Chapter 8

120 5 0
                                    

8.

"Bakit? Bakit ba kailangang dumating ka sa buhay ko at lituhin ako? Bakit kailangang magkakilala pa tayo? Bakit...bakit kailangang mahalin mo 'ko?!" Lumuluhang sigaw ni Pauleen habang hinahampas ang dibdib ni Axel.

Napamahal na rin si Pauleen kay Axel. Nahulog siya sa lalaki sa panliligaw na ginagawa nito. Ang kanyang paghahatid-sundo sa dalaga sa bawat klase nito, pagdedeliver ng pagkain kapag abala sa pag-aaral ang dalaga at nakakaligtaan ng kumain, ang pagpapahiram ng lalaki ng jacket sa kanya kapag ito'y nilalamig at maraming pang iba na nakapagpahulog ng dalaga sa binata. Ginawa ni Axel ang lahat para lang maipakita ang pagmamahal niya kay Pauleen.

Hinagip ni Axel ang mga kamay ni Pauleen. Nagpupumilit itong magpumiglas ngunit masyadong malakas si Axel kaya ito ay hindi nagtatagumpay.

"Because I love you. And no more cliché lines. Saying and showing my love for you is enough." Napakurap ang dalaga. Ang malalalim at seryoso na titig sa kanya ng lalaki ay nagpabilis ng pintig ng kanyang puso.

"OMG!" Tumayo ako sa kama at nagtatalon habang tumitili. Oh my god Axel! Nagtitili pa ko nang may narinig akong ingay sa labas.

"Hala, ano kayang nangyayari?"

"Baka may nasusunog? O magnanakaw?" Dinig kong bulong ng mga tao sa labas. Agad akong napatakip ng bibig at napaupo. Nagpipigil ang tawa akong bumaba sa kama.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang buksan din ito ni Mama. Tumama ito sa aking noo.

"Ouch!" Daing ko habang hinihimas ang aking noo na nahampas ng pinto. Kainis itong pintuan, bibigwasan ko 'to!

"Ikaw bata ka! Ano na naman ang ginawa mo?! Akala ng mga kapitbahay natin ay may nangyayari na dito! Nakakahiya!" Sigaw ni Mama habang dinuduro ako. Napatungo ako, habang nagpipigil ng tawa. Pilitin ko man mag-seryoso dahil galit si Mama ay hindi ko pa rin maiwasang tumawa.

"Tatawa-tawa ka pa d'yan! Hmph!" Galit na sambit niya at naglakad paalis. Kinuha ko ang aking phone at nag-type.

Eurika Cindy Lace Soliman :

Laughtrip dito sa bahay! Hahahahahaha!

Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay nakatanggap na agad ako ng reply.

Axel Brixford :

Haha, bakit?

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Habang nag-ttype at nagkukuwento ay hindi ko pa rin maiwasang humalakhak.

Axel Brixford :

Hahaha. Ang lakas talaga ng tama mo kahit kailan.

Nagttype ako ng isasagot sa kanya nang biglang may nag pop-up sa screen ko.

Axel Brixford calling....

Namilog ang mga mata ko. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Dahan-dahan kong inilapit ang aking daliri upang sagutin ito.

Napakurap ako. Ni minsan ay hindi ko pa naririnig ang kanyang tunay na boses. Ni minsan ay hindi pa kami nagkakausap sa tawag. Pipindutin ko na sana ito ngunit nanlumo ako ng bigla itong nawala.

You missed a call from Axel Brixford.

Axel Brixford :

Sorry, I just accidentaly press the button.

Eurika Cindy Lace Soliman :

Ayos lang.

Pinindot ko ang 'send' button. Napabuntong hininga ako.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon