4.
Pagkauwi ko sa bahay ay as usual agad akong nagtungo sa aking kwarto at ibinaba ang bag. Dali-dali kong binuksan ang aking phone at nagpatuloy sa pagbababasa.
Nalibang ako sa pagbabasa kaya hindi ko namalayan na gabi na pala.
"Eurika! Kakain na!" Pagkalakas-lakas na sigaw ni Mama na halos maputol na ang ugat sa leeg. Dinig na dinig ito hanggang sa aming mga kapitbahay.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan nang hindi inaalis ang paningin sa binabasa. Masyado ng maganda ang mga pangyayari dito kaya hindi ko matigil ang pagbabasa.
Hahakbang pa sana ako ng isang baitang nang biglang may nag-pop-up na message. Halos mapatalon ako sa gulat. Dahil doon ay nagkamali ako ng tapak kaya napaupo at napadulas pababa ng hagdan.
"Argh!" Hinihimas ang puwetan akong tumayo. Ang sakit ah. Napatingin ako kay Kuya Clove na tumatawa ng pagkalakas-lakas na para bang wala nang bukas. Nag-joke ba ko at wagas 'to makatawa?
"Ayan kasi puro Wattpad!" Pang-aasar ni Kuya Clove. Napairap na lang ako sa kanya. Ibinalik ko ang paningin sa phone. Binuksan ko ang message ni Axel.
Axel Brixford :
Hey. Are you home? Did you do your assignments already? Baka nag-wawattpad ka na naman at hindi mo na magawa ang assignments mo ah.
Napangiti ako sa mensahe ni Axel. Pakiramdam ko ay ang tunay na Axel ang nagme-message saakin ngayon.
Nagsimula akong magtipa ng sagot.
Eurika Cindy Lace Soliman :
Opo. Gagawa na po 'ko ng assignments pagkatapos kumain, Sir.
Humahagikhik na pinindot ko ang 'send'.
He may be a stranger but he made me feel like I am an important person in his life.
Umupo ako sa nakalaang upuan at nagsimula na kaming kumain.
Minadali ko ang pagkain at umakyat sa kwarto. Inilabas ko ang mga notebooks at books kung saan kami may assignment.
Nahihirapan at masakit man ang ulo sa pagsasagot sa Math, nagawa ko itong masagutan ng tama. Nagpapatulong kasi ako kay Axel.
Pagkatapos magsagot ay kinuha ko na ang aking cellphone na naka-charge. Nagsimula na muli akong magbasa.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ang biglang may nag-message. Nalilimutan ko kasing i-off ang wifi sa phone ko. Binuksan ito at binasa.
Axel Brixford :
Mabuti naman at nagawa mo na. If you need help especially on solving those equations for your Math problems, I'm here. I can help you.
Hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi ni Axel este sa taong gamit ang pangalan ni Axel. Ang Axel kasi na nabababasa ko ay ganitong-ganito din. Tinutulungan niya rin si Pauleen sa mga assignments nito. And I found it really sweet.
Pero kahit na, para saakin ay napaka-sweet non. Nag-type ako ng aking isasagot.
Eurika Cindy Lace Soliman :
Yes Sir.
Humaba pa ang aming pag-uusap. Sa buong oras na magka-chat kami ay hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mukha.
Axel Brixford :
Sleep now. Ayokong napupuyat ka dahil sa'kin.
Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-nuwebe pa lang ng gabi. Ibinalik ko ang paningin sa phone.
Eurika Cindy Lace Soliman :
Ang aga pa naman eh. Mamaya na.
Axel Brixford :
No. You should sleep now. Goodnight.
Eurika Cindy Lace Soliman :
Ano, iiwan mo 'ko?
Axel Brixford :
Yes, I need to leave for a while.
But always remember that I will come back for you.
Nag-init ang mga pisngi ko sa nabasa. Kumurba ang mas malaking ngiti sa aking labi. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nahiga na ako kama. Pumikit ako nang may ngiti sa labi.
Kinabukasan, maaga akong nakapasok sa school. Gulat na gulat na mga mukha nina Trojan, Leonard at Gillian ang sumalubong saakin.
"Eurika? Ikaw ba talaga 'yan? Ba't ang aga mo ngayon? May himala pala talaga?" 'Di makapaniwalang sambit ni Gillian.
Hindi ko alam kung bakit pero ang ganda-ganda ng gising ko. Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa ere sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila. Sabi nga nila, Smile is the.... Basta 'yon! Nalimutan ko na kung ano 'yung kasabihan.
"Eh natapos ka naman ba sa assignment sa Math?" Tanong ni Leonard. Isang napakalaking ngiti na naman ang ipinakita ko sa kanya. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Mukha kang ewan. Kamukha mo na tuloy si Jollibee kakangiti mo d'yan." Nawala ang ngiti at napalitan ng inis ang mukha ko.
Binatukan ko si Leonard. "Aray!" Daing nito na inirapan ko. Pampasira ng mood, kainis.
Kinuha ko sa aking bag ang aking Math notebook at pinakita sa kanila. Nanlaki ang mga mata nila na para bang nakakita ng multo nang makita ito.
"Ikaw ba nagsagot n'yan? Baka ipinasagot mo lang 'yan sa iba." Utas ni Gillian. Sinamaan ko siya ng tingin. Ganun ba talaga ang tingin nila sa'kin? Na tamad talaga ako mag-aral?
"Oo naman! Gusto niyo turuan ko pa kayo eh!" Pagmamalaki ko. Sinimulan ko silang turuan. Ipinapaliwanag ko din ang parteng nalilito sila sa pagso-solve ng equation.
Nang masagot na nila ang equation ay sabay silang nakahinga ng maluwag.
"Jusko! Salamat naman at nasagot ko din ng tama ang Math na 'to! Nakakabaliw eh!" Reklamo ni Leonard.
"Kaya nga! Nakakadugo ng utak!" Dugtong ni Gillian.
"Pero teka nga, sino ang tumulong sa'yo magsagot? 'Yung ka-chat mong duwag?" Agad akong napalingon kay Gillian sa kanyang sinabi.
"Kaya nga ang duwag niya. Gumagamit pa siya ng pangalan ng iba para mapalapit sa'yo," utas naman ni Leonard.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil sinabihan nilang 'duwag' ang taong iyon. Ngunit sa kabilang banda, may punto sila. Hindi gumagamit ng kanyang totoong pangalan ang taong iyon. He's using a fictional character's name to hide his real identity.
Sino nga kaya ang taong iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/153220549-288-k70767.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Novela Juvenil"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...