21.
Sumulyap ako sa aking wristwatch
at nakitang magsa-sampung minuto na akong naghihintay dito sa Utopia Park, kung saan kami magkikita ni Axel. Ito ay isang park na isang sakay lang mula saamin. Ibig sabihin ay malapit lang rin dito ang bahay nina Axel?
Nakaupo ako ngayon dito sa isa sa mga swing. Natatanaw ko mula dito ang mga batang masayang naglalaro. May mga nagpapadulas sa slide, naghahabulan, nagpapalipad ng saranggola at kung ano-ano pa. Napatayo ako nang makita ang isang batang babae sa tingin ko ay pitong taong gulang na nahulog. Nahulog ito mula sa monkey bar. Lumapit ako sa kanila upang tumulong.
"Bata, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa batang babae habang tinutulungan siyang tumayo. Nang makatayo ito ay may isang batang lalaki ang agad na tumakbo papunta sa kanya. Lumuhod ito sa kanyang harap at tiningnan ang tuhod ng batang babae. Pinagpag rin nito ang tuhod ng babae upang matanggal ang dumi.
"Mabuti na lang at wala kang sugat!" Masiglang sabi ng batang lalaki. Tumayo ito at tinanong pa muli ang batang babae kung may masakit ba sa kanya. Ang sweet naman ng lalaking ito. They look like a young couple.
Hinawakan ng batang lalaki sa kamay ang babae. Hinarap nila ako at nagsalita.
"Salamat po ate!" Pagpapasalamat ng batang lalaki habang nakangiti. Lumitaw ang malalim na dimples nito at halos nawala ang kanyang mapupungay na mga mata. Kinurot ko ito sa pisngi dahil sa ka-cute-an nito. Paniguradong magiging heartthrob ito sa kanilang school sa paglaki niya.
"You're welcome, basta mag-iingat kayo sa susunod ha? At ikaw, alagaan at bantayan mo itong girlfriend mo ah?" Namula naman ang pisngi ng lalaki nang sabihin ko ito. Napahagikhik na lang ako. Nagpaalam sila at umalis. Bumalik ako sa swing at doon nagpalipas ng oras. Tumingin ako sa orasan at nakitang limang minuto na ang lumipas. Nasaan na kaya si Axel?
Lumingon-lingon ako sa paligid ngunit walang kahit sinong kahina-hinala at mukhang si Axel dito. Nasaan na iyon? Bakit ang tagal niya? Baka naman na-traffic lang?
Kinuha ko ang aking phone mula sa bulsa at tiningnan ang conversation namin ni Axel. Tinanong ko kung nasaan na ba siya. Nang ma-send ito ay nag-back-read ako. May isang mensahe pa pala akong hindi nakikita.
Axel sent a voice message...
Kinuha ko ang aking earphones upang pakinggan ito.
Backpack, backpack!
Backpack, backpack!
On the backpack loaded up with things and knickknack's too
Anything that you might need I got inside for you
Backpack, backpack!
Backpack, backpack!
Yeah 🎶
Napahalakhak ako nang mapakinggan ito muli. Ilang beses ko itong pinakinggan habang itinutulak ang swing gamit ang aking paa. Hanggang sa hindi ko namalayan ang oras. Magaalas singko na pala. Nagsisiuwian na ang karamihan sa mga taong nandito kanina. Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang hangin. Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Nasa'n ka na ba, Axel?
Kung tutuusin ay wala akong ideya kung nandito na ba siya. I don't even know his face. Wala rin siyang sinabi tungkol sa kanyang suot upang malaman kong siya na pala 'yon.
Pumikit ako sandali at sinalubong ang malamig na simoy ng hangin. Kinalimutan ko muna ang lahat ng problemang meron ako.
Dumilat ako nang may maramdamang kumulbit sa aking braso. Nakita ko ang batang lalaki kanina na nakatingin saakin. Nagtataka akong hinarap siya.
"Ate, may ibubulong po ako," saad ng batang lalaki. Lumitaw ang dimples nito. Hindi ko pa rin maiwasang manggigil sa poging batang ito. He's so cute and charming!
"Ano 'yon?" Lumuhod ako kaya magka-level na kami. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tainga.
"Please be patient. I am too shy to come close and talk to you," utas niya na ipinagtaka ko. Lumayo ako at naguguluhang tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Novela Juvenil"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...
