Chapter 13

93 5 0
                                    

13.

"Nand'yan naman si Trojan. Ayieeee!" Nakangiting sabi ni Tita Lovely. Nahihiya akong sumagot sa kanya.

"Ay! Hindi po Tita, magkaibigan lang po kami," tugon ko.

"Ganun? Sayang naman. Bagay pa naman sana kayo," napa-ubo ako sa kanyang sinabi. Napahawak ako sa aking dibdib. Ramdam ko ang paghimas ni Gillian sa aking likod. Inabutan ako ni Trojan ng tubig at ininom ito. Kahit papa'no ay nakahinga ako ng maluwag.

"Are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Trojan. Tumango ako. Nginitian ko sina Tita Lovely at Tito Lucho para ipakitang ayos na ako.

May mga nag-perform sa mini-stage. May mga kumanta, at sumayaw. Aliw na aliw ang lahat sa mga ipinakita nilang talento.

"Meron pa bang gustong mag-perform d'yan?!" Masiglang tanong ng emcee habang inililibot ang tingin sa paligid. Naghahanap siya ng gustong mag-perform.

"Si Trojan!" Sigaw ni Gillian. Napatingin kaming lahat kay Trojan na nagulat sa pagtuturo sa kanya.

"Oo nga, Trojan. Ang ganda kaya ng boses mo. Dali na!" Pag-uudyok ni Leo.

Walang nagawa si Trojan kundi ang tumayo at magtungo sa stage. May ibinulong sa kanya ang emcee at nag-usap sila. Naglalad ang emcee papunta sa bandang nandoon at may sinabi rito. Lumingon ito kay Trojan at nag-thumbs-up.

Maya-maya pa ay nag-umpisang tumugtog ang banda. May hawak na ring mic si Trojan at handa ng kumanta.

Kahit kailan ay hindi ko pa siya naririnig kumanta. Kahit matagal na kaming magkakasama ay ni minsan hindi ko pa ito napapakinggan. Kapag kasi inuudyok namin siyang sumali sa contest, hindi siya pumapayag dahil hindi daw niya kaya.

Napapangiwi na lang ako. Marami siyang supporters at naniniwala sa kanya pero ayaw niya pa rin. He has a good-looking face and a good voice that's why. Pero ayaw niya talaga.

"Uhm, magc-cr lang po ako," saad ko. Tumayo ako at humakbang palayo.

Nang biglang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone. Kinuha ko ito mula sa aking pouch.

Axel :

Looking so gorgeous tonight, huh? That pink off-shoulder floral dress looks really good on you.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa. N-Nandito siya ngayon? Lumingon-lingon ako sa paligid, umaasang makikita si Boy Shy. Tiningnan ko ang mukha ng bawat taong nandito sa hall ngunit wala akong nakita Boy Shy sa mga ito.

Nasaan kaya siya?

Naglakad-lakad ako nang biglang may maalala.

Hindi ko pala naitanong kung saan ang CR! Napa-face-palm ako. Paano na ako ngayon nito?

Napatingin ako sa paligid. Hindi ko na masilayan ang table na pinanggalingan ko. Wala rin akong pamilyar na mukhang makita na maaari kong pagtanungan.

Ang mga tao lang na malapit saakin ay ang ilang babaeng talanders na nagtsitsismisan. May isang napatingin saakin. Nang makilala ang aking mukha ay napairap ito. Napairap din ako at tumingin sa ibang direksyon. Sana ay gumulong ang mga mata niya sa kakairap niya! Hmp!

Hindi naman ako ang tipong pala-away na tao pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko ang mga mukha nilang puno ng kolorete, kumukulo ang dugo ko.

Siguro ay dahil naiinis din ako sa mga taong naiinis saakin.

Kanino kaya ako magtatanong nito? Hindi ko maaatim magtanong sa mga babaeng talanders na malapit saakin dahil baka makalbo ko sila ng wala sa oras sa kakatingin nila nang masama sakin.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon