6.
"Huy, Eurika...sorry na. Concern lang namin kami sa'yo eh. Gusto lang namin masigurado na hindi ka mapapahamak sa kung sino man ang taong 'yun. Sorry na..." Utas ni Gillian na tumabi saakin sa sofa. Umusod ako para magkaroon kami ng distanya ngunit umusod pa rin siya at dumikit saakin.
Si Trojan naman ay nakatingin saamin habang nakasandal sa pader at nakalagay ang mga kamay sa bulsa.
"Sorry..." Lumuhod pa si Leonard sa harap ko at halos halikan na ang sahig. Isang tulak na lang ay malamang magkakaroon na siya ng first kiss.
Natatawa man sa pinaggagawa nila ay pinipigilan ko ang sariling tumawa. Kinakagat ko ang aking labi upang mapigil ang paghalakhak.
Dito ako sa sala nagtungo pagkatapos kong mag-walk out. Nung una nga ay hindi ko alam kung saan ako magtutungo. Kung sa CR, kaso di ko kaya don dahil mahina ang wifi, kung sa kulungan ba ng aso namin kaso naisip kong hindi kami kasya doon, kung sa swimming pool area ba kaso naalala kong wala pala kaming swimming pool, kaya wala akong choice kundi ang magtungo na lang sa sala dahil wala akong mapiling ibang lugar.
Mabigat pa rin ang loob ko sa kanilang ginawa. Kahit sabihin nilang concerned lang sila, hindi pa rin iyon sapat para gawin nila 'yon. Hindi pa rin dapat sila nagbabasa ng conversation ng iba at mas lalong mag-send ng message.
Walang ekspresyon ang mukha akong tumayo ako at bumalik sa kwarto. Nadinig ko pa ang pagtawag nila saakin ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Humiga ako sa kama at ibinalot ang buong katawan sa kumot.
Nadinig ko pa ang mga yabag ng kanilang paa na sumunod. Pumikit ako nagpanggap na tulog. Narinig ko ang pagpasok nila sa kwarto at lumapit saakin. Tinanggal nila ang kumot sa aking mukha. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte ng natutulog.
Dinig ko ang pagbuntong-hininga nila nang makitang tulog na ako.
Maya-maya pa ay dinig kong napagpasyahan nilang matulog na. Narinig kong dito na lang din sa kwarto matutulog sina Leonard at Trojan dahil may bisita daw si Kuya Dwayne at doon sa guest room matutulog. Ramdam ko ang paggalaw ng kama hudyat na nasa tabi ko na si Gillian.
Ilang sandali pa ay may naririnig na akong mga malalakas na hilik. Sinubukan kong matulog at magpalamon sa dream world pero hindi ko magawa dahil sa ingay ng hilik ni Leonard. Napakalakas ng hilik niya na para bang may baboy kaming kasama dito.
Nagta-tumbling na ako sa aking isip ngunit ayaw pa din akong tamaan ng antok. Nakakainis itong antok na 'to ayaw pa akong dapuan, sasapukin ko 'to ng isang daang beses kapag nakita ko siya.
Gumulong-gulong na ako sa kama pero hindi pa rin ako inaantok. Mabuti na lang at hindi nagigising si Gillian sa paglilikot ko.
Sumilip ako sa kumot na mata lang ang nakalabas. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita si Leonard na nakanga-nga at mukhang aso na nakatihaya sa posisyon sa sahig. Nakataas pa ng bahagya ang damit at tumutulo na ang laway. Nahulog ang mokong sa kutson na hinigaan. Natawa ako ng mahina.
Si Trojan naman ay nakatagilid na natutulog. Mas g'wapo siyang tingnan kapag tulog. He looks so peaceful. Kapag gising kasi siya at palagi lang itong walang ekspresyon at malalamig ang mga mata.
Si Gillian naman sa aking tabi ay maayos at mapayapang natutulog.
Unti-unti akong lumapit sa bedside table at hinablot ang aking cellphone na nandoon. Doon inilagay ni Gillian ang mga cellphone namin.
Nagtago ako muli sa kumot at nagbasa sa phone. Humahagikhik ako ng pigil kapag kinikilig at natatawa ng pigil sa aking binabasa. Grabe 'tong si Axel magpatawa at magpakilig!
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Teen Fiction"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...
