SIGURADO

9 0 0
                                    

Sa sitwasyong magulo,
Maraming naloloko.
Huwag kang magpaplano,
Kung hindi ka rin naman pala sigurado.

Unti-unti nang nawawala ang saya,
Unti-unti nang napapaltan ng lungkot ang ligaya.
Unti-unti ang mga masasayang tawa ay nagiging patak ng luha,
Unti-unting nagkakalayo ang loob nating dalawa.

Kamusta? Dalawang buwan na simula ng sinagot kita.
Ngunit hindi ko alam kung madadagdagan pa ang panahon na ika'y makakasama.
Hindi ko alam kung anong nangyari sa ating dalawa,
Tila yata nakalimutan na natin ang pag-unawa sa isa't isa.

Mistulang relasyon natin ay unti-unting nalalason,
Masyado na akong nadadala ng aking emosyon.
Hindi ko alam kung mali na naman ba ang pagkakataon,
O sadyang patuloy lang akong gumagawa ng maling desisyon.

Mahal kita, isang bagay na ako'y sigurado at walang duda.
Ngunit ihip ng hangin ay bigla nalang nag-iba,
Tila ang ating tamis ng pagmamahal mo ay hindi ko na madama,
Puro nalamang sumbatan at sakitan na parang hindi mo man lang alintana.

Pero kahit ganon, gusto kong sumugal.
Gusto kong subukan kung hanggang kalian tayo tatagal.
Gusto kong lumaban kahit unti-unti mo akong sinasakal.
Gusto kong maramdaman mong tunay ang pagmamahal.

Dahil sa mundong ito, wala naming sigurado.
Hindi rin natin nakikita kung ano ang dulo,
Kung saan nga ba patungo ang bawat pagliko,
Kung ikaw ba talaga ang nakalaan sa katulad kong matigas ang ulo.

Ikaw na nga kaya ang itinakdang magpabago?
Kailangan ko na nga bang sumuko?
Sa tuwing magtatalo ay hindi ko magawang manalo.
Kaya ngayon, ang utak ko'y gulong gulo at sobrang nalilito.

Pakiramdam ko'y hindi ko kayang lusutan ang bawat daan,
Tila ako'y naguguluhan sa kaliwa at kanan,
Sa mga pangakong dapat panindigan o sa mga damdaming dapat bitawan,
At higit sa lahat, sa taong balak kong samahan hanggang sa simbahan.

Nakakapuno ang bawat reklamo,
Daig ko pa ang nakikipag-away sa senado.
Mistulang isang sundalo,
Ngunit patuloy na nawawalan ng ranggo.

Hindi ko alam kung hanggang kalian tayo magpapanggap,
Mga nakaraan ay pilit kong tinatanggap,
Pero kahit nagawa ko nang lahat ng paglingap,
Napakarami mo paring hinahanap.

Sa sitwasyong magulo,
Maraming naloloko.
Huwag kang magpaplano,
Kung hindi ka rin naman pala sigurado.

Speak Your Heart Out - Spoken Poetry CollectionWhere stories live. Discover now