3.
"Hahahahaha!" Humahalakhak ako sa tawa habang nagbabasa at naglalakad. Mukha man akong eng-eng dahil tumatawa ako mag-isa ay wala akong pakialam. Kanya-kanyang trip lang 'yan.
"Oy Eurika. Nandito na tayo sa tapat ng bahay niyo oh." Dinig kong sabi ni Gillian. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nasa tapat na nga kami ng bahay ko.
"Sige, ba-bye guys!" Hahakbang na sana ako paalis nang biglang may humawak ng braso ko. Napatingin ako kay Trojan na masamang nakatingin saakin.
"Ang ulyanin mo talaga! Gagawa tayo ng group project ngayon kaya dito na din muna kami. Sinabi na samin yun sa'yo kanina ah? Ulyanin!" Sigaw ni Gillian. Napakamot ako sa aking batok. Oo nga pala. Nalimutan ko. Pati ang pagbili ng utak ay nalimutan ko rin. Hays.
Sabay-sabay kaming nagtungo papasok. Pinapasok ko na sila sa aming gate at nagtungo sa pinto. Habang papasok ay wala pa rin akong tigil sa pag-scroll at pagbabasa. Hindi ko namalayan na babangga na pala ako sa pinto kung hindi ako nahila ni Trojan.
Pagkapasok sa loob ng bahay ay inilapag nila ang kanilang mga bag sa lamesa at naupo sa aming couch. Ako naman ay pokus pa rin sa pagbabasa habang nakaupo sa kanilang tabi.
"Eurika, 'asan ang CR niyo dito?" Dinig kong tanong ni Leonard. Hindi ako nag-angat ng tingin sa ka-busy-han at itinuro na lamang gamit ang daliri ang papunta sa CR.
Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa habang ang mga kasama ko ay may kanya-kanyang ginagawa. Si Gillian na nag-aayos ng gagamitin naming materials at si Trojan na binuksan ang tv at nagpipindot sa remote upang maghanap ng aming mapapanood. Maya-maya pa ay bumalik si Leonard at hinarap ako.
"Oy Eurika! Hindi naman CR 'yung tinuro mo eh!" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Leonard na nakanguso at mukhang nalugi ang mukha.
"Bakit?" Tanong ko. Sa itsura niya ay para siyang nalugi ng isang bilyon.
"Kwarto ng kapatid mo ang napuntahan ko! Nabuksan ko ang kanyang kwarto habang nagbibihis siya! Napagkamalan pa kong manyak na gustong manilip sa kanya! Tsk!" Inis na saad ni Leo habang ginugulo ang buhok at padabog na naupo sa katabi naming single couch. Dinig ko naman ang paghagikhik ni Gillian sa tabi ko.
"Hala, sorry na. Masyado kasi akong busy sa pagwa-wattpad kaya hindi ko namalayan na sa ibang direksyon na pala kita napapunta. Sa sobrang ka-busy-han ko kanina ay hindi ko napansin na naturo ko kanina ang direksyon sa kanan, kung nasaan ang kwarto ni Kuya Clove imbes na sa kaliwa dapat kung nasaan ang CR. Hays, hindi ko na talaga kakalimutan bumili ng utak sa susunod. Napailing-iling ako. Nagsimula na kaming gawin ang aming project. Lahat kami ay nagtulong-tulong dito.
"Eurika, nasaan ang mga oil pastel mo?" Tanong ni Gillian.
"Nasa kwarto. Tara, kuhanin natin," sambit ko at tumayo. Sumunod si Gillian paakyat sa aking kwarto.
Pagkabukas ng pinto ay napansin ko ang malikot na mata ni Gillian na tumitingin sa bawat sulok ng kwarto ko.
"Ano ba naman 'yan. Puro Axel Brixford ang laman ng kwarto mo! Hindi naman halatang adik ka sa kanya 'no?" Pilosopong sabi ni Gillian. Sa pader kasi ng kwarto ko ay puno ng pangalan ni Axel. May nakadikit na calligraphy ko ng pangalan niya sa taas ng headboard ng kama, may handlettering ko nakalagay sa pinto, merong visual art ng mukha niya sa ceiling at mayroon ring nakadikit sa cabinet ko.
Kapag kasi tinatamad ako bumangon at pumasok sa school, makita ko lang ang pangalan niya ay ginaganahan na ako. Inspirasyon ko siya sa pagbangon sa umaga kahit antok na antok pa 'ko para pumasok sa school.
Napahalakhak na lang ako at nagtungo sa aking desk at binuksan ang drawer. Kinuha ko doon ang box ng oil pastel at ambang lalabas na ng pinto nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bedside table. Nagtungo ako dito at tamad kong in-on para tingnan ang nag-message.
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Jugendliteratur"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...