Chapter 23

124 6 0
                                        

Mag-isa akong naglalakad papunta sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mawala si Trojan.

Niyakap ko ang aking sarili nang umuhip ang malakas na hangin. Lumubog na ang araw at malapit na itong maghari sa kalangitan. Bumukas na rin ang iilang mga poste sa paligid upang magbigay liwanag.

"Ate." Napatungo ako nang may marinig na boses sa bandang ibaba. Nakita ko ang isang pamilyar na batang lalaki. Ngumiti ito at lumitaw ang kanyang malalalim na dimples. Tumitig lang ako sa kanya at hinintay itong magsalita.

"Nasaan na po si Kuya? Boyfriend niyo na po siya?" Tanong nito nang nakakunot ang noo. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha ko. Tila ba namanhid na ang emosyon ko sa labis na kalungkutan. Pagod na rin ang mga mata ko sa ilang beses na pag-iyak kaya wala ng tumulong luha mula dito.

"Sasamahan na lang po kita, Ate." Namilog ang mga mata ko nang hawakan niya ang aking kamay. Nagsimula siyang humakbang kaya wala akong nagawa kun'di ang magpahila na lamang sa kanya.

"Gusto niyo po bang kumain? Tara po." Isang tango na lamang ang iginawad ko sa kanya. Hinila niya ako papunta sa kung saan.

Hanggang sa mapadpad kami sa isang pamilyar na karinderya. Napahinto ako nang makarating sa tapat nito. I felt my tears started falling from my eyes again. Bumabalik saakin ang mga sariwang alaalang naiwan niya. 'Yung lomi....'yung promo...

"Tara na ate, umupo na tayo," paghila saakin ng bata kaya wala na akong nagawa kun'di ang umupo na lang sa kanyang tabi. May iilang tao rin ang kumakain. Nang bigla kaming harapin ng isang pamilyar na matandang lalaki.

"Oh ikaw pala uli iyan hija. Teka, nasaan na nga pala 'yung boyfriend mo?" Nagtataka niyang tanong habang lumilingon sa paligid, umaasang makikita ang isang lalaki. Ni hindi ko alam kung kaya ko na bang banggitin ang pangalan niya. Sariwa pa rin saakin ang lahat. Ang mga nangyari sa ospital bago siya m-mawala... His hug. His gentle kiss. Maging ang paraan ng pagtawag niya saakin ng 'Wattpad Addict Girl'...naririnig ko pa rin saaking isip ang kanyang boses habang sinasabi ito.

Lumandas muli ang luha sa aking pisngi. Bumigat ang bawat paghinga ko. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko sa sakit.

Nang may maramdaman akong kamay na pumapahid sa aking mga luha. It was the little boy.

"Ate, pinabibigay po pala 'to ni Kuya."

"A---Ano 'to?" Ngayon lang ako nagkalakas-loob na magsalita. Nakakunot ang noo akong tumingin sa kanya. Hawak niya ang isang libro. Isa itong Wattpad book.

"Hindi niya po sinabi. Basta ang sabi niya sa'kin noon, "Ibigay mo 'to sa kanya kapag malungkot siya."

Nagpaalam ako sa batang lalaking ang pangalan ay Dexter. Kinuha ko ang kanyang ibinigay at umalis na. Maraming alaala ang nasa karinderyang iyon na hindi ko alam kung kakayanin ko na bang alalalahanin. Pakiramdam ko ay maiiyak lang ako nang sobra do'n kaya napagpasyahan ko na umalis na lamang.

Habang wala sa sarili akong naglalakad pauwi ay hindi ko namalayang nakabunggo ako ng tao. Agad akong tumungo at tumulong sa pagkuha ng nalaglag niyang gamit. Iniabot ko ito sa kanya at nagulat ako nang makita kung sino ito.

"Leo," pagbati ko. Kita rin ang gulat sa kanyang mga mata nang makita ako. Tila nanigas rin ito.

Dahan-dahan kong iniabot sa kanya ang mga nahulog na paperbags. Akmang hahakbang ako nang bigla niyang hinawakan ang aking braso dahilan ng aking paghinto.

Nitong nakaraang mga araw ay umiiwas ako sa mga taong malalapit saakin. Gusto ko muna kasing mapag-isa. Pakiramdam ko kasi ay magiging sagabal at pabigat lang ako sa kanila. Lalo na ngayon na maraming masasakit na nangyari saakin.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon