Chapter 9

110 5 0
                                        

9.

Kinabukasan, pumasok ako sa school nang may ngiti sa labi. Sumalubong saakin sina Trojan at Gillian na parang nalugi sa kanilang mga itsura. Ano kaya ang nangyari sa mga ito?

"Huy! Okay lang kayo? Ba't ganyan ang mga mukha niyo ngayon? Tsaka, 'asan si Leonard?" Tumingin tingin ako sa paligid ngunit walang Leonard ang bumulaga saakin. Nasaan na ang mokong na 'yon?

"Absent siya ngayon." Napalingon ako kay Gillian. Napangiti ako ng palihim. I smell something fishy. Sabi na eh, may gusto rin 'to sa mokong.

Nagkasakit lang si Leonard mukha nang pinagsakluban ng langit at lupa 'tong babaeng ito. Tsk tsk. Napailing ako.

Ako kaya? Magugustuhan rin kaya ako ni Axel? Napabuntong hininga ako. Oo nga pala. Hindi siya nag-eexist sa mundong ito.

"O siya, puntahan natin mamaya," sabi ko at naupo sa kanilang tabi. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kakain ng lunch.

Nag-ring ang bell hudyat na tapos na ang period namin sa Math. Tinahak namin ang direksyon papunta sa locker area upang magpalit ng gamit.

"Guys! Vacant tayo ngayon! Wala si Ma'am!" Sigaw ng isa kong kaklase. Lahat kami ay naghiyawan sa tuwa.

Napapasyahan naming magpalipas ng oras sa field. Nang makahanap ng puwesto ay komportable kaming nahiga sa damuhan. Inilahad ko ang aking braso at inunanan ito.

"Guys! Bili muna kayo ng snacks!" Utos ni Gillian saamin.

"Kaya niyo na 'yan," tamad kong sabi at ipinikit ang mga mata.

"Eurika naman eh! Sige na, samahan mo si Trojan. Kayong dalawa na lang ang bumili!" Pumapadyak pa nitong banggit. Ang ganda-ganda na ng higa ko dito eh.

"Dali na! Libre ko! Eto pera oh." Kinuha ko ang inaabot na pera ni Gillian. Basta ba libre eh.

Tumayo ako at nagpagpag ng likod. Tinahak namin ni Trojan ang direksyon papunta sa canteen.

"Buti na lang vacant ngayon 'no? Nakaka-stress na 'yung pinapagawa satin ngayon. May performance task sa AP, tapos merong quiz sa Science tapos sa MAPEH! Wala na tuloy akong oras magbasa!" Sambit ko habang naglalakad. Dinig ko naman ang halakhak ng aking katabi.

"Prioritize your schoolworks first," maawtoridad niyang sagot na para bang siya ang magulang kong nagpapa-aral saakin.

"Tsk tsk, mamimiss ko tuloy si Axel..." Sa dami ng aming gagawin ay tiyak na mawawalan ako ng oras sa pagbabasa.

"Well don't be. Anyways, I have something for you.." Napalingon ako sa kanya at nakita ang isang paperbag. Kaya naman pala dala-dala ang kanyang backpack ay dahil may ibibigay saakin. Nagtatakang kinuha ko ito mula sa kanya. Ano kaya ito?

"Don't stare at me like that. You don't know how much struggle I've been through just to get that signed for you," mataman niyang sabi na mas ipinagtaka ko.

"Huh?" Tumingin ako sa paperbag at akmang bubuksan ito.

"I know that you uh...like that...so yeah, I bought it," nagkakamot sa ulo niyang sabi.

Binuksan ko ang paperbag at namangha sa nakita. Isang Wattpad book! Ito ay ang storya kung nasaan si Axel! Ito ang libro na nag-iisa na lang kahapon! Gosh! At may pirma pa ng author!

Namimilog ang mga mata akong napatingin kay Trojan at niyakap siya sa labis na tuwa. Pansin ko ang pagkagulat niya kaya agad akong kumalas at nagtatalon sa sobra-sobrang tuwa na nararamdaman ko. Sa wakas! Mahahawakan na rin kita, Axel! Sambit ko sa isip habang niyayakap ang libro.

"Waaah, thank you nang marami dito, Trojan! Ang saya-saya ko talaga!" Napangiti rin siya nang malaki. Pansin ko ding napapatingin na rin ang mga tao sa paligid pero keri lang, alam kong inggit lang sila sa libro ko, hehe.

Behind That MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon