Sa dinami dami ng taong mamahalin bakit ikaw?
Sa tinagal tagal ng panahon na hindi tayo nagkausap o nagkita, bakit ikaw parin?
Ikaw parin ang dahilan ng mga pag ngiti ko, pagluha ko, at maging ng paggising ko.
Ikaw ang dahilan kung bakit kahit nahihirapan ay pilit akong lumalaban.Puro nalamang ikaw ang iniisip at inuunawa ko.
Paano naman ako?
Sana minsan maisipan mo naman na hindi ako santo.
Nahihirapan ako sa sitwasyon nating ito.Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon saken para patuloy akong magmahal.
Ikaw ang bumuhay sa pusong natutulog na minsan ay sobrang pagal.
Ikaw na hindi ko alam kung bakit biglaang bumalik mula sa noon na sobrang tagal.
Ikaw na hindi ko alam kung patuloy ko pa bang minamahal.Ako, ako ang babaeng hindi na kayang sumugal.
Gusto ko naman ng relasyong alam kong magtatagal.
Pero paano kung ang pagtingin mo pala sa akin ay tuluyan ng natanggal?
Paano kung ikaw na pala ang gamot na ipinagbabawal?"Mahal kita!" Mahirap ba?
Siyam na letra, ngunit hindi lang siyam ang idinulot na hiwa.
Nasasaktan na ako pero hindi ko sayo ipinapahalata.
Umaasa akong kusa mong mararamdaman, pero hindi! Hindi mo parin nakita!Ikaw, ikaw ang alam kong dulo ng daang akin tinatahak.
Kahit na sa paghinga ako'y hirap dahil sa dami ng pana sa aking puso'y nakatarak!
Ikaw, ikaw na nag-iisang nilalang na sa puso't isipan ko pangalan mo ang nakatatak.
Ngunit ako ay patuloy na magtitiis at lalaban kahit unti- unti nang nawawasak.Isang gabi ng tayo'y mag-usap ang sabi mo sakin "Mahal Kita."
Ipinaramdam mo ito sa akin kahit na magulo at hindi ko ito mahalata.
Ipinaramdam mo sa akin na ako'y mahalaga,
Kahit sa kaloob-looban alam kong mahal mo parin siya.Tayo? Wala atang gano'n.
'Tila pag-ibig natin ay kulang pa para sa tamang panahon.
'TIla ang iyong isipan ay nalulunod parin sa alaala ng kahapon.
At hindi mo man sabihin, alam kong ang puso mo'y nabibihag parin doon.Pero dahil mahal kita, ikaw ay palalayain ko na.
Ayokong dumating ang araw na magising akong ikaw pala ay wala na.
Ayokong humarap sa bawat bukas ng hindi kita kasama,
Ngunit mahal, tandaan mo na kahit bitawan at palayain kita, sa buhay ko ikaw lang ang naging tama.Ikaw lang ang nagtyaga at patuloy na umunawa.
Pero ramdam kong mga pangyayari ay hindi na nakakatuwa.
'Tila pinaglalaruan na tayo ng tadhana.
Kaya pinapalaya na kita mahal, alam kong nahihirapan ka na.Kung sakaling magbalik muli ang ikaw,
Sana ako ang iyong unang matanaw.
Sigurado akong puso ko'y matutunaw.
Sa ngayon kung pipiliti'y baka ang mundo natin ay magunaw, kaya kailangan ko ng bumitaw.Hanggang sa muli mahal,
Mensahe ko'y hindi na magtatagal.
Puso ay isasara at pagpapahingahin na muna,
Sa aking nag-iisang ikaw, paalam na pansamantala.
YOU ARE READING
Speak Your Heart Out - Spoken Poetry Collection
PoezieA collection of Spoken Words Poety that I've written through passing thoughts and sudden feelings. Enjoy reading. :)