Bakit ngayon lang?
Bakit hindi pa noon?
Bakit ngayon kung kailan hindi na natin pwedeng ibalik ang panahon?
Handa na ba talaga tayong talikuran ang kahapon?Napakaraming tanong na patuloy na naiipon,
Parang puno na patuloy sa paglagas ang mga dahon.
Kakayanin ko pa bang umahon?
Kung ganitong patuloy akong nababaon?Sa pananakal mo'y 'di na 'ko makahinga,
Sa paglaban ako'y hinang-hina,
Sa buhay ay nawawalan na ng gana,
Mahal, nasaan ka na?Ako ba'y iniwan mo nang mag-isa?
Iba na ba ang nagpapasaya?
Mahal, 'wag naman sana.
Pakiusap, bumalik ka na.Ano nga ba ang estado?
Tumanggi ka, sa kabila ng pagkabisto.
Alam ko at aking kabisado,
Kilala ko ang itsura ng mukha mong kabado.Kung ako'y ipagpapalit mo,
Parang awa mo na, 'wag lang kaibigan ko.
Natatakot na ako, bakit ganito?
Iniwan mo ako sa bingit at mukhang konti nalang, makakabitaw na ako.Mali bang umibig o mali na naman ang inibig?
Inuna ang tulak ng dibdib, kaya bibig ko'y di nagawang kumabig.
Wala na ang malalalim mong titig,
Damdamin mo'y nagyeyelo rin sa lamig.Tinatanong ko ang sarili sa harap ng salamin,
Bakit 'di mo na ako kinayang mahalin?
Tuluyan mo na nga bang lilisanin?
Ano ba'ng meron s'ya na wala sa akin?Akala ko sasamahan mo ako sa aking paglakbay,
Pero nagulat ako nang sa iba ka sumabay,
Sa iba ka umakbay at sumakay,
Ginawa at ginamit mo lang akong tulay.Baka nga ang piliin ka'y katangahan,
Nagkamali ako sa nakita kong kabaitan.
Ang akala kong walang hangganan,
Bigla mong tinuldukan.Sana hindi mo 'ko tinaas sa kalangitan,
Sana hindi mo 'ko pinamangha sa iyong kabaitan,
Sana hindi mo ako pinaligaya ng lubusan,
Eh 'di sana 'di 'ko naabot ang sukdulan at 'di na kailangang masaktan.Ako'y titigil at magpipigil,
Sa kabila ng panggigigil,
Kahit sa utak ay nais kang makitil,
Mas matimbang pala ang luhang sa pagkatao'y sumisiil.(Read also in reverse.)
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
ŞiirA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)