Chapter 14

110 5 0
                                        

14.

"W-Wait!" Sigaw ko. Napahinto ang kotse. May lumabas sa pinto. Bumungad ang isang lalaking matagal ko ng gustong makausap ng personal.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Bakas ang pagtataka sa kanyang mga mata dahil sa biglaan kong pagtawag sa kanya na para bang ang tagal na naming hindi nagkikita samantalang nasa iisang school lang naman kami. Oo, ilang araw pa lang naman ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay sobrang tagal na non lalo na nang malaman kong ikaw pala ang misteryosong lalaking nakaka-chat ko. Hindi niya ba alam na ako ang nakaka-chat niya?

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang phone niya sa bulsa. Kinuha niya ito at tiningnan.

Sinagot niya ang tawag at tila ba gulat na gulat siya sa sinabi ng kanyang kausap at kailangan na niyang umalis.

"Sorry.. I have to go. Excuse me." Dali-dali siyang bumalik sa kanyang kotse at pinaharurot ito.

Bumagsak ang balikat ko nang tuluyang umandar ang kotse at lumayo. Napahawak ako sa aking tuhod at bahagyang yumuko. Naghahabol ng hininga akong nag-angat ng tingin at natanaw ang kotseng papalayo. Hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Napaupo ako sa lupa at niyakap ang tuhod ko.

Pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko sa sakit na aking nararamdaman. Bakit? Bakit ayaw kaming paglapitin ng tadhana? May galit ba siya saakin at pinaglalayo niya kami?

Napakabigat ng loob ko. Gusto kong umiyak pero maging ang sarili kong luha ay ayaw tumulo. Wala itong ganang lumabas sa aking mga mata dahil sa pagkadismaya.

Nang biglang bumuhos ang napalakas at napalaking mga patak ng ulan. Hindi ako gumalaw at nananitili sa aking puwesto.

Napangiti ako. Siguro nga ay baliw na ako para ngumiti sa ganitong sitwasyon. Ano bang magagawa ko? May galit saakin ang tadhana kaya ngingitian ko na lamang ito.

Inilahad ko ang aking kanang kamay at ibinuka ang kamao ko. Hinayaan ko itong sumahod ng mga patak ng ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Napatulala ako sa aking kamay na sumasahod sa tubig na pumapatak. Na-blangko ang aking isip at napatulala na lang sa kung saan.

Nang bigla kong mapansin na wala na akong tubig na nasasahod. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang isang payong na nakasukob saakin. Napatingin ako sa taong may hawak nito. Si Trojan na seryosong nakatingin saakin. Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko sa sitwasyon namin ngayon. Nakatingin siya saakin mula sa taas samantalang ako ay nasa baba. Pakiramdam ko ay sobrang kawawa ako.

"Get up," utas niya. May bahid ng awtoridad sa kanyang boses. Binalewala ko ito at nag-iwas na lamang ng tingin.

"Umalis ka na. Iwan mo na 'ko dito," walang gana kong sabi. Inilahad ko ang kaliwa kong kamay at sumahod ng tubig. Kumunot ang noo ko nang takpan niya ang taas nito ng payong.

Inis akong napatingin sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo pang umalis?" Inis kong tanong. Napausog ako nang bahagya siyang tumungo kaya magka-level na ang aming mga mukha. Nagtaka ako sa kanyang ginawa.

"Ano bang ginagawa mo, Trojan Pseuz Valdemore?" Nagtataka kong tanong. Ngunit wala siyang naisagot kun'di ang titigan lang ako gamit ang kanyang mapupungay niyang mga mata. May kung ano sa mga mata niya na parang hinihila ako at sinasabing titigan ko lang siya.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon