18.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay na-stroke ako nang marinig ang sinabi niya. Napakalakas ng pintig ng puso ko. Dinig na dinig at ramdam na ramdam ito ng buo kong katawan.
Paanong..paano niya n-nalaman ang number ko? Siya ba talaga ang kausap ko ngayon?
"A-Axel? I-Ikaw b-ba 'yan?" Nauutal kong tanong. Dinig ko ang mabibigat niyang paghinga sa kabilang linya.
"What if...you're guess was right?" Nakumpirma ko ito sa pamilyar niyang boses. Katulad na katulad ito ng sa ni-send niyang voice message na kumakanta siya. Siguradong-sigurado akong siya ito. Alam at tandang-tanda ko ang tinig ng kanyang boses na halos hindi mawala sa isip ko ang kanyang pagkanta.
Hindi ako makapaniwalang sa mga oras na ito ay nakakausap ko na siya. Nagkakausap na kami sa pamamagitan ng aming mga boses at hindi sa pamamagitan ng pagta-type ng mensahe lamang.
"So...where are you?"
"Nasa booksigning ako ngayon.. Ikaw?"
"Eurika! Tara na! Kailangan ka na dun!" Sigaw ni Gillian na nakatingin saakin ilang metro ang layo.
"You'll know later. So uhh.. I guess it's a goodbye for now?"
"Teka paano mo nga pala nalaman ang number-----"
"You'll know soon. Bye." Magsasalita pa sana ako nang ibaba niya ang linya. Napabuntong hininga ako at tumakbo papunta kay Gillian.
"Sino 'yong kausap mo?"
"S-Si..."
"Sino??"
"Si Axel..." Napahinto si Gillian at nanlalaki ang mga matang napatingin saakin. Nalaglag ang kanyang panga at tila nanigas sa kanyang posisyon.
"A-Ano?"
"Si Axel," pag-uulit ko.
"Ano?! Nabubuhay na pala ngayon ang mga fictional characters-----" Nabatukan ko nang wala sa oras si Gillian sa kanyang sinabi. Akala ko ay hindi siya makapaniwalang nakausap ko si Axel, ayun pala ay iba ang iniisip. Napailing ako.
"Bahala ka nga d'yan." Nauna ako sa paglalakad at iniwan siya.
"Teka! Seryoso? Si Axel?! Si Boy Shy?!" Namimilog ang mga mata niyang tanong.
"Oo nga." Maglalakad na sana ako nang bigla niya akong higitin sa aking braso.
"What the?! Seryoso?!"
"Oo nga." Maging ako ay hindi rin makapaniwala na siya ang tumawag saakin. At ang mas nakakapagtaka pa ay kung paano niya nakuha ang number ko.
"Teka, binigay mo ba ang number ko sa kanya?" Tanong ko. Agad naman siyang napailing.
"Bakit ko naman ibibigay? Eh hindi ko pa nga uli 'yon nakikita simula nung nilapitan ka non sa school!" Pagtanggi niya. Unti-unti naman akong tumango. Kung gano'n paano niya nalaman ang numero ko?
"Hoy! Tara na!" Sambit nito. Sumunod na kami sa kanya. Sa dami ng tanong sa isip ko, hindi ko na namalayan na nakaupo na pala kami sa aming upuan kanina. Tapos na rin akong magpapirma ng iba kong libro bukod sa binigay ni Trojan saakin na may pirma na, nakakuha din ako ng litrato kasama ang author.
"Eurika!" Dinig kong sigaw ni Gillian. Halos mapatalon ako sa gulat.
"Bakit?" Tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya. Nanatili ang aking mga mata sa screen ng aking cellphone. Kanina pa ako nakatitig dito at naghihintay ng pagtawag mula kay Axel. Naisipan kong ako na lang ang tatawag. Pipindutin ko na sana ito nang biglang nagsalita si Gillian.

BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Novela Juvenil"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...