10.
"Mama!" Sigaw ko pagkabukas ng aming ref.
"Oh, bakit?" Nagtatakang tanong ni Mama na sumisigaw mula sa sala.
"Nasa'n na po 'yung box dito?"
"Box? Anong box? Si Bhozxc m4p@gm4h@l?" Napairap ako sa corny na joke ni Mama.
"Ma naman eh!"
"Aba malay ko ba kung anong box 'yon," tugon niya. Bumagsak ang balikat ko. Mabigat ang loob akong pumasok sa kwarto.
Pagkagising ko kaninang umaga ay naabutan kong wala na ang box ng chocolates na inilagay ko do'n sa ref kahapon. Nasaan na kaya 'yun?
Baka kinuha ni Kuya Clove? Agh! Lagot siya sa'kin!
Bigay pa naman 'yon ni Axel tapos hindi ko man lang natikman..
Kinuha ko ang aking phone at nagtipa ng itetext.
Eurika Cindy Lace Soliman :
Oo! <3
Ni-send ko ito bilang sagot sa tanong ni Axel. Malakas ang kutob ko na si Boy Shy nga siya. Bukas na bukas ay kakausapin ko siya sa personal. Gusto kong makausap ng personal ang taong iyon.
Sa wakas, makakausap ko na sa personal ang taong iyon. Nakita ko na siya noon sa mall ngunit hindi kami nagkaroon ng pagkakataon upang mag-usap. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkasabik para bukas. Hindi na ako makapaghintay na makausap siya. Hindi ko akalain na ang taong nakakachat ko ay schoolmate ko lang pala. May mga tanong ang nabuo sa aking isip.
Paano kaya niya ako nakilala? At bakit nitong mga nakaraang araw lang siya nagparamdam saakin?
Mala-Axel at Pauleen din kaya ang magiging love story namin? Kumuha ako ng unan at niyakap ito. Nagtitili ako habang niyayakap ng mahigpit ang aking unan. Napatingin ako sa kabuoan ng aking kwarto na puro Axel Brixford ang nakadikit sa pader at pinto.
Siya na ba ang lalaking mala-Axel Brixford para saakin?
Nang tumunog ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha.
Axel Brixford :
Tulog ka na?
Napahagikhik ako nang mabasa ito. Alam kong wala siyang ideya na kilala ko na kung sino talaga siya. Napangiti ako. I'll surprise you tomorrow, better get ready. I smirked.
Eurika Cindy Lace Soliman :
Yup, tulog na 'ko. Kaluluwa ko na lang ang ka-chat mo ngayon.
Axel Brixford :
Is that a joke?
Eurika Soliman :
Oo! Support mo naman ako!
Axel Brixford :
Ha ha ha. Oh ayan, sinuportahan na kita. Thank me later.
![](https://img.wattpad.com/cover/153220549-288-k70767.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind That Mask
Novela Juvenil"Who might be the person with a hidden identity? Who might be the one Behind That Mask?" Si Eurika ay isang babaeng napakahilig magbasa sa isang app na kinahuhumalingan din ng nakararami, ang Wattpad. Katulad ng iba, napamahal din siya sa isang tao...