Umpisa

41 1 0
                                    

Ilang beses na nga ba tayong nasira?
Ilang beses na nga ba akong lumuha?
Ilang beses pa ba?
Tayo ay ano na nga ba?

Ano bang nagawa kong kasalanan?
Sa pagkakaalam ko'y wala naman.
Bakit mo ko sinasaktan?
Umabot na nga ba tayo sa sukdulan?

Ginawa ko naman lahat,
Ngunit bakit tila hindi yata naging sapat?
Ako naman sayo'y tapat,
Hanggang sa ating dalawa'y biglang nagbago ang lahat.

Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam,
Kung paanong ang mga tanong ko'y ang sagot ay ikaw lang ang nakakaalam.
Bakit mo kaya ako iniwan?
Bakit hanggang ngayon ako'y nasasaktan?

Isang salitang paulit-ulit kong binibitawan,
Isang damdaming pilit kong pinanghahawakan,
Pero kahit batid ng puso ang tunay na nararamdaman,
Isip ko'y di ito magawang paniwalaan.

Sa dami ng nagawa mong kasalanan,
Nagagawa ko parin ang ika'y pagbigyan.
Ngunit ika'y patuloy na lumilisan,
At ako'y patuloy na naiiwang luhaan.

Sana balang araw ,ako'y pagbigyan.
Sana balang araw, maayos ang nasirang pagmamahalan.
Sana mahanap mo na ang iyong sarili at ibigay sa akin ang kapatawaran sa isang bagay na hindi ko naman kasalanan.
Sana matagpuan mo na ang iyong tunay na kaligayahan.

Sa ngayon ako'y parte na lamang ng nakaraan,
Sapagkat aking napatunayan,
Kahit anong gawing paraan, puso mo'y hindi na ako ang nilalaman.
Baka talagang ako ay hindi para sayo nakalaan.

Maari bang humingi ng isang kahilangan?
Muli nating subukan na tayo'y magbalikan?
Kahit sandali lamang, nais kang mahagkan.
Kahit sa huling pagkakataon, ako'y mapagbigyan.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now