Chapter 17

88 4 0
                                    

17.

"Papasukin ng langaw 'yang bibig mo," natatawang sabi ni Trojan. Bigla kong nasara ang bibig kong kanina pa pala nakabukas nang hindi ko namamalayan.

Ano ba 'yan, ang aga-aga kahihiyan agad.

"Teka, bakit nandito ka na agad?" Nagtataka kong tanong. Sa mismong venue na kasi ang lugar na pagkikitaan namin kaya nakakapagtakang makita siya dito. Hindi ko naman sinabi sa kanilang pupuntahan ko si Gillian.

"The 'torpe' needs a back-up so I came," pinadausdos niya ang kanyang palad sa kanyang buhok. Pinigilan ko ang aking sariling ngumanga dahil baka nga magkatotoo ang sinabi niya kanina. Jusko, ba't ang hot?

Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan. Naupo ako sa sala at inabala ang sarili sa panonood ng mga drama sa telebisyon. Napangiwi ako sa naabutang palabas. Ano ba 'yan, nakakaumay na mga drama. Mas maganda pa cartoons dito, e. Nagpipindot ako sa remote at naghanap ng cartoons. Hanggang sa napunta ako sa isang channel na saktong ipinapalabas ang Dora.

Buti pa si Dora, nakakagala kahit saan. Tsk tsk, malamang, explorer nga e! Napailing ako sa sariling naiisip.

"Nakikita niyo ba si Swiper?" Tanong ni Dora. Anak ka ng nanay mo naman oh! Ano ba 'yan Dora! Nasa tabi mo lang siya! Tutuklawin ka na ni Swiper hindi mo pa rin makita at pinapahanap mo pa saamin?!

"Ayan na Dora oh! Hindi mo pa nakikita?! Tapos iiyak-iyak ka kapag nakuha niya 'yung backpack mo?!" Napasigaw ako nang wala sa sarili. Binato sa kung saan ang unan na una kong nadampot sa inis. Nakakainis!

Kung noong bata ako ay tuwang-tuwa ako sa Dora na ito, ngayon ay inis na inis na ko.

"Chill. Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo. Hahahaha." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Trojan. Unti-unti kong iniikot ang aking ulo at tumingin sa kanya. Nakaupo siya sa upuan ng dining area at nakapatong ang kanyang siko sa mesa. Nakangisi siya habang nakalagay ang kamay sa kanyang baba. Darn! Ang sarap magpahigop sa lupa. Nakakahiya!

Backpack, backpack!
Backpack, backpack!
On the backpack loaded up with things and knickknack's too
Anything that you might need I got inside for you
Backpack, backpack!
Backpack, backpack!
Yeah 🎶

Napalingon ako bigla sa TV nang marinig na kumakanta si Backpack. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa aking labi nang may maalala sa kantang iyon.

Ang pagkanta ni Axel. Ang unang beses ko siyang narinig na kumanta. Ang unang beses kong narinig ang pagtawa niya. Ang unang beses na mahimbing akong nakatulog dahil sa malamig at mala-lullaby niyang boses.

I wonder if I can hear him singing this song in person?

Matapos ang napakahabang paghihintay sa napakabagal na kumilos na si Gillian, nagtungo na kami sa venue ng gaganaping booksigning.

Pagkadating sa venue, maraming tao ang bumungad saamin. Kita ang saya at ang pagkasabik sa kanilang mga mukha sa paghihintay sa inaabangang author. Dito ko napagtanto na marami kaming nagmamahal kay Axel kahit isa lang siyang fictional character. Love is blind sabi nga nila. Kaya kahit hindi ko siya nakikita at hindi talaga siya nag-eexist, I still love him.

"Hay...nakakaantok naman," tamad na saad ni Leo habang humihikab. Nag-uunat pa ang mokong.

"Hoy! Para kang ewan dyan. Pinagtitinginan ka na oh," sabi naman ni Gillian at pilit ibinababa ang nakataas na mga braso ni Leo dahil sa pag-uunat.

"Ang g'wapo ko daw kasi. Alam mo sanggol, masanay ka na. Dahil 'pag ako ang kasama mo, marami talagang magtitinginan. Kaso, mukhang habang buhay mangyayari 'yun." Napangiti ako nang ma-gets ang kanyang banat kay Gillian.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon