Chapter 20

101 4 0
                                        

"Eurika!!" Dinig kong tawag ni Papa ngunit hindi ko ito pinansin at mas binilisan na lamang ang aking pagtakbo. Para doon ba ang perang hinihingi niya saamin? Pang-inom ng alak at para magpasikat sa mga babae niya?

Tumakbo lang ako nang tumakbo hangga't kaya ng mga paa ko.

Nang mapagod ay naupo muna ako sa gilid ng kalsada. Nakatulala lang ako at hindi malaman ang gagawin. Naging blangko ang aking isip at nanatiling nakatulala. Nang biglang may narinig akong pagbusina sa harap ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Dawn na nakatungo saakin. Nakasuot siya ng mint green crop-top na may design na pulang bulaklak sa gitna at naka black pants. Nakasuot rin siya ng sneakers at naka-cap. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano dahil nasa harap ko siya ngayon. Ang pinakaiinisan ko sa mga babaeng talanders. Anong ginagawa niya dito?

"What are you doing?" Maarte nitong tanong. Katulad na katulad ng mga kontrabidang napapanood ko sa mga telebisyon.

"Hindi mo ba nakikita o nagbubulag-bulagan ka lang? Nakaupo ako oh. Dito. Sa gilid ng kalsada. Eh ikaw? Bakit ka nandito? Hindi ko kasama si Trojan kaya umalis ka na," iritado kong tugon.

"Tsk, napakaarte naman nito. Nagmamalasakit na nga yung tao e," umiiling niyang banggit.

"Ay, tao ka ba? Akala ko kasi linta ka eh. Wagas ka kasi kung makadikit kay Trojan," natatawa kong sabi. Tumawa ako nang peke para inisin siya. Kapansin-pansin naman ang pagsasalubong ng kanyang kilay. Bahagyang kumuyom din ang kamao niya sa inis.

Huminga siya nang malalim at pansin kong unti-unting nawala ang pagsasalubong ng kanyang kilay at ngumiti.

"Why? Are you jealous?" Napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo. Napahalakhak siya at nagsalita.

"Oh yeah, you are. Don't worry, 'di ko naman siya aagawin sa'yo," dugtong niya.

"Hindi naman siya sa'kin. Sa'yo na siya kung gusto mo. Magkaibigan lang kami," wika ko at umiwas ng tingin.

"You think so? How about his feelings? Natanong mo na ba siya?" Gulat akong napalingon sa kanya. Nakangiti siya ngayon at ibang-iba sa Dawn na nakataas ang kilay at masungit na kinaiinisan ko noon. Anong ibig niyang sabihin?

"Well, I guess you didn't. Sana ay matanong at magkausap kayo bago pa mahuli ang lahat." Tumayo siya at naglakad papunta sa kanyang kotse. Binuksan niya ang pinto no'n at hinarap ako bago siya pumasok.

"Oh and by the way, thank me later for my kindness. Bye," utas niya at pumasok na sa loob. Bumusina muna siya bago pinaharurot ang kotse. Iniwan niya akong nakatulala at naguguluhan sa kanyang sinabi.

Thank her for her kindness? Trojan's feelings? Bago pa mahuli ang lahat? Anong ibig sabihin no'n?

Ugh! Bakit ba hindi na lang niya sinabi nang direkta ang gusto niyang iparating! Hindi 'yung may pagano'n-gano'n pa at pag-iisipin ako. Alam naman niyang kailangan ko pa uling bumili ng utak---joke. Nagpalipas pa ako ng ilang saglit bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na kayang isipin at alamin pa ang ibig sabihin ng sinabi ni Dawn. Masyado ng manhid ang puso at isip ko sa mga nangyari sa araw na 'to. I need a break.

Papasok pa lang ako ng bahay nang may marinig akong kalampagan ng mga gamit at sigawan mula sa loob. Nagtaka ako dito at dali-daling pumasok. Nang makita ang nangyayari ay napatigil ako pinto at nanigas sa aking kinatatayuan. Nadatnan ko sina Mama at Papa na magkaharap at nagsisigawan. Magulo na rin ang buong bahay at kung saan-saan na nakalagay ang aming mga gamit. Mistulang dinaanan ng bagyo ang lugar.

Galit na galit si Mama habang si Papa naman ay mukhang lasing dahil sa pakurap-kurap niyang mata at pagewang-gewang na galaw.

"Umalis ka na! 'Wag ka nang babalik dito kung pera lang naman ang habol mo! Hindi ka namin kailangan dito!" Sigaw ni Mama habang dinuduro si Papa.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon