling.

Eurika :

Ang ganda kaya ng boses mo ^^

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi pagkatapos itong i-send. Kung alam mo lang kung gaano ako naadik sa boses mo na ginagawa kong pang ringtone at pampatulog sa gabi ang pagkanta mo.

Axel :

Really? Akala ko napapangitan ka talaga sa boses ko. Kasi sa tuwing nagse-send ako ng voice message sini-seen mo lang lagi. :(

Napahagikhik ako nang mabasa ang reply niya. Hindi ko akalain na 'yon ang iniisip niya. Kabaliktaran ng katotohanan.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin at hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Nakangiti lang ako buong oras habang ka-chat siya.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon